Chapter 12

62.8K 1.6K 166
                                    

Premier's POV

"Angelique Dame. Where are you?" Kanina ko pa sila hinihintay dito sa parking lot.

"Hello din kuya! I miss you too po!"

"Just answer my question. Kanina pa ko naghihintay dito." Inis na sabi ko.

"Eto na po mahal na hari na pagkasungit-sungit." I ended the call and just waited for them here.

"SURPRISE!" Biglang may nagtakip sa mata ko.

"Let go."

"Enebeyen kuya! Katakot ka talaga. Tsk. Anyway, I want you to meet my friend.. Ces Apurillo. Ces kuya ko nga pala si Premier Homme.."

"Ikaw na naman/It's you again!"

"Woah. Magkakilala kayo?"

"Hell no/Asa pa!"

"Hindi nga?" Pangungulit pa din ni Angelique.

"HINDI NGA!" Sabay na sigaw namin.

"Ay defensive much? Edi hindi na kung hindi." Tinaas pa ni Liclic ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.

"Hindi talaga. Wala akong kilalang mayabang."

"Mas wala akong kilalang stalker." Ganti ko.

"Stalker your face. Bakit ko naman ii-stalk ang isang taong konti lang ang kagwapuhan?"

Sasagot pa sana ako ng maunahan ako ni Liclic. "Alam niyo, bagay kayo."

"What the hell? We better go home now." Sabi ko.

"Eh yun na nga kuya. Hihingi sana ko ng favor sayo." I did not respond. "Ano kase napangakuan ko kase si Ces na sasamahan ko siya sa mall para bumili ng materials sa group project namin kaso susunduin daw ako ni Josh. Manunuod kami ng movie. Tapos si Sachel at Amour naman sinundo na ni mommy. Magbo-bonding daw muna silang tatlo so I want you to accompany my friend."

"Ayoko."

"Ay grabe si kuya o. Kelan ka tinuruan nila daddy na magpaka-ungentleman? Tsk."

"At kelan naman ako pumayag na umalis ka? Hindi ko yata maalala na nagpaalam ka."

"Hindi nga." Naka-pout na sabi niya.

"Then you can't go."

"I can kuya. Kay mommy kaya ako nagpaalam." Binelatan niya ko tsaka tumakbo.

"You get back here Angelique Dame!"

"Andiyan na si Josh kuya e. See you later! Take care of my friend okay? Don't be rude! Mwa!" Nag-flying kiss pa siya.

Tinawag ko pa siya pero hindi na niya kami pinansin. What now? Lumingon ako sa kaibigan ni Liclic.

"Ano?!" Angil niya.

"You know what? I realized something.. ang panget mo pala." I smirk at naglakad na.

"Wow naman! Gwapo ka kuya? Makapagsabi ka naman ng panget diyan akala mo ka Greek God. Nako! Lagot sakin si Angelique bukas. Makasabi na gwapo at gentleman daw ang kuya niya. Ikaw? Jusko. Asan men? ASAN?!"

Hindi ko na siya pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. "What the-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang mala-microphone niyang boses.

"Fvck! Bakit mo ko binatukan?" Pagputol niya sa sinasabi ko. "Tama ba? Gayang-gaya ko na ba ang mga linyahan mo? Galing ko no!" Proud na sabi niya.

"Get off me woman." Inis na sabi ko sa kanya. What the hell is wrong with her? Batukan ko din kaya to ng makaganti?

"May pangalan ako no! Wag ka na ngang magalit diyan. Bati na tayo."

"No." I said.

"Eto naman. Sorry na. Binatukan lang naman kita kase nagpa-practice ako." Kinunutan ko lang siya ng noo. "Sa gagawin kong pagbatok sa kakambal mo bukas." Ngumisi pa siya.

"So okay na?" Walang ganang tanong ko. "Can we just go now?"

"Hala. Galit ka pa din? Sorry na talaga Homme. Bati na tayo."

"You can just call me Premier."

"Eh ayaw. Gusto ko yung Homme. Ang cute kaya. Tapos unique pa. Ako lang ang tumatawag sayo nun." She smiled. When I saw her smile, it felt like someone touches my heart. Fvck. What the hell is wrong with me? This is wrong.

"Let's just go. Sasamahan na kita."

"Oh my. Itago mo ko! Itago mo ko please!"

"What?" Confused na tanong ko.

"Parang awa mo na.. Itago mo ko.." Nakikiusap na sabi niya. Doon ko lang din napansin ang isang grupo ng mga lalaki ang naglalakad papasok ng school. They are all wearing a black suit.

Hinatak ko siya patago sa isa sa mga sasakyan na nandito atsaka siya niyakap. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. "Shh.. I'm here. I will protect you." Bulong ko sa kanya.

Alam ko may pinagdadaanan siya. And I'm willing to help her. I don't know but I want to be her protector.

***

Ayaaaan na po! :) Sorry naman sa promise kong update kagabi. Nakatulugan ko na nga e. 😂😂😂

Btw, thank you sa lahat ng sumali sa palaro ko. Super thank you sa effort niyo kaya lang alam naman natin na sa contest, iisa lang ang nanalo. So I want to congratulate Ms. Ces Apurillo. You are now Premier's partner pero asahan mong hindi magiging madali ang buhay mo. Haha.

Sa lahat po ng sumali, nasa akin po ang list and I'm planning na isingit kayong lahat sa story. Mapamaliit na part lang basta isasama ko kayo. Okaaaay? :)

Wala po sanang sumama ang loob sakin ha? Super thank you sa lahat. Love you guys! ;)

Fb page: fb.com/craziestamongtherest
Insta: @iamjlldlrsr
Contact number: 09173993295

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Where stories live. Discover now