Chapter 32

66.3K 1.8K 194
                                    

Premier's POV

"Tito please stop the car." Utos ko kay tita Blake na siyang nagda-drive.

"Bakit?"

"I saw Lucas' car." Itinuro ko yung isang building na nadaanan namin.

Naging alerto naman siya bigla. "Maiwan ka na dito. Kami na ang bahala-"

"No tito. I want to be the one to discover his secrets." Tinignan ko ang mga kapatid ko na mahimbing na natutulog. I want to protect them just like dad, protecting us.

"Manang-mana ka talaga sa daddy mo." Nauna na siyang bumaba at ginising sila tito Val. "Inaanak kasahan mo nga ng baril tong mga kumag."

"Nasan ang kalaban!" Nagsisisigaw na si tito ng ikasa mo ang bala.

"Shhhhh." Saway ko kay tito Kane na sobrang OA. "Baka magising ang mga kapatid ko tito. You stay here. Ikaw na ang bahala sa kanila." Bilin ko sa kanya.

"Aba't inuutusan mo na ko Premier-"

"You're saying something tito?" Nilaro ko sa kamay ko ang baril.

"Eto naman si inaanak o. Highblood palagi. Manang-mana sa magulang-" Sinamaan ko siya ng tingin. "Joke only. Sige na. Shupi na! Go, go, go na sa mission niyo!"

Nagkanya-kanya na kaming ayos ng mga baril namin. "Tito Val kaya mo bang akyatin ang second floor?"

"Yakang-yaka inaanak. Ano bang plano?" He asked.

"Mauuna ka sa taas tito. Hacked all their cctv cameras. I also want to hear their conversation." I commanded. "Tapos tito Jade and tito Chris kayo naman ang pumwesto sa likod. Bawasan ang mga kalaban natin. Basta make sure na hinding-hindi kayo makikita ng mga tauhan ni Lucas para walang sabit. We'll observe first."

Nauna na nga si tito Val, maya-maya lang ay nakikita na namin sa laptop ang itsura ng buong building. Nasa rooftop si Lucas habang may kausap na lalaki. The building is consist of seven floors. At may nga bantay na limang lalaki kada-floor. Bago ka din makapasok sa loob, ay dadaan ka muna sa mahigit benteng bantay. Mukhang tama nga ang hinala ko, kausap ni Lucas ang isa sa mga leader ng secret organization nila.

"Naririnig niyo ba ko?" Biglang nagsalita si tito Val mula sa kabilang linya. "Ico-connect ko na kayo sa linya nila."

"Hindi ka man lang ba nababahala sa pagkawala nila?" Sabi ng hindi pamilyar na boses.

"Iisang tao lang naman ang may dahilan para gawin sa kanila yun. Kailangan na nating itumba yang Dawson na yan." That's fvcking Lucas.

"Unahin mo na yung pamilya niya. Diba malapit naman na sayo yung asawa niya? Patayin mo na."

"Hindi. Ibalato mo na sakin si Keisha." Sabi ulit ni Lucas. "Ako ng bahala sa kanya. Wala tayong magiging problema sa kanya."

"Asawa yun ng kalaban natin Lucas! Nag-iisip ka ba? Paano kung magkabalikan yung dalawa? Kakampi yun sa kanya at iiwan ka din!"

"Hindi niya ko iiwan! Mahal ko siya! At mahal niya din ako!" Galit na galit na sigaw niya. Ngayon alam kong kahit paano safe si mommy dahil Lucas loves her. He won't hurt my mom.

"Gamitin mo nga yang utak mo! Mapapahamak ang grupo natin ng dahil sa babae mo! Unahin mo na siya Lucas. Use your freakin' mind!"

"Leave her alone Ruzz. Leave her alone."

"Kung hindi mo kaya, ako ang gagawa." Matapang na sabi nung tinawag niyang Ruzz.

"Hell no! Hindi mo siya papakialaman kung ayaw mong magkasira tayong lahat!" Gigil na sigaw ni Lucas bago umalis.

Naiwang mag-isa si Ruzz doon.

"We'll enter and get that fvcking Ruzz kapag nakaalis na si Lucas." Utos ko sa kanila. "Tito Val, please guide us since ikaw ang nakakakita sa buong lugar. Tito Jade and tito Chris, start eliminating everyone now. Don't forget to use your gun silencer. Kami na po ni tito Blake ang bahala dito sa harap and please ipaubaya niyo na sakin si Ruzz." I want to be the one to bring him down.

Agad kong ikinabit ang gun silencer ko ng makita kong papalabas na ang sasakyan ni Lucas. I can't see his face from here but I know he's mad. For now, papalampasin ko muna siya because I know he'll protect my mom.

Sabay kong pinapaputok ang dalawang baril na hawak ko sa mga kalaban na sumasalubong sakin.

"Tito aakyat ako sa rooftop."

"Teka lang-"

"I can manage tito." Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil agad na kong sumakay ng elevator.

Ilang minuto ko ding hinanda ang sarili ko para sa paghaharap namin ng isa sa leader ng secret organization nila. I put my guns on my pocket.

"Who the hell are you?" Bungad sakin ni Ruzz.

"Hindi mo ko kilala?"

He smirked. "Tingin mo ba itatanong ko pa kung kilala kita?"

"Advice number 1, know your opponents well." Naglakad ako palapit sa kanya. "Hindi sapat na alam mo lang ang pangalan ng kalaban mo. Know his weakness and strength para matalo mo siya agad. And I guss his family is his weakness."

"Ano bang pinagsasasabi mo ha bata? Ang dami mong alam e! Sino bang nagturo sayo ng kalokohan na yan?"

"My dad."

"Langya. Ikaw nga hindi ko kilala, tatay mo pa kaya? High ka ba?" Nag-dial siya sa phone niya. "Damn it! Answer the phone bastards!"

"Are you looking for your men? You're right Mister, they are all bastards! Ni hindi man lang sila marunong lumaban. Ikaw ba ang nag-train sa kanila? Tsk. How weak."

"I was calling a mental hospital dahil sa tingin ko kailangan ka ng ipasok dun." Napansin kong inaabot ng kamay niya ang baril sa likod niya.

I just smirked at him when he pointed his gun towards me. "Sinong grupo ang nagpadala sayo para ipatumba ko?"

"Why don't you guess who."

"Bastard! I don't have time for this nonsense talk. Just tell me who or else I'll kill you!"

"Shoot me if you can." Maangas na sagot ko.

"Akala mo talaga nagbibiro ako?! Hah! Meet my gun!" He said as he pulled the gun's trigger.

"Ooops! Are you looking for this?" Isa-isa kong binitawan pabagsak sa floor yung mga bala ng baril niya.

"Who the fvck are you and how the hell did you do that?"

"Magic." Nakangising sagot ko sa kanya. I pointed my gun towards him. "Any last words?"

"Sino ka ba-"

"Premier. Homme. DAWSON." Nanlaki ang mata niya ng marinig niya ang buong pangalan ko. Bakas mo ang takot sa mukha niya pero hindi yun dahilan para hindi ko siya paputukan sa magkabila niyang binti.

Sa buhay namin na to, hindi uso ang awa. Dahil kapag awa ang nanaig, pamilya Dawson naman ang masisira.

***

Yung picture po na nandiyan ay date nila sa part 2. Di ko lang po nailagay. Anyway, abangan niyo po ang Dawson vs. Dawson. Mwamwa! :*

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon