{ TBUP -31: Teary, February }

457K 8.7K 5.1K
                                    

{ TBUP –31: Teary, February }

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Sumapit ang February pero hindi ko pa rin kinakausap si Psyche. Walang tawag, walang text. Sa school? Wala rin. Kung natitiis niyang hindi ako pansinin kahit wala naman akong ginawa sa kanyang mali eh ‘di syempre ako kaya ko rin. Pero bakit ganun? Oo nakakaya ko pero para naman akong araw-araw na tinutusukan ng karayom? And when I say karayom –milyong-milyong karayom. Tawagin niyo nang OA pero sinasabi ko sa inyo, wala pa ‘yang description na ‘yan para i-describe kung gaano kasakit at kahirap ang hindi siya kausapin, ang ituring siyang hangin. Daig pa nga namin ang nasa LDR (Long Distance Relationship) eh! Mabuti pa nga ‘yung mga nasa LDR eh kasi sila nagtatawagan, ipinaparamdam ang pangungilala at pagka-miss nila sa isa’t isa. Pero kami ni Psyche? WALA! NGANGA!

Tangina talaga lalo na kapag nakikita ko siya kasama nung Irish. Oo, hindi ko pa rin tinatanong kung anong silbi nung babaeng ‘yun sa buhay niya. Ang alam ko lang –kasama niya sa troupe. Pero ‘pag minsan nakakarinig ako ng mga chismis. Mga chismis na parang mas gugustuhin ko pang basagin ‘yung sarili kong eardrums kesa marinig ang mga ‘yun.

Yung Irish? Girlfriend daw ni Psyche.

What the fvck ‘di ba? Kung ikaw, habang umiihi ka sa cubicle at narinig mo ‘yung mga putanginang babaeng matutulis ang dila habang pinag-uusapan ‘yung boyfriend mo na may iba na raw –anong mararamdaman mo? Anong gagawin mo?

Siguro kung isa akong babae sa sine o teleserye matagal ko nang sinugod ‘yung Irish na ‘yun or si Psyche at pinagtatalakan sila with matching iyak-iyak pa pero hindi… sinasabi ko sa inyo, iba ako. I’d rather investigate and observe. Hindi ako basta-basta susugod sa isang gyera kung wala akong kumpletong armas na sure na sure akong tatapos sa laban.

Biglang dumating si Carmeen at umupo sa tabi ko –kung hinahanap niyo si Chron, ewan? Baka nakikipaglandian kay Scarlet.

Best! Prom na next week! The me is so excited! Alam mo ba, idi-ditch daw ni Elzid ‘yung sarili niyang prom para lang makapunta sa akin? Oh ‘di ba, bonggacious!” Masayang-masayang ibinalita sa akin ni Carmeen.

Gusto ko man siyang barahin bilang simbolo ng pagkatuwa ko, (oo ganun talaga ako sa bestfriend ko.) eh hindi ko magawa. Kasi una sa lahat, wala ako sa mood, masakit ‘yung puso ko at pangalawa –naiinggit ako. Buti pa nga si Elzid na buong akala ko eh puro katarantaduhan lang ang alam eh kayang i-sacrifice ‘yung sariling prom para lang sa bestfriend ko pero si Psyche… pucha si Psyche, tuluyan na ata akong ipinagpalit sa dance troupe >_______<

Oh baka naman hindi talaga sa dance troupe kundi sa… babae?

Putek na pag-iisip ‘yan oh! Wala pa akong kongkretong ebidensya, okay? Hindi pa confirm ‘yan.

Pero paano kung ganun nga talaga? Paano kung nakahanap na siya ng iba? Kung hindi na ako? Ano namang gagawin ko?

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon