{ TBUP -34: Trial }

449K 7.7K 1.2K
                                    

{ TBUP –34: Trial }

 

 

                                            

 

 

PromNight//

--Scarlet’s Pov--

 

Sht naman ‘to! Pasensya na kung unang basa niyo pa lang eh mura na kaagad ang ipinangbungad ko sa inyo. Paano ba naman?! Hindi ako makasayaw nang dahil sa bullsht na President Perv na ‘to! Nakakainis! Kung bakit kasi nakialam pa si Ma’am Perez sa escorts eh! I-partner ba naman ako kay Chron? Taena kasi tradition daw ‘yun, dapat ‘yung President eh partner ‘yung Secretary –eh putanginang tradition pala ‘yan eh!

Kaya ito ako ngayon, nakaupo, nagdurusa, nag-aayos ng catering services at nagbabantay sa mga sumasayaw, ganun din si Chron with matching pa-chika chika epek pa sa mga teachers! Bwiset na Student Council Organization ‘to! Sana pala hindi na ako nagpresentang maging secretary! Masasayang lang pala ang ganda ko ngayong gabi nang dahil dito! Eh ‘di sana nag-pajama na lang akong pumunta rito! Bwiset talaga!

Marami pa namang naghahangad maisayaw ako T^T Aish!

Umupo na lamang ako at pinagmasdan ang mga estudyanteng nage-enjoy sa pagsasayaw nila. Buti pa sila enjoy! Eh ako? Puro trabaho! La kwentang prom ‘to!

Naiinggit ka?” Tss, sino pa ba eh ‘di si President Perv na kakantyawan na naman ako!

Napatingin ako sa kanya ng masama, “Sinong hindi mainggit eh habang sila nagsasaya ako trabaho pa rin?!” Bulalas ko.

Napangisi siya, “Eh ‘di naiinggit ka nga? Akalain mo ‘yun? May inggit ka rin pa lang nararamdaman dyan sa katawan mo?” Tapos tumawa siya.

Aba! Bwset talaga ‘to! Nagawa pa akong asarin! Naiinis na nga ako’t lahat-lahat tatawanan pa ako! Bigwasan ko kaya ‘to ng bonggang-bongga?!

Pero in fairness… aminin na natin! Gwapo siya sa white suit niya. Alam mo ‘yung pormal na hindi pormal? Basta! Ganun ‘yung itsura niya! Para siyang dadalo sa prom na makikipagrambulan. Lol. Pero totoo, ang gwapo niya ngayon.

Pero eh! Naiinis pa rin ako sa kanya sa tuwing makikita ko ‘yung mga sumasayaw run sa harap! Taena lungs!

At least inggit! Eh ikaw? Kalibugan ang nararamdaman sa katawan!” Sabi ko sa kanya sabay belat.

Uist! Huwag ka ngang maingay!” Saway nito sa akin.

Ayaw mong malaman nila na ang Pres—” Agad na niyang tinakpan ‘yung bibig ko.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon