{TBUP -45: Karma + Meenie }

422K 8K 2K
                                    

{TBUP 45: Karma + Meenie }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

So nakauwi na kami ni Mama sa Manila. Natapos na rin kaming mag-ayus at magbalik nung mga damit sa aparador kaya eto ako ngayon, hinihintay ang gaga kong bespren sa mall. Alangan naman kasi na magmukmok ako sa bahay ‘di ba? Eh ‘di nabulok ang ganda ko run? Psh.

Tumingin ako sa wrist watch ko. Grabe 5:45 na! Ang usapan namin ay 4:30! Gaga talaga ‘yung Carmeen na ‘yun! Paghintayin ba naman ako ng isang oras mahigit?! Ta—

BESSHHHHHH~!

Speaking of the devil wearing a prada =_______= Nandito na ang gagang pinaghintay ako ng isang oras mahigit! Alam niyo bang palagi na lang niya akong pinaghihintay kapag may pupuntahan kami?! Nakakainis na ah!

Lumapit siya sa akin at pinoke ‘yung braso ko habang naka-cross arms ako. Oh well, na-adapt ko na ata ‘tong cross arms na ‘to kay future kapatid. Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya, tampo mode muna ako.

Oyy besh. What’s happening?” Psh, what’s happening your face!

Hindi ko pa rin siya sinagot. Bahala siya dyan, pinaghintay niya ako eh >_________<

Hoy besh! Huwag mo ngang ini-ignore ‘tong beauty ko! Alam ko namang miss na miss mo na ang Dyosang nasa gilid mo kaya pwede ba, kausapin mo na ako!” Sabi nito sa akin.

Miss ka dyan! Whatever Carmeen! Pinaghintay mo pa rin ako! Tss! Nakikita ko siya sa peripheral vision ko at naka-pout siya. Psh, para namang gagana sa akin ‘yan eh hindi naman siya kyut. Yuck Carmeen!

Ah! Uyy~ besh. Tignan mo ‘yung nasa bench oh! Magka-holding hands, nagtatawanan, naghaharutan –naglalandian. Alam ko, besh… gusto mo ‘yan! Alam ko besh, kating-kati na ‘yang dila mong mang-hula. Kapag hindi mo pa ako pinansin… ako ang mang—

Putangina sa Sabado break na ‘yan!” Sigaw ko sabay turo run sa couples na nakaupo sa bench.

Shet! Nagtatampo pa ako kay Carmeen eh! Alam talaga niya ang kahinaan ko! Ang tagal-tagal ko na kasing hindi nakakapanghula eh. Kaya ito, uhaw na uhaw ang diwa ko! Walang hiya! Nasira tuloy ‘yung pagtatampo mode ko! Taena talaga T^T

Ayan besh, eh ‘di pinansin mo rin ako! Mwhahahaha!

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon