Chapter 41

59.1K 1.6K 110
                                    

Pia's POV

"Wala nang dating pagtingin.. sawa na ba saking lambing.. wala ka namang dahilan.. bakit bigla na lang nang iwan?"

"May problema ba kayo ni Kane?" Takang tanong ko kay Karen ng simulan ni Kane ang kanta.

"Aba malay ko diyan sa itlog na yan!" Sagot naman niya.

"Asus! Baka hindi mo ginalingan kagabi?" Pang-aasar ko.

"Hoy ginalingan ko no! Nasarapan kaya yan!"

"Usapan niyo. May mga bata dito." Saway ni Keisha.

"Hoy ikaw ha! Ang sama ng iniisip mo. Nasarapan kase siya sa masahe ko!" Tumatawang sabi ni Karen. "Baka naman ikaw ang hindi nasarapan kagabi?" Balik pang-aasar niya.

"Ewan ko sa inyo."

"Pikon ata ni Keisha ngayon?" Bulong sakin ni Karen.

"Baka meron?" I asked.

"Baka kamo buntis?"

"Yes! Mukhang ninang na naman tayo!" Excited na sabi ko. "Kaya lang nakakarami na sila, tayo kaya kelan?"

"Shhhh."

"Manuod ka na nga lang kase Pia! Napapagalitan tuloy tayo ni Mrs. Dawson." Parinig ni Karen.

"Hindi magbabago.." Blake started to sing. "Pagmamahal sa iyo.." Titig na titig si Blake sakin habang kumakanta. "Sana'y pakinggan mo.. ang awit ng pusong ito.. I love you Pia."

"Ay te kumalma ka! Teenager lang?" Hinampas ako ni Karen sa braso.

"Wag ka nga! Ang gwapo kaya!"

"Ni Blake o ni bossing?" Pang-aasar ni Karen.

"K-kay Blake siyempre!"

"Asus. Blake daw pero sa drummer nakatingin." Pang-aasar pa din niya.

"Tigilan niyo ang asawa ko ha." Mataray na sabi ni Keisha.

"Asawa daw? Parang nung isang araw lang bahala yung LALAKING yun." Si Jl naman ang nagsimula.

"Ah basta! Kahit ano man ang pag-awayan namin he's still my husband and I love him!"

"Oh edi kayo ng may lovelife." Napatingin kaming lahat kay Jessy.

"Hindi magbabago.. Pagmamahal sa iyo.. Sana'y pakinggan mo.. Ang awit ng pusong ito.." Bumaba sa stage si Val at tumapat kay Jessy.

"Wala daw siyang lovelife!" Komento ko.

"Tulad ng mundong hindi.. Tumitigil sa pag-ikot... Pag ibig di mapapagod.." Dahan-dahang inilapit ni Val ang likod ng palad ni Jessy sa kanyang labi bago bumalik ng stage.

"Jusko! Bakit si Zach hindi bumaba dito para gawin din sakin yan?" Himutok ni Keisha.

"Duh! Nagda-drums kaya siya ate!" Pagtataray ni Jl.

"Kahit na!"

"Sus. Inggit ka lang e." Sabi pa nito.

"Whatever. Akala mo naman yung sa kanya, bumaba. Eh hindi naman. Ni titig nga hindi ginawa e." Pang-aasar ni Keisha.

"Break na kami ni Jade. Hmp." Siyempre sino pa ba yun? Edi si Jl."

"Break daw! Para ka ngang tuko kanina kung makakapit sa kanya e." Sabi ni Jessy pero inirapan lang siya ni Jl.

"Si Blake din naman hindi bumaba!" Pagdagdag ko.

"Yung asawa ko din. Siguro may mga bibe siya dito kaya nahihiya!" Dagdag pa ni Karen.

"HAHAHAHAHAHAHAHA." Sabay-sabay na nagtawanan yung tatlo chikiting.

"At bakit kayo tumatawa diyan?" Pagtataray ko.

"Eh kase po tita para po kayong mga bata kung umasta."

"Baby face naman talaga kami no." Sabi ni Jl.

Pinagtawanan lang nila ulit kami.

Kay Chris naman na nakatutok ang spotlight ngayon. "Hindi ba unfair yun? Lahat sila may hinarana pero ako wala.." Tinalon niya pababa yung stage. "Sinong pwedeng maging partner dito?"Tilian lahat ng mga babae ultimo kami.

Lumapit siya sa isang babae na may katabing bata. "Hi miss! Ang ganda mo namang nanay."

"Hindi pa ko nanay." Nahihiyang sabi nung babae.

"Eh ano mo yung katabi mo?"

"Pamangkin ko." Nakangiting sagot ulit nung babae.

Infairness ha, maganda yung babae at hindi naman talaga siya mukhang nanay kaya siguro siya ang nilapitan ni Chris.

"So pwede ka pala." He winked. "I'm Chris." He offered his hand at nakangiti naman itong tinanggap.

"I'm Veron."

"Beautiful name.. Just like you."

"Sus! WAG KANG MANIWALA SA BOLERO NA YAN!" Sigaw ni Jl kaya nagtawanan yung mga audience.

"Stick-to one to no." Pagmamalaki ni Chris. Humarap ulit siya kay Veron. "Can you come up the stage? I'll sing for you." Tumango naman siya.

"May bago na tayong miyembro." Komento ko ng naglalakad na sila paakyat.

"Miyembro saan?" Takang-tanong ni Karen.

"Sa mga bibe ng limang itlog."

"HOY WAG NIYO KONG IDAMAY DIYAN HA!"

"Denial ka pa!" Binelatan siya ni Jl.

"Ayaw nga kase sa kanya dahil hindi na fresh." Sabat ni Keisha na ikinatawa naming lahat.

"Ewan ko sa inyo! Mas ayaw ko sa VALuga no!" Sigaw ni Jessy kaya napatingin samin sila Val.

"Okay lang Jessy ko. Gagawa naman ako ng paraan para magustuhan mo." Val winked at her.

Edi kami ng inggit.

***

Enjoy reading! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon