{ TBUP -59: Warning }

413K 7.8K 692
                                    

{ TBUP –59: Warning }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Nakaka-stress! Alam niyo bang ilang gabi na akong hindi pinapatulog ng ngiti ni pyutyur kafated? I mean, UWAAAAAAAA! Gabi-gabi ko ‘yung naiisip at napapanaginipan! Hindi ako sanay na ngumiti siya eh! Pero aminin na natin! Ang gwapo niya! At wala akong magawa para pigilan ‘tong kalandiang nararamdaman ko sa katawan ko! Pucha!

Katulad ngayon, papasok na naman kami! Makakasama ko na naman siya sa iisang sasakyan! Makakatabi ko siya! Kaming dalawa na naman! Anubey! Hindi na nga ako makatingin sa kanya ng diretso tapos ang awkward-awkward palagi ng atmosphere namin eh! Atyaka ito pa! Hindi ko na siya matarayan kasi nga… augh! NAIILANG AKO!

Tangina naman ‘to. Ang OA ko na =________=

Parang nginitian lang ako tapos feeling ko katapusan na ng Earth. Augh! I hate it!

Ano bang ginagawa mo. Papadyak-padyak ka pa ng paa.” Napaka-monotonous na sabi ni Colosseus.

Hindi ko pa ba naikwe-kwento sa inyo? Bumalik ulit siya sa dati. Cold ulit siya. Taong yelo. Taong predyider. Amf! Bakit ba kasi napaka-bipolar neto? Ano kayang problema niya? Walang katapusan ‘yang tanong ko eh! Paulit-ulit na lang >____<

Nagdadabog ako, hindi pumapadyak!” Sagot ko sa kanya sabay irap.

Bilisan mo na dyan.

Aba?! Bakit naman bigla niya ‘yung sinabi eh ako nga ‘yung naghintay sa kanya ng ilang oras dito?! Grabiti! Ibang klase ka Colosseus! Pramis! Ibang-iba!

So ayun, ang buong akala ko lalabas na talaga siya pero… pinatt niya ‘yung ulo ko.

Dug.dug.dug.dug.dug.

Salamat Colosseus ha! Salamat talaga ng bonggang-bongga! Nananahimik ‘yung puso ko eh! Tapos bigla mo na lang gagawin ‘yan?! Eto tuloy, nag-aalburuto na naman! Nakakaasar! Dadaan na nga lang hahawakan pa ‘yung ulo ko! PAPATIBUKIN PA ‘YUNG PUSO KO NG BONGGACIOUS! Ammfff! >______<

Susunod na sana ako sa garage para makaalis na kami ni Colosseus papuntang school nang bigla akong tawagin ni Mama. Oh? Bakit kaya? Lumapit ako kaagad sa kanya.

Ma, bakit? Bibigyan mo ba ako ng dagdag baon?” Tanong ko sabay ngisi.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon