Chapter 33

59.4K 1.5K 166
                                    

Kane's POV

"Sir nasan na po ba talaga si Mr. Dawson? Kanina pa po siya hinihintay dito sa opisina."

"Ang kulit mo naman Anne. Hindi ko nga alam kung nasan si bossing. Baka nakipag-date lang yun." Kanina pa ko kinukulit ng secretary ni Zach. Nasan naman ba kase yun?

"Eh ano pong sasabihin ko sa kanila? Cancel na po ba ang meeting?"

"Tell them to wait for the big boss okay?"

"Pero sir-"

"Bye." I ended the call.

Mabuti na lang talaga gwapo ako, kung hindi kanina pa masakit ang ulo ko sa kakulitan ng secretary na yun.

Huminto ako sa pinakamalapit na gasoline station dahil mahaba-habang biyahe pa ang lalakarin ko.

Pinapapuntahan sakin ni boss ang mga properties ni Lucas. Pwede na kaming makakuha ng lead sa isusunod naming leader nila.

"Ano ba Anne! Hindi ka ba talaga makaintindi-"

"Sinong Anne na naman yan ha Kane? Aba! Walanghiyang to! Ni hindi man lang ako naalala! Ano nakalimutan mo siguro no? Palibhasa puro pambababae na naman siguro ang inaatupag mo!"

"Teka lang baby. Calm down okay?"

"Babyhin mo yang mukha mo! Tsaka anong calm down calm down yang sinasabi mo? Tatlong oras na kong naghihintay dito sa airport! Nakalimutan mong ngayon ang dating ko no? Tsaka kanina pa kita tinatawagan, hindi kita ma-contact! Yun pala nakikipaglandian ka pa diyan sa babae mo!"

Fvck. Napamura ako sa isip ko. I totally forgot! "Hindi ko nakalimutan baby a. Na-traffic lang ako. Alam mo naman sa Pilipinas, palaging traffic." Pagdadahilan ko.

"Alam mo naman sa Pilipinas, maraming babaero." Ganti niya. "Be here in 15 minutes or else maghanap ka na ng bagong asawa mo!"

"Karen naman-" Binabaan na ko ng cellphone.

Kung magda-drive lang ako, aagbutin ako ng mg two hours sa layo ng biyahe. Agad kong ipinaharurot ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na hide-out dito.

In less than 2 minutes nakarating din ako dito at naabutan ko ang mga tauhan namin na nagsusugal.

"Hoy kayo ano yang ginagawa niyo diyan ha?"

"Sir!" Mabilis silang nagbigay galang sa akin.

"Alam niyong mahigpit na ipinagbabawal yang ganyan lalo na kapag naka-duty sa trabaho diba? Gusto niyo bang iparating ko to kay bossing?"

"Sir wag ho. Malalagot ho kami parehas kay boss." Nagmamakaawang sabi nila.

"Sige. Hindi ko kayo isusumbong basta ihatid niyo ko sa airport. And make sure that we'll be there in less than ten minutes. Are we clear?"

"Yes sir!"

Woooh! Problem solved!

"Hi baby!" Akmang yayakapin ko si Karen when she pushed me. "Bakit galit ka pa din? Sabi mo kailangan in 15 minutes, nandito na ko. May sobra pa nga akong 2 minutes e."

"Baby-baby ka diyan! Ano ko bibe? Ah oo! Mga bibe nga pala kami. Ilan ba kami? Tatlo?" Iritang sabi niya.

"Teka! Parang alam ko yan a!" Inakbayan ko siya. Mabuti na lang hindi niya inalis yun. "May tatlong bibe akong nakita.. mataba, mapayat ang mga bibe.. ngunit ang may pakpak sa likod na iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak, kwak.."

Hinampas niya ko bigla. "Aba't tatlo nga talaga kami? Sino naman ako dun ha? Yung mataba? O mapayat? Ay wala pala dun dahil ako sexy!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Alam mo ikaw kung anu-ano ang iniisip mo. Siyempre sexy ang asawa ko. Namiss kita baby."

Finally, ngumiti na siya. "Namiss din naman kita e."

"I love you." Hinalikan ko siya sa lips. "Sa chopper na natin ituloy yan."

"Anong chopper?"

"Samahan mo muna ko sa trabaho ko bago tayo umuwi."

"Naman baby! Gusto ko ng magpahinga." Maktol niya.

"Saglit lang tayo baby. Didiretso na din naman tayo kila bossing after."

"Bakit sa kanila?"

"Dun na tayo tumira para tipid sa pagkain at kuryente." Napakamot na sabi ko. Totoo naman. Kila bossing libre lahat.

"Kuripot mo talaga kahit kelan!" Inis na sagot niya.

"Mahal mo naman." Hinalikan ko siya sa buhok. "Babawi ako sayo baby. Promise."

***

Pagbigyan naman natin si Kane! Mehehe. May sineseryoso pa rin naman pala siya. Yung asawa niyang si Karen. ❤❤❤

Any, yung Dawson vs. Dawson, magaganap po yan sa mga susunod na chapters. Team Zachary vs. Team Keisha kaya? :( Abangan!

Andito po lahat ng links ng mga official facebook accounts ng ating mga characters. Andito na din yung facebook page and group natin including my personal facebook account. Mwamwa! :*

Zachary Dawson
https://m.facebook.com/profile.php?id=100005541348587&ref=content_filter

Keisha Dawson
https://m.facebook.com/profile.php?id=100011855321115&tsid=0.15204365644603968&source=typeahead

Premier Dawson
https://m.facebook.com/profile.php?id=100012185583872&tsid=0.6919714331161231&source=typeahead

Angelique Dawson
https://m.facebook.com/profile.php?id=100012194402431&tsid=0.795161651680246&source=typeahead

Amour Dawson
https://m.facebook.com/profile.php?id=100012220982446&tsid=0.17248179344460368&source=typeahead

Sachel Dawson
https://m.facebook.com/profile.php?id=100012123851622&tsid=0.10003105248324573&source=typeahead

Kane Jaejoong
https://m.facebook.com/profile.php?id=100009394940029&tsid=0.9714676483999938&source=typeahead

Blake Siwon
https://m.facebook.com/profile.php?id=100009673656099&tsid=0.6476811743341386&source=typeahead

Val Myungsoo
https://m.facebook.com/profile.php?id=100011361889951&tsid=0.6010675916913897&source=typeahead

Fb Page
www.facebook.com/craziestamongtherest

Fb Group
https://m.facebook.com/groups/1777212509177147?tsid=0.5767990404274315&source=typeahead

My personal account
https://m.facebook.com/profile.php?id=100000833457798&tsid=0.5677501156460494&source=typeahead

Instagram
https://www.instagram.com/iamjlldlrsr/

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon