Chapter 31

70.8K 1.8K 133
                                    

Keisha's POV

"Asan na ba tayo hubby? Hindi ko pa din ba pwedeng alisin to?" Tinuro ko yung blindfold ko. "Baka mamaya itapon mo na ko sa bangin ha."

"Do you really think I'm capable of doing that?"

"Hehe. Loko lang! Ito naman masyadong seryoso e. Asan na ba kase talaga tayo? Malayo pa ba? Tatlong oras na ata tayong naglalakad e."

"Wag OA wifey. Hindi pa tayo nakaka-isang minuto sa paglalakad."

"Eh kase naman ayaw pang sabihin e." Maktol ko.

"Ready?" He asked.

"Kaninang-kanina pa po Mister."

"Good. One.. two.. three.." He removed the eye mask that he asked me to wear a while ago and I was stunned with what I saw.

"What can you say wifey?" Tumingin ako sa nakangiting mukha niya.

"Wow.. This is.. this is perfect Zach.."

"I'm glad you liked it. Are you starving or do you want to appreciate first the view?"

"I'll go with the first choice." I grinned. Gutom na kaya ako!

"Haha. Halika nga! Ikaw pa din talaga ang Keisha ko." Inakbayan niya ko at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng tent. At sa ikalawang pagkakataon naguglat na naman ako sa nakita ko.

"Ikaw lahat ang nag-ayos nito?"

"Only for my wifey." Kung titignan mo yung tent mula sa labas, typical tent lang siya pero sa loob ay kakaiba. May nakalatag na comforter sa may dalawa with two pillows tapos sa side naman ay may nakahandang candelight dinner. "I want your birthday to be extra special that's why I came to this idea. Nagustuhan mo ba?"

Humarap ako sa kanya at yumakap. "Oo naman. Alam mo ba na kahit wala ng ganitong surprise basta magkasama tayong dalawa, okay na okay na ko?"

"Dapat na ba kong kiligin-"

"Oo kiligin ka!" Pinisil ko siya sa pisngi. "But seriously Zach, always remember na basta kasama kita, masaya ko."

Idinikit niya ang noo niya sakin. "Well, I just wanted to surprise you since today is also a thanksgiving day."

"Thanksgiving dahil okay na ang pamilya natin?" Tanong ko.

"Maybe. Pero para sakin your birthday is also a thanksgiving day dahil ngayong araw isinilang ang babaeng magpapabago ng buhay ko."

"Asus naman! Ang swerte ko talaga sayo! Halika nga dito." Tumalon ako para yakapin siya ng sobrang higpit. "Mahal na mahal kita Zachary Dawson!" Sabi ko siya ka siya pinugpog ng halik.

***

"Grabe hubby! Busog na busog ako. Balak mo ba kong palobohin?" Masama ko siyang tinignan.

"Yes." Diretsong sagot niya.

"Ay honest? Meron bang lalaking gusto na mataba ang misis nila?"

"Me. I want you fat para wala ng ibang magkagusto sayo simple because akin ka."

"Psh. Ganyan naman ang mga lalaki. Sasabihin kunwari na okay lang tumaba ka, mahal pa din niya. Pero pag nangyare yun, iiwan na si girl." Hugot na hugot lang?

"My eyes are always locked on you wifey. Only for you." Jusko! Para naman akong teenager na kinikilig nito!

"Ewan ko sayo! Inaantok na ko. Sleep na tayo hubby!" Sabi ko.

"Akala ko ba ayaw mong lumobo?"

Inirapan ko siya. "Akala ko ba okay lang na lumobo ako? Sinasabi ko na nga ba e! Ganyan kayong mga lalaki puro salita lang tapos kapag nangyare na iiwan niyo. Pagsasawaan na-" Pinatigil niya ko gamit ang kanyang mga labi.

"Hinding-hindi ako magsasawa okay? It's just that, I have another surprise for my wifey.."

"Meron pa? Ano?" Masayang tanong ko.

"Come with me." He offered his hand at sabay kaming naglakad palabas ng tent.

Nagpunta kami sa side ng place kung saan tanaw mo ang view. May nakahandang picnic mat doon kaya umupo kami.

Inakbayan niya ko kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Ang ganda dito no?" Sabi ko.

"Parang ikaw." Nakangiti at nakatingin niyang sabi sakin. "I love you my wifey." Hinalikan niya pa ko sa noo. "Are you ready?"

"Ready for what?" Takang tanong ko.

"For my real surprise." So hindi pa ito yun? "5... 4... 3... 2... and 1...." Kasabay ng huling bilang niya ay ang pag-ilaw ng kalangitan dahil sa mga fireworks.

"Grabe ang ganda hubby! Kaso tapos na ba yun?" Sabi ko makaraan ang limang minuto.

"Ikaw naman ang magbilang tatlo wifey." Utos niya sakin.

"Three.. two.. one.."

HAPPY BIRTHDAY KEISHA MONET-DAWSON! MAHAL NA MAHAL KITA!

Humarap ako sa kanya ng nakangiti. "Ang sweet talaga ng asawa ko." Yumakap ako sa kanya. Pero agad din siyang bumitaw at inalalayan ako patayo.

"Can I ask you something?" He asked.

Sasagot pa lang sana ako ng may bigla na namang lumabas na tanong mula sa langit.

Para akong napako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang lumuhod at naglabas ng isang singsing..

"Will you marry me again my wifey?"

Umiiyak akong tumango sa tanong niya. "I will Zach.. I will marry you again. Kahit ilang beses at kahit saan pa yan. I will marry you again and again."

Masaya siyang tumayo at isinuot sa daliri ko ang isang diamond ring bago niya ko hinalikan ng masuyo.

I will be forever and ever inlove with my husband.

***

Hi loves! Bukas pa sana ko magu-update kaso naisip ko na Mother's Day bukas. I want you guys to spend the day with your family, especially sa mom niyo. Don't forget to greet, hug, and kiss them okay? Simple gesture but I'm sure na super maa-appreciate nila yun. Paki-greet na lang din ako sa kanila ng bonggang-bonggang HAPPY MOTHER'S DAY!

Btw, I have 2 announcements for today. First, may fb group na po ang MTAMB. All readers and supporters are welcome in that group. Just search it on facebook, 'Married to a Mafia Boss (Official)'. I made this group dahil may nag-request. And para na din magkakila-kilala kayong lahat bago man lang magtapos nag kwento ng ating mga bida. :(

Second, may game po ulit tayo! Ang prize ay load worth 100 pesos at isa pang bonggang surprise! :) Who's in? For you to join, just follow this simple steps.

1. Like and share our facebook page. www.facebook.com/craziestamongtherest

2. Join our facebook group. Kindly search 'Married to a Mafia Boss (Official)'

3. Post your entry on our page with the hashtag #MTAMB

4. Don't forget to include your username in wattpad.

5. Kung ikaw ang gagawa ng chapter ng muling pagpapakasal ni Zachary at Keisha, paano mo gagawin ito?

*Pang-isang chapter po talaga ha. 500 words up.

Deadline is on May 15, 2016. 11:59 pm.

Join na kayo for a bonggang-bonggang surprise. Love you loves! Mwamwa! :*

PS: ADD NIYO PO ANG FACEBOOK NG MGA CHARACTERS NATIN.

ZACHARY DAWSON
KEISHA MONET DAWSON
PREMIER HOMME DAWSON
CES APURILLO
ROUMA DAWSON

Thanks! ❤💋

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Where stories live. Discover now