{ TBUP -41: Pictures }

382K 7.6K 318
                                    

{ TBUP –41: Pictures }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Ano bang nangyari kagabi? Ang naaalala ko lang eh pinapabili ako ng ‘kahit ano’ sa convenient store ni future kapatid kaso… ah? Hindi ko na alam ang nangyari. Pagkagising ko may stiff neck na ako tapos nasa sofa ako. Tinanong ko sa mga maids pero hindi raw nila alam.

Weird? Bahala na.

Aish! Ang sakit ng leeg ko! Medyo okay naman na ako at bumaba na ‘yung lagnat ko kaso problema ko naman ngayon ‘tong leeg ko. Haaay, ano bang gamot dito?

Sht! Sht! Sht!

Napatingin ako sa direksyon nung nagmumura, tapos nakita ko si Colosseus habang sumisilong sa ilalim ng mesa. May hinahanap ata? Bat parang galit siya? Kulang na lang kasi ibalibag niya ‘yung mga upuan at mesa eh.

*BLAG!* --Ayan, binalibag na nga.

Hmp, bahala siya dyan. Naiihi na ako eh!

So pumasok ako sa banyo at umihi. Lalabas na sana ako nang may nakita akong peksyur sa flooring ng banyo. Litrato ng babae? Sino ba ‘to? Pinulot ko na lamang ‘yun at inilagay sa bulsa ko. Tapos lumabas na ako ng banyo at pumunta ng kusina para uminom. Nandun pa rin si Colosseus habang aligaga sa paghahanap ng kung ano man ‘yun. Para siyang tanga =_____=

Habang umiinom ako eh bigla siyang lumapit sa akin…

Hoy! May nakita ka bang… ano… ‘yung—

Ano?” Tanong ko.

Aish! Wala! Nevermind. Pathetic!

Tapos bigla na lang siyang lumabas ng bahay with matching balibag pa ng pinto.

Okay? Siya na nga ang nagtatanong, siya pa ang galit? Sinabihan pa akong pathetic?! Wow ha! Wow talaga! Tangina nun ah! >______<

Lumapit ako kay Manang kasi curious ako kung ano ‘yung hinahanap nung future kapatid ko.

Manang, anong hinahanap nun?” Tanong ko sa kanya.

Litrato ng girlfriend ni Sir.” Tugon ni Manang habang pinapadaan ‘yung feather duster sa mga pigurin.

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon