VAMPIRE 01

6.1K 224 5
                                    

They decided to run.


Even if I want to stay, I know I can't. Kapag di ako lumayo sa lugar na ito, maaari akong makapanakit ng tao.



"Ma, Sigurado ba kayo na ligtas tayo sa lugar na sinasabi nyo?"  Rinig kong tanong ni kuya mula sa driver seat.





"Nandun ang mga kapatid at mga kaibigan ng papa ninyo. Mababait ang mga iyon, I'm sure poprotektahan nila tayo" Sagot naman ni mama na nakaupo sa passenger seat.





Napaayos ako ng upo ng sulyapan ako ni kuya sa rear mirror ng sasakyan.





"Ayos ka lang ba dyan kirsten?" Tanong nito.





Ngumiti ako at tumango "Ayos lang ako kuya...."




Tumango ito saka na ulit ibinalik sa daan ang buong atensyon nya.



His KENJI ORTEGA 22 years old. Full blood vampire, Wala syang dugong tao katulad ko. Noon pa man, alam ko nang mas nahihirapan sya kesa sakin.






"Sweetie, dala mo ba ang mga gamot na ginawa ko para sayo?" Tanong ni mama pagkalipas ng ilang sandali.





"Opo mama..." Sagot ko.





"Mabuti naman...." Nakangiting tugon nito.






She's KAREN ORTEGA. My mother. Sya na ang nag alaga at nagpalaki samin because of some reason my VAMPIRE FATHER left us.




My mother is a human. Sya ang dahilan kung bakit mas natatakot ako sa mga maaaring gawin ng Hayop na nasa loob ko. Hindi ko kakayaning saktan ang mama ko. I love her.




Napatingin ako sa labas ng bintana. This is the last time na makikita ko pa ang lugar na ito.





Nakakalungkot dahil kailangan ko nang iwan ang mga naging kaibigan ko. Hindi na 'ko tao ngayun kaya hindi na 'ko nararapat na makihalubilo pa sakanila.




LIMANG ORAS ang naging byahe namin bago kami nakarating sa sentro ng serapia. Ang sabi ni mama dito daw nya nakilala si papa.



"Mama, paano ba kayo napunta noon sa lugar na 'to?" Tanong ko.





Tiningnan nya 'ko saka nginitian "Pulis kasi ang lolo mo at Dito sya dinistino kaya kami napunta rito"





Napatango ako. "Hindi po ba kayo nahirapang mag-adjust dito ma?" Tanong ko pa.






Umiling muna ito bago ako tinalikuran. Di ko tuloy makita ang expression ng mukha nya "Hindi naman. Agad ko kasing nakilala noon ang papa ninyo" May lungkot sa tinig ng boses nito.






Napabuntong hininga nalang ako saka ko sinulyapan si kuya na nakatingin din pala sakin mula sa rear mirror.





"I'm sorry. Di ko lang napigilang magtanong" sabi ko gamit ang isip.






"It's ok. Kahit naman ako nacucurious ding magtanong. Just be careful of what you're asking kirsten" Sagot naman nya gamit din ang isip.





Napatango nalang ako. Isa sa mga natuklasan kong kakayahan bilang bampira ay ang pag uusap gamit ang isip. Malimit namin itong ginagawa ni kuya lalo na 'kung ayaw naming iparinig kay mama ang pinag uusapan namin.





"Hey sweetie, It's time to take your medicine" Paalala ni mama makalipas ang ilang minuto.




Ohh damn! bat ko nga ba yun nakalimutan?!





KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now