Chapter 30

70.8K 1.9K 244
                                    

Keisha's POV

"Hubby ano namang ginagawa natin dito? Nakuha mo pa talagang maglaro eh ang tanda-tanda na natin. Tsaka paano yung mga bata? Tingin mo ba aalagaan sila ng maayos ng limang itlog? Paano na lang din kung malaman na to ni Lucas-"

"Alam mo hindi ko na maintindihan. Sino na ba talagang mas mahalaga sayo ngayon? Ako o yang Lucas na yan?"

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. "Nagpapatawa ka ba Zach? Anong klaseng tanong naman yan? You're asking me to choose between you and him? For pete's sake Zach, ikaw siyempre!"

"Ako yung kasama mo pero siya yung iniisip mo."

"Hindi ganun yun hubby! Nag-aalala lang naman ako sa kalagayan ng mga bata e. Siyempre kapag ito nalaman ni Lucas paniguradong gagawa yun ng plano. Paano na lang kung ang mga bata ang balikan niya diba?" Imbis na sumagot ay nauna na siyang bumaba ng kotse.

Ugh! Parang nangyare nato dati a! Yung galit siya tapos dinala ko siya sa Star City para i-comfort. Yun nga lang, ngayon ibang lugar na. Sa Enchanted Kingdom, at siya pa ang nagdala dito sakin.

Inunahan ko siya sa paglalakad at dumiretso sa ticket booth. Ako na lang ang bibili ng ticket para makabawi.

Pero sa kamalas-malasan naman talaga, nasa kotse yung wallet ko! Ako pa naman na yung nasa counter.

"Miss? Bibilin niyo pa po ba?"

"Oo pero unahin mo na yung nasa likod kase naiwan ko yung wallet ko-"

"Hindi ka pa din nagbabago. Tsk." Napatingin ako kay Zach na naglapag ng bills para magbayad.

Agad ko ng kinuha yung ticket at humabol sa kanya.

Hindi niya pa din ako pinapansin kahit na nakapasok na kami sa loob. Grabe! Parang nag-twinkle yung mga mata ko. Namiss ko to! Kaya lang paano naman ako mage-enjoy kung yung kapreng kasama ko ay nagda-drama? Tsk.

"Alam mo ikaw ang hindi pa din nagbabago." Sabi ko sa kanya bago siya hinatak sa souvenir shop.

Kumuha ako ng shirts at shorts na tinda dito. Kumuha na din ako ng shoes na pwede naming magamit. Pinambayad ko yung sukli kanina.

Sabay na din kaming nagpalit ng damit pero siyempre sa magkaibang CR.

Nang masigurado kong okay na ko ay lumabas na ko mg CR at naabutan ko si Zach na busangot ang mukha. "Problema mo diyan?"

"What kind of shirt is this?" Iritang tanong niya.

"Hoy ikaw ha! Tigil-tigilan mo ko diyan sa kaartehan mo. Kasalanan mo naman yan e. Sa Enchanted mo pala ko balak dalin tapos magsusuot ka ng suit? Tinernuhan na nga kita, di pa pasalamat. Tsk. Kung ayaw mo niyan, magpalit ka na ulit tapos umuwi ka na. Kaya ko namang mag-enjoy mag-isa e." Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa carousel. Warm-up ride muna ko bago sa mga extreme rides.

Ramdam ko naman ang pag-upo niya sa horse na katabi ng sinakyan ko. Hindi naman ako galit sa kanya, naiinis lang ako. Selos ng selos, wala namang dapat ikaselos.

Nagsimula ng umandar at ramdam ko ang paghawak niya sa kamay ko. Hindi ko tuloy napigilang mapangiti. He's still the sweetest guy I ever known.

"Alam mo bang pwede ng lakarin mula dito sa EK ang bahay ni Ms. A?" Sabi ko sa kanya.

"Sinong Ms. A?"

"Duh? Di mo kilala? Si craziestamongtherest!" Masayang sabi ko.

"I don't know her wifey."

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon