{ TBUP -51: Enrolled }

403K 7.5K 1.6K
                                    

{ TBUP –51: Enrolled }

 

--Ericka’s Pov--

 

Tangina. Tangina lang talaga. Pasensya na kung mura kaagad ang nabasa niyo. Pero sigurado naman ako –mapapamura rin kayo kapag nalaman niyong isang week na lang! Isang week na lang papasok na ulit ako. Putrages lang! Ayoko pang pumasok eh! Hindi ko pa nasusulit ‘yung bakasyon ko tapos next week –pasukan na?! What the hell ‘di ba?

Kaya ito kami, kakatapos lang magpa-enroll. Grabiti, first year college na ako. Mahirap kayang maging college? Ano bang ginagawa run?

May mga gwapong lalake kaya?

Sht, Ericka, mag-aaral ka, hindi ka mangingisda at bibingwit ng pogi rito =_______=

Kasama ko kasi si Carmeen kaya nahahawa ako sa kalandian niya. Tsk tsk.

Oyy Meenie, whatcha doin’?” Tanong ko sa kanya sabay kulbit.

Teka teh! May pogi— ARAY!” Sinapok ko nga =______= Gwapo gazing na naman kase ginagawa eh may boypren siya!

Gagu ka ba? Di ba may boypren ka? Bat ka lumalandi?” Tanong ko sa kanya.

At ang bobita tinaasan pa ako ng kilay! “And so? Cool-off kami ‘teh. Yaan mo~

At sinapok ko ulit siya. Boba! Cool-off lang lumalandi na kaagad?! Di ba pangangaliwa pa rin ‘yun? Tangina, kami nga ni Psyche walang cool-off, cool-off pero nagawang mamangka sa pangalawang ilog eh! Punyeta eh nu? Kaya isinusumpa ko ‘yang pangangaliwang ‘yan!

Mamatay na lahat ng two timer ampota!

Boba-bels ka! Bago ka lumandi, i-break mo muna! Huwag ‘yang kakaliwain mo!” Pangaral ko kay Carmeen.

Ingay niyo.” O_______o

Oo nga, nakalimutan kong sabihin sa inyo, kasama pala namin si pyutyur kafated. Dito rin kasi siya nagpa-enroll. Kasi… third year college na sana siya sa Austen University pero pinalipat siya ni Tito Sev. Gusto niya raw kasi magkasama kami nitong si Colosseus sa iisang university para mabantayan namin ang isa’t isa.

So in short, body guard ko siya, body guard niya ako. Ang kapal ‘nu? =________=

Eh ewan lang dito sa Colosseus na ‘to. Naiirita na nga ako kasi ang daming natingin sa kagwapuhan niya. Ewan ko kung kilala niya pero err, halos lahat ata ng madaanan namin tumitingin sa kanya. Mapa-babae man o lalake –in short, bading. Guys! Alam ko namang gwapo ang pyutyur kafated ko pero pwede bang huwag niyo namang tunawin?! >______<

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon