Chapter 42

64.5K 1.6K 323
                                    


Val's POV

"What an amazing performance by Team Dawson! Manang-mana pala talaga ang student nating si Premier Homme sa kanyang daddy. Pero magpapatalo naman kaya ang mommy at mga kapatid niya na kapwa students din natin?" He paused for a while. "Let's now welcome Keisha Monet-Dawson, Angelique Dame Dawson, Amour Demavie Dawson, Jessy Smith, Karen Song-Jaejoong, Pia Wen, and Jl Fallon. Our TEAM KEISHA!"

"FVCK. What the fvck are they wearing?" Galit na tanong ng ni bossing ng tinggal ng mga nasa stage yung coat nila.

They are all wearing a black SEXY costume. (AN: Check niyo yung picture para sa costume.)

"Whoo! Hot naman!"

"EYES. ON. YOUR. RESPECTIVE. PARTNERS."

"Bossing naman paano naman namin mapapanood yung buong performance-"

"Aangal ka Kane?"

"Eto namang si bossing hindi mabiro-"

"Just shut up." Natahimik na kaming lahat maliban kay Chris na busangot ang mukha. "What the heck is your problem Chris?"

"Eh bossing ang daya naman. Lahat sila may partner. Paano naman ako?"

"Just close your eyes." Nagtawanan kaming lahat sa utos ni bossing.

"Bossing naman-"

"Walang titingin sa mga anak ko. Lalong-lalo na sa asawa ko."

"Pero-"

"Do you want to talk to my gun?" Napalunok ako sa tanong ni bossing.

"Sus! Madaming tao dito-" Sabat na naman ni Kane.

"I don't care. I can kill you whenever at WHEREVER I want." Tumahimik na kaming lahat at ipinagpatuloy ang panunuod.

Nakaupo sa stage ang mga bibe. Sa left side, si Karen and Jessy. Tapos sa right side naman si Pia at Jl. Si Miss Keisha naman ay nakatayo sa likod ni Liclic at Amour na kasalukuyang nagpe-perform.

"Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak kwak. Kwak kwak kwak.." Pagtatapos ng dalawa sabay turo sa magkabilang gilid kung saan tumayo na ang mga bibe.

Silang apat naman ang pumwesto sa stage.

"Ang bango, bango Ang bango, bango.. Ang bango, bango ng Bulaklak.." Panimula ni Pia habang titig na titig kay Blake.

"Whooo! Asawa ko yan mga tol! Off limits na!" Sigaw ng asawa niyang marami ding bibe.

"Pag inaamoy, pag inaamoy.. Pag inaamoy anong sarap.. Ang bango, bango.. Ang sarap, sarap...amuyin ang bulaklak.." Jl started to sing with ACTIONS kaya yung boyfriend niya? Ayun, akit na akit na.

"Pakasalan mo na kase tol." Bulong ko kay Jade.

Ngumiti lang siya. "Dadating din tayo diyan."

"Sus! Ang sabihin mo torpe ka lang." Pang-aasar ko.

"Sino kayang torpe sating dalawa?" Balik-tanong niya.

"Hindi ako torpe no. Naghahanap lang ako ng tiyempo."

"Ang laki, laki Ang laki, laki.. Ang laki, laki ng bulaklak.. Ang pula, pula Ang pula, pula..Ang pula, pula ng bulaklak.. Ang laki, laki, Ang pula, pula.. Ang kulay ng bulaklak.."

"ANG PULA TALAGA KAREN! WOOOOOH!" Napatigil si Karen sa sinabi ni Kane. "Ng ilaw!" Napakamot pa siya sa ulo. Sira talaga.

"Ang kapal, kapal, Ang kapal, kapal.. Ang kapal, kapal, ng Bulaklak.. Meyrong maliit, meyrong malaki.. Meyrong ding matangkad na Bulaklak.. Merong makapal, merong manipis.. Na uri ng bulaklak.."

"KAHIT HINDI NA FRESH ANG BULAKLAK MO, MAMAHALIN PA DIN KITA!" Nakatanggap ako na kata-katakot na irap at matatalim na tingin galing kay Jessy. "I love you!"

"Binata na si VAL!" Binatukan pa ko ni Blake.

"Bubuka ang.. bulaklak ,Papasok ang reyna.. Sasayaw ng cha-cha, ang saya-saya.. boom-tiya-ya, boom-tiya-ya, boom yeah, yeah..." Sabay-sabay na silang nagsayaw.

Nag-form sila ng pabilog tsaka pumasok ang mga tatlong Dawson sa loob.

"At night, I think of you.. I want, to be your lady, maybe.. If your game is on, give me a call boo.. If your lovin’s strong, gonna give my all to you.." They all did the running man challenge.

Natumba silang lahat except kay Ms. Keisha na ngayon ay nasa gitna na at nakatitig sa asawa niya.

"Bulaklak...sa buhay ay kailangan.."

"EYES ON THE FVCKING FLOOR." Galit na utos ni boss.

"Panood naman kami boss-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil ikinasa na niya ang baril.

Eyes on the floor nga e.

"Ng magkakulay ang mundo.. Bulaklak...sa buhay ay kailangan.. Ng magkakulay ang mundo.." Naririnig ko lang yung boses ni Miss pero hindi ko nakita yung sayaw.

Nang matapos mag-perform ay dali-daling isinuot ni bossing mga coat ng anak at asawa niya.

"Talaga namang talented ang Pamilya Dawson!" Lumabas yung emcee. "How was their performance Mr. Zachary?"

"That was.. that was not nice."

"Excuse me? We did great!" Protesta ni Miss.

"Yes you did but not with that costume." Hindi na lang umimik si Miss Keisha. Nasa harap sila ng maraming tao no.

"Magtabi na po ang dalawang team dahil ia-announce ko na ang nanalo! Sinong team Zachary dito?" The girl screamed. "Eh team Keisha?" The boys screamed! At si bossing? Ayun mura na ng mura.

"The winner for this school year's talented family is no other than-"

"YUKO!" Biglang sigaw ni Chris na ikinagulat naming lahat.

"Fvck! Yumuko kayo!" Utos samin ni bossing. Nilabas na namin ang mga baril namin tsaka pinagbabaril ang mga kalaban.

Puro putok ng baril at sigawan ng mga takot ang maririnig mo sa buong lugar.

"BOSS!" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ko si Chris na nagtatatakbo papunta kay bossing na ngayon ay nakaluhod habang yakap si Premier at may tama ng baril sa braso.

"CHRIS!" Isang magkakasunod na putok ng baril ang naging dahilan kung bakit nakahandusay na sa stage si Chris.

Sabay-sabay naming pinagbabaril yung taong pinanggalingan ng balang tumama kay Zach at Chris.

"Sht! Tumawag kayo ng ambulansiya!" I heard Ms. Keisha screamed as she went to bossing.

"Excuse me! Ako yung babae kanina! Si Veron? I'm a nurse! I think I can help you guys." Hindi na niya kami hinintay pang sumagot dahil tinalian niya agad ng tela yung braso ni bossing.

Si Chris naman ay ganun din ang ginawa niya. "Masyado ng maraming dugo ang nawawala sa kanya. We need to bring him to the nearest hospital kung hindi pwede siyang mamatay!"

***

Dinudumihan po ng mga FCs handled by OPs ang utak ko. 😂 Haha. Any, bakbakan na sa mga susunod na chapter then the end na! :) Mwamwa! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon