Chapter 50

56.1K 1.3K 57
                                    

Keisha's POV

"Kamusta dito Jim?"

"Maayos ho ang lahat Supremo. Tumawag din po pala si Mr. Chua kanina. Nagpapa-reserve siya ng babae."

"Sa Class A mo siya papiliin. Alam mo namang kuripot yung matandang hukluban na yun."

"Masusunod ho Supremo."

Humarap sakin si Drilon. "Gusto mo?" Inalok niya ko ng wine na iniinom niya kaya inalis nung isang tauhan niya ang busal sa bibig ko.

"BAKIT BA NILILIPAT-LIPAT NIYO KO NG LUGAR DRILON!" Sa ilang araw na hawak ako ni Drilon, iba't-ibang hide-out na ata ang pinagdalhan niya sakin pero hanggang ngayon ay hindi niya pa ko pinapatay.

"Para iligaw yung asawa mo."

"Wag mo ng idamay ang pamilya ko dito!"

"Iakyat niyo na sa taas yan." Bigla na lang akong hinatak nung dalawang tauhan niya. "Kailangan mo ng magpahinga para naman malaki ang kitain ko sayo."

"HAYOP KA TALAGA DRILON! BAKIT HINDI MO NA LANG KASE AKO PATAYIN AGAD!"

"Dadating din tayo diyan." Rinig kong sabi niya bago kami makaakyat sa taas.

"BITIWAN NIYO NGA AKO! ANO BA NASASAKTAN AKO!" Kanina pa ko nagpupumiglas sa hawak nung dalawang tauhan niya.

"Kung hindi ka maglilikot, hindi ka masasaktan." Sabi ng matangkad at nakakatakot na tauhan niya

Hindi na ko naglikot. I need to make a plan. At unang-una na dun ang pagsuyo sa kanila. Kailangan kong makuha ang loob nila..

"Matagal na kayong tauhan ng Drilon na yun?"

".."

"Gaano katagal na?"

".."

"Bakit kayo pumapayag?"

".."

"Alam mo bang mas malakas ang pamilya namin sa kanya. Kung gusto mo kayang-kaya kita ipasok sa grupo ng Dawson basta tulungan mo lang akong makalabas dito." Pagmamakaawa ko. "Pwede ko kayong bigyan ng pera para nakapagsimula ka-"

Itinulak na niya ko sa isang kwarto. "Pasok!" Napahiga ako sa isang kama. Kung titignan mo, maayos ang pinagdalhan niya sakin pero nagbigay ito ng kakaibang kaba sakin.

"Tulungan niyo ko please! Parang awa niyo na. Hinihintay na ko ng mga anak ko sa amin. Hinding-hindi ako magsusumbong pangako." Ngumisi sakin si kuyang nakakatakot."Gagawin ko ang lahat ng gusto niyo-"

"Gagawin mo ang lahat?" Sabi pa nung isang kasama niya na akala mo bouncer sa laki ng katawan.

Napalunok ako. Parang iba kase yung pagkakasabi niya ng gagawin ko ang lahat. "O-oo.." Lakas-loob na sabi ko.

"Oh pre gagawin naman pala ang lahat e." Sabi ni kuyang bouncer tsaka biglang lumapit sakin at hinatak ako sa buhok. "Wag kang magi-ingay ha?" Sabi pa nito ng nakangisi bago punitin ang damit ko.

"HAYOP KA! HAYOP!" Nagpupumiglas ako.

"Sabi mo hindi ka magsusumbong?" Sabi pa nito.

"D*monyo ka! BITAWAN MO KONG HAYOP KA!"I yelled. Nanlalaban pa din ako pero sobrang lakas niya kaya nagawa niyang paghahalikan ang leeg ko. Ipinulupot pa nung isang kasama niya yung kamay ko kaya mas hirap na akong gumalaw. Tanging hikbi at pagmamakaawa ko na lang ang maririnig habang sila ay tuwang-tuwa sa nangyayare. "Hayop kayo.. hayop!"

"MGA WALANG HIYA KAYO!" Nagulat ako ng biglang nawala sa ibabaw ko si kuyang bouncer.

Sinapak na pala siya ni Drilon habang yung Jim naman ang may hawak doon sa isa.

Niyakap ko ang sarili ko at nagsumiksik sa dulo ng kama.

"Ang sabi ko sa inyo iakyat niyo lang siya sa kwarto niya, hindi pagsamantalahan!" Gigil na sabi ni Drilon doon sa dalawa. "HINDI NIYO BA ALAM NA KAHIT BUHAY NIYO, HINDI KAYANG BAYARAN ANG KIKITAIN KO SA BABAENG YAN?"

"P-patawad po supremo.." Nagmamakaawa si kuyang bouncer dahil tinutukan siya ni Drilon ng baril.

"Wala akong tauhan na hindi marunong sumunod." And with that, he shoot them on their head.

Nagulantang ako ng may tumalsik na mga dugo sa braso ko.

"Dalawang beses ko na sayong naipakita kung ano ang kaya kong gawin. Matuto kang sumunod sakin Mrs. Dawson."

***

Ano kayang gagawin kay Keisha? :(

MARRIED TO A MAFIA BOSS Book 3 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon