{ TBUP -25: Payback }

434K 9K 711
                                    

{ TBUP –25: Payback }

 

 

 

Isang araw na ang nakakalipas simula nung may mangyaring masama sa akin sa resort. Hindi ko lubos maisip na may ganung taong kayang gawin ‘yun sa akin. Hindi ko lubos maisip kung sino ‘yun. Kung sino man siya, tiyak malaki ang galit niya sa akin. Pero ano bang kasalanan ko?! Wala naman ‘di ba? Wala naman akong napatay? O baka naman ‘yung mga na-busted ko?! Hutanghena! Ibabala ko sa kanyon ‘yung mga ‘yun!

Papasok na sana ako ng classroom namin ng matanaw ko sa corridor si Scarlet habang hawak ang phone ni Psyche.

Shet! Siya ba?! Siya ba ang gumawa nun sa akin?! Tangina! Nagseselos siya sa amin ni Psyche?! Ganun siya ka-desperada at kaya niya akong patayin?! What the fudge!

Nilapitan ko siya.

Hoy! Punyeta ka! Ikaw ‘yung nag-send nung text sa akin nu?! Ikaw ‘yung nag-set up sa akin! Ikaw ‘yung muntik ng pumatay sa akin!” Sigaw ko sa kanya.

Napakunot siya ng noo, “Boba! Wala akong alam sa sinasabi mo!” Nilagpasan niya ako pero hinila ko ‘yung dulo ng buhok niya, “Aray! Ano ba! Bitawan mo nga ‘yan! Aray!

Kung wala kang alam, bakit nasa’yo ang phone ni Psyche?!

Nakita ko ‘to sa ilalim ng upuan ni Psyche sa bus! Ibabalik ko lang! Baliw ka ba?!” Napabitaw ako sa buhok niya. Agad naman niya itong inayos.

Totoo ba?

Pucha! Oo nga eh! Ang kulit mo rin eh nu?! Bakit naman kita pagtatangkaan?! Anong mapapala ko run? Tsss…” Tuluyan na siyang pumasok sa classroom.

Kung hindi siya… sino?!

Dumiretso muna ako sa locker ko para kunin ‘yung mga libro ko pero imbes na libro ang makita ko, puro sulat na pangungutya, mura at pang-iinsulto. Nag-vandalize sila sa locker ko?! Shit! Ano bang kailangan nila?! Sino ba sila?!

Ericka! Nakita mo na ba ‘yung CR ng girls?! Ang daming vandals tungkol sa’yo!” Sabi nung isang kaklase ko.

Pumunta ako sa CR at totoo nga… puro vandals na katulad ng mga nasa locker ko. Puro insulto at mura rin. Sumikip ang dibdib ko sa mga nakita ko. Hindi ko ine-expect na may taong labis ang galit sa akin. Pero naisip ko –duwag siya. Dahil kung matapang siya, haharapin niya ako at hindi niya idadaan sa vandalism ang galit niya sa akin. Putangina niya! Makikita niya talaga!

Pumasok ako sa isa sa mga cubicles pero bigla na lang may bumuhos na magkahalong tubig at arina sa akin. Napatingala ako at nakita ko na lang ‘yung nakasabit na timba sa tapat ko. Bullshit! Plinano niyang maigi ‘to! Pero paano?! At sino?!

Dahil sa inis ko ay napasigaw na lang ako.

PUTANGINA! KUNG GALIT KA SA AKIN HARAPIN MO ‘KO! HUWAG MONG IDAAN SA ISANG TIMBA NG TUBIG AT ARINA ANG PAGTATAPANG-TAPANGAN MO! GAGO KA! KUNG SINO KA MAN, MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO! PAG NALAMAN KO KUNG SINO KA –IBABALA KITA SA KANYON! NARINIG MO BA?! BWISET KA!” Sigaw ko.

Bigla na lang may sulat na isiningit sa ilalim ng pinto ng cubicle. Pinulot ko iyon at agad na lumabas para makita kung sinong naglagay nun. Nakita ko ‘yung isang babae na second year ata? Parang familiar siya eh, o kaya kamukha niya lang?  Hinabol ko siya at hinigit ang braso.

Ikaw ba ang naglagay neto?!”  Tanong ko sa kanya sabay pakita ng sulat.

O-Opo.” Sagot niya.

Ikaw ang may gawa nito sa akin?!

H-Hindi po… wala po akong alam. Hindi ko nga po kayo kilala eh. Nilagay lang po ‘yan sa locker ko, kasama nitong note.” Pinakita niya sa akin ‘yung white sticky note na may nakasulat na, ‘Slip the letter in the last cubicle’

S-Sige po, m-may klase pa po ako.” Tapos nag-walkout na ‘yung babae.

Fvck! Sino ba?! Binuksan ko ‘yung sulat at mas naguluhan ako sa nabasa ko…

It’s payback time, Missy.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon