Chapter 21

70K 1.7K 298
                                    

Keisha's POV

"Girl. Alis muna kami nitong si Josh ha? Nakalimutan ko may aasikasuhin pala kami."

"Ay ngayon talaga? Mamaya na lang." Sabi ko.

"Nako. Baka di namin abutan yun. Dalaw na lang kami later." Yumakap siya sakin. "Enjoy."

"Ingat kayo ha? Dinner tayo mamaya!" Tumango siya.

Umalis na sila ni Josh. Maya-maya ay lumapit sakin si Ces. "Tita-" Pinandilatan ko siya ng mata. "I mean mommy pwede ko po bang ipagpaalam si Homme?"

"Liligawan mo na ba ang anak ko?" Pang-aasar ko.

"Si tita talaga. Hindi po-"

"Defensive? Biro lang naman e. Haha. San kayo pupunta?"

"Iikot-ikot lang po. Babalik din po kami agad."

"Sus. Kailan kaya kayo aamin saking dalawa? Hay. Sige na. Bilisan niyo lang ha?"

"Sama kami kuya!" Humahabol si Sachel.

"Bunsoy. Magda-date yang dalawa na yan. Tayo na lang ang umikot ni ate Amour mo."

"Osige ate." Nagpaalam naman ang tatlo sakin at siyempre pinayagan ko. Sa loob lang naman sila ng school mag-iikot e.

Si Zach at ako na lang pala ang naiwan dito. "Oh ikaw? Baka gusto mo na din magpaalam?" Sabi ko sa kanya.

He grinned. "Actually.. aalis na sana ko. May emergency meeting e."

"Psh. Sige na alis na. Diyan naman talaga kayo magaling e, sa pang-iiwan." Nagda-dramang sabi ko pero ang loko umalis na nga.

Ayos! Mukha tuloy akong kawawa dito. Family day daw pero iniwan mag-isa. Kainis.

I grabbed my ipad and started to play color switch. Malapit ko na sanang malampasan yung level 68 ng black and white ng may biglang may nag-aanounce.

"May I request Mr. And Mrs. Dawson to please proceed to the auditorium." Ano daw? Kami ni Zach? Bakit?

"May I request Mr. And Mrs. Dawson to please proceed to the auditorium. You're daughter Sachel got injured-" Napatayo ako bigla ng marinig ko yun. Nakaramdam ako bigla ng kaba.

"Excuse me? San yung auditorium-"

"Diretso lang po."

"Thanks!" Nagtatakbo na ko papunta sa auditorium.

"Akyat na po kayo sa taas." Takang-taka man pero sumunod ako.

Umakyat nga ako at pinasok yung isang door na may auditorium na nakalagay.

Madilim at walang katao-tao sa loob. "Sachel?" Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob pero wala talagang tao. Lalabas na sana ko pero ayaw bumukas ng pinto. Kinalampag ko ito. "MAY TAO DITO! PAKIBUKSAN NAMAN PLEASE!"

Biglang may yumakap sakin mula sa likod. "Sachel? Anak! May sugat ka daw? Asan? Patingin si mommy para magamot-"

"I love you mom." Putol niya. Tsaka ako hinatak papunta sa may harapan.

"Teka anak saan ba tayo pupunta? Madilim-"

Bumukas ang ilaw sa stage at iniilawan ang gwapong-gwapo kong asawa. He's smiling at me.

Bumaba siya ng stage para sunduin ako at iakyat din sa taas. Dahil sa ilaw na nagmumula sa stage ay nakita ko sila Jessy, Josh, Ces, at mga anak ko. Andito pa rin pala sila.

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon