{ TBUP -3: I'm Psyche and I'm your worst nightmare }

843K 18.2K 8.5K
                                    

{ TBUP –3: I’m Psyche and I’m your worst nightmare }

 

 

 

Ang boring-boring-boring talaga!! I love Mathematics! I really love Mathematics! I love Mathematics forever!

Damn! I just CAN’T love Mathematics! Bakit pa kasi may ganung subject pa?! Bakit kapag bumili ka ba sa palengke ng gulay sasabihin mo bang:

“I will buy this for 2x2+ 3y=9”

 

 

Shet lang! Kung ganun din lang naman ang silbi ng Math eh hinding-hindi na ako bibili sa palengke! Bakit ba kasi kailangan nito? Di naman ako kukuha ng Engineering! Hinding-hindi ako kukuha ng course na may kaugnayan sa Math nu!

Okay class, bring out one whole sheet of paper. We’ll have a surprise quiz.” –Teacher.

Waaaaaaaaaah! Anong surprise quiz?! Wala akong naintindihan sa tinuro nila eh! Paano na ako? Ang layo-layo pa naman ni Best sa akin. Kanino ako kokopya?!!

Teka nga at maglalabas muna ako ng papel~

*bukas bag; hanap papel*

Kung mamalasin ka nga naman oh! Nakalimutan kong bumili ng papel! Aish! Bobo mo Ericka!!

Luminga-linga ako sa mga kaklase ko para humingi ng papel. Kaso naalala ko, bawal palang humingi ng papel. May rule kasi kami sa room na bawal maging “parasites”. Parang bawal umasa sa iba, provide your own materials daw or kung hindi, wag ka ng mag-aral.

“Number one. What is the blah blah blah blah-------”

 

 

Lagot na! Paano ako?!!!!

Oh ayan.” Sabay abot sa akin ng one whole sheet of paper ng patago.

Ang nag-abot? ‘Yung dakilang ex ko. Bakit Chron?! Bakit mo ‘to ginagawa? Hindi mo ba alam na mas nai-in love ako sa mga ginagawa mo? Nahihirapan tuloy akong mag-move on! Pakshet ka!

Salamat…” Pabulong kong sabi.

So ayun, nag-quiz kami. Solve dito, solve doon. Pero wala eh! Wala akong ma-solve dahil hindi ko naman talaga alam ‘to. Kaya, wala akong naisagot! >________<

Pagkatapos nun eh may biglang pumasok sa kwarto namin. Isang lalakeng pamilyar sa akin. Tinitigan kong mabuti ‘yung lalake. At confirm! Kilala ko siya!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon