Chapter 57

60.8K 1.4K 178
                                    

Keisha's POV

"Ate gisingin na kaya natin si mommy?"

"Oo nga ate! I'm sure mommy will be happy if she'll see us."

"No. Let mommy rest. At kapag hindi kayo tumigil sa pangungulit na dalawa, papalabasin ko na kayo."

Unti-unting nawala ang mga pamilyar na boses na naguusap-usap kanina.

"Ate tingin mo ba kapag kiniss ko si mommy, gigising na siya?" Waaah! That's my baby Sachel!

"Let's see." And that's my Amour..

Kasabay ng dahan-dahang pagdilat ko sa aking mga mata ay ang paglapat ng maliit na labi ng bunsoy ko.

Nanlaki ang mga mata niya at masayang pumalakpak. "I told you ate! Ako ang makakapagpagising kay mommy!"

Tumalon-talon pa siya sa kinatatayuan niya kaya lalo akong napangiti. This is what I missed for the past few days. And I'm very thankful that I still have a chance to be with the love of my life. My family.

"Baby, daddy will always be mommy's king okay?" Napatingin ako kay Liclic. "I missed you mom." Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at yumakap.

"Akala namin hindi na namin kayo makikita." Si Amour naman ang umupo sa tabi ko.

"Mommy alam mo ba na puro iyak lang si Sachel habang wala kayo ni daddy? Hindi rin nakakatulog si Sachel.." Sumampa naman sa lap ko ang baby namin.

"Talaga ba baby? Eh bakit parang hindi ka naman nalungkot. Bumigat ka pa nga so ibig sabihin kumain ka ng kumain habang wala kami." Nakangising sabi ko sa kanya.

Tumayo siya sa kama at pinamaywangan kaming tatlo. "Sachel is not mabigat mommy. She's sexy."

Nagtawanan kaming lahat dahil sa ginawa niya. Maya-maya ay natahimik kaming lahat at unti-unting tumulo ang mga luha ko.

"Mom.." Umiling ako at pinilit kong ngumiti.

"Shhhh.. I'm fine babies. Namiss ko lang talaga kayo."

"Namiss ka din namin mommy. Sobrang nag-alala kamo sayo. Tapos pati si daddy nawala din. Akala namin mawawalan na kami ng mga magulang." Malungkot na sabi ng panganay kong babae.

"Angelique nandito si Josh-"

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo anak?" Bungad ko kay Premier ng bigla siyang natigilan ng makita ako.

"Mom.."

Itinaas ko ang mga kamay ko at tinakbo niya itong nilapitan. "I missed you son." Hindi siya umiyak pero ramdam ko ang lungkot at sayang nararamdaman niya ng niyakap niya ko.

"I'm glad you're awake now mom."

"Yes. Where are they?" I asked ng makitang sila Ces at Josh lang ang pumasok sa kwarto ko.

"Downstairs mom. I'm sure they will be happy to see you awake but you need to get some rest first-"

"No. I'm perfectly fine Homme. Let's go down." I'm excited too see them again.

"But mom-"

"Let's go." Pinal na sinabi ko. Bakas ang paga-alinlangan sa mga mata nilang lahat pero hindi ko na lang sila pinansin. Maybe they are just too worried for me.

Naabutan kong nagkakagulo ang mga tao sa baba. Para silang may kanya-kanyang mundo at abala sa hindi ko maintindihang bagay.

"Ehem." Napatingin sila sa aking lahat. Matagal bago sila nakakilos.

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon