Chapter 45

55.1K 1.5K 169
                                    

At dahil panalo ang Golden State, here's an update! :)

Anyway, may pasok na kayo sa bukas? Goodluck sa inyong lahat. Mwamwa! 💋❤

***

Keisha's POV

"L-lucas?" Napalunok ako. "Ikaw ang may pakana nito?"

"Of course not. Wala akong alam dito."

"You're an asshole!" I hissed.

Lumapit siya sakin pero iniwas ko ang mukha ko. I hate him! No, I loathe him! Pero laking gulat ko ng bigla niyang kinalag ang tali sa kamay at paa ko.

"W-what are you doing?" Confused na tanong ko.

"Inililigtas kita love. Hindi ka dapat nandito-"

Napatingin kami sa lalaking pumapalakpak sa harapan namin. "Sabi nila nagiging tanga daw ang tao kapag nagmamahal, pero hindi ko naman alam na napakatanga mo naman pala Lucas!"

"Leave her alone Drilon."

"Leave her alone? HAHAHA. Pinapatawa mo ko Lucas."

"Wala siyang kinalaman dito. Kung may gusto kang patayin, ako na lang!"

"Akala mo ba talaga mahal ka ng babaeng yan? Pinagplanuhan ka na ng mga Dawson pero nagpakabulag ka! Tutuklawin ka na ng ahas, wala ka pang alam!"

"That's not true! Keisha loves me!" Napapikit ako dahil sa sinabi ni Lucas.

"Really? Why don't you ask her!" That Drilon yelled.

Humarap sakin si Lucas. "Love tell him that you love me.." Nag-iwas ako ng tingin. "Please tell him.."

"I'm sorry.." Napayukong sabi ko.

"See? Sa kanya na mismo nanggaling! SHE DOESN'T LOVE YOU!"

"HINDI YAN TOTOO! Sabihin mong nagbibiro ka lang!" Mahigpit niya kong hinawakan sa magkabilang balikat.

"I'm really sorry Lucas. Sorry.." Umiiyak na sabi ko.

"NILOKO MO KO?" Mas humigpit na ang hawak niya sakin. "NILOKO NIYO KO NG ASAWA MO!" Galit na galit na sabi niya. "Alam kong masama akong tao pero I changed when you came into my life. Our organization is planning to kill your husband and I volunteered. You know why?" I shook my head. "Dahil pinipigilan ko ang lahat!"

"W-what?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Nang minahal kita, kasama na doon ang mga anak mo. At kahit na ALAM KONG hiwalay na kayo ng asawa mo, he's still a part of you. And your children loves you so much kaya ayoko silang malungkot at magalit sa akin dahil pinatay ko ang tatay nila." Kusang nagsipatakan ang mga luha ko dahil sa sinasabi niya.

Lumapit na yung Drilon. "Sinabi ko naman kase sayo, walang mararating yang pagmamahal mo. Sa mundo natin, hindi na uso ang salitang pagmamahal dahil ito ang papatay satin." He tapped Lucas' shoulder. "Kill her." Nag-abot siya ng baril kay Lucas. "KILL. HER. NOW."

"N-no please.." Umiiling na sabi ko ng kinuha ni Lucas ang baril. He pointed his gun at me. "L-lucas.."

"PULL THE TRIGGER NOW LUCAS!" Drilon commanded.

I closed my eyes at naghihintay na lamang ng kamatayan pero wala akong narinig na putok ng baril kaya dahan-dahan ko muling iminulat ang mga mata ko.

"I can't.." Umiiling na sabi ni Lucas sabay baba ng baril.

"Hindi mo kaya? Pwes ako kaya ko!" Si Drilon naman ang nagtutok ng baril sakin. "Kayang-kaya kitang patayin."

"Don't kill her!" Iniharang ni Lucas ang katawan niya sa harap ko. "Ako na lang ang patayin mo."

"Wow! Ano to? You jump, I jump? Titanic lang? Hindi niyo ko madadala diyan."

"Why don't you just kill me? Barilin mo na ko basta pakawalan mo lang si Keisha!"

Pinilit kong kalasin yung tali sa kamay ko dahil naalis na ni Lucas yung tali sa paa ko kanina.

"Masunurin ako Lucas. Masunurin ako." And with that, he pulled the trigger TWICE!

"LUCAS!" Sinalo ko si Lucas. "Lucas! Wag kang bibigay!" Umiiyak na sabi ko.

"I l-love you K-keisha.." Hirap na hirap na sabi niya.

"Lucas." Niyakap ko siya ng mahigpit. Don't get me wrong guys. Hindi ko siya mahal kagaya ng iniisip niyo. I loved him as a friend. Alam niyo na wala siyang pinakitang masama sa akin at sa mga anak ko. He really loves me.

Napatingin ako ng masama sa lalaking bumaril kay Lucas. Binitawan ko si Lucas at sumugod sa kanya. "How dare you! You're an asshole! Bakit mo siya binaril! Hindi mo dapat siya binaril!" Pinaghahampas ko siya pero mabilis niyang nahuli ang kamay ko at ipinulupot sa likod.

"Huwag kang mag-alala, ikaw na ang isusunod ko."

Tinignan ko siya ng diretso sa mata. "Hindi ako natatakot sayo."

"Aba matapang ka ha!" Hinawakan niya ko sa pisngi ng mahigpit. "Magaling palang pumili ng babae si Dawson." Ngumisi pa siya.

"Bitiwan mo ko." Madiing sabi ko.

"Hindi mo ko madadaan diyan sa pagtatapang-tapangan mo."

"Hindi ako nagtatapang-tapangan! Bakit hindi mo na lang ako barilin? Shoot me now!"

Umiling siya. "I won't." Ngumisi pa siya ng nakakakilabot. "Not now." Hinawakan niya ko ng mahigpit sa baba. "Pagkakakitaan muna kita."

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon