Chapter 5

70K 1.9K 109
                                    

Jade's POV

"Mga g*go talaga kayo! Ako na naman trip niyo!" Tinapik ako ni Jade. "Hoy mamaya na yang landian niyo. Laro na ulit tayo ng makaganti!"

"Jl tawagan ulit kita mamaya ha? I love you." Paalam ko sa girlfriend ko.

"Langya. Tanda niyo na uy!" Pang-aasar niya.

"Inggit ka lang. Kase ikaw hihiwalayan ka na ng asawa mo." Ganti ko.

"Ako iiwan? Ito talagang mukha na to ha?"

"Oo pre! Yang mukha na yan! HAHAHAHA!" Hinarap samin ni Val yung phone niya. May picture si Kane!

"Pakyu kayo." Galit na sabi niya.

"Hanggang ngayon ba naman talunan ka pa din?" Pang-aasar pa ni Blake.

"Bunutan na ulit!" Pag-iiba ni Kane. Asar-talo talaga to. Hahaha.

Magbubunutan na sana kami ng bigla naming narinig ang pagsara ng pinto sa taas.

"Si boss! Si boss!" Kinakabahang sabi ni Chris.

Nagkagulo na kaming lima sa pagliligpit ng mga kalat na ginawa namin. Para kaming mga bata na ayaw magpahuli aa ginawang kalokohan.

"What the fvck are you guys doing?" Para kaming binuhusan ng malamig na tubig ng marinig namin ang nakakatakot na boses ni bossing.

Itinulak ko si Kane para mapunta sa harapan namin.

"Boss-"

"What the hell is on your face?" He asked again.

"P-powder sir." Nauutal na sagot ni Kane. "A-ano.. na.. naalala mo pa yung tinuro sating laro ni Keisha? Yung killer game. Meeting pa nga natin yun tapos bigla na lang kayong naglaplapan sa harapan namin tapos-" Sabay-sabay naming binatukan si Kane. Kitang-kita na kase namin ang matatalim na titig na ibinibigay sa kanya ni boss.

Alam kong hindi bitter si bossing kay Miss Keisha dahil mahal na mahal niya to pero alam kong nasasaktan siya. Gago talaga tong si Kane. Di man lang nakaramdam e. Talagang nag-throwback pa.

"Clean up. Conference room in 2 minutes. Be late and I'll kill you." Walang kaemo-emosyong sabi ni boss bago nagtungo sa conference room.

"Sira ulo ka talaga Kane! Below the belt na yun!" Sita ko sa kanya.

"Eh bakit kase ako ang tinulak niyo!"

"Ewan ko sayo!" Inilagay ko na yung baril ko sa bulsa. "Tara na nga."

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Nakaupo si bossing sa swivel chair habang nakatalikod samin.

"Review all the files." Utos niya. Nagkanya-kanyang upo na kami.

Pagbukas ko ng folder, isang picture ang bumungad sakin. Picture siya ng lalaking naka-business suit. Base on his facial features, Japanese siya.

"He is Hiroshima. A businessman operating chains of Japanese restaurants all over the world."

I moved to the next page. He owns billions of money. At ang nakakagulat pa is wala pa siyang isang taon sa pagnenegosyo. "Boss galing ba siya sa mayamang pamilya?" Hindi ko napigilang magtanong.

"No. He was able to graduate in school because of a foundation that helped him."

"Kung ganun paano siya yumaman ng ganito bossing?" Napatingin ako kay Blake na seryosong nagtatanong.

Hindi siya sumagot.

"May iba siyang negosyo/baka mafia siya!" Halos sabay na sabi ni Val at Kane.

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon