VAMPIRE 34

1.4K 48 0
                                    

WARNING: tuyo ang utak ko nong isulat ko 'to😂😂 nai-inspired na namo-motivate po kasi ako sa mga comment niyo. Thank you po sa inyong lahat 😂 love you guys qnd godbless 😇😍😍

NAPABALIKWAS ako nang bangon nang magising ako. Nasapo ko na lamang ang dibdib ko at napahagulgol. Bumalik lahat ng sakit, lahat ng pinagdaanan ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

"Kirsten!" Lalo akong napahagulgol nang makita ko si mama sa harapan ko.

"Ma..." Niyakap ko siya nang mahigpit. Hinayaan naman niya akong umiyak sa mga bisig niya. Hindi ko maisip ang mga hirap niya dahil sa pagkawala ni papa. Alam kong siya ang mas nasaktan sa 'min.

"Shhhh....okay lang anak. Okay lang..." Pag aalo niya sa 'kin.

Hindi. Hindi magiging maayos ang lahat. Magiging maayos lang kung babalik tayo sa dati, 'yong kumpleto tayo at masaya. 'Yong kasama natin si papa.

I'm sorry papa, nagalit ako sayo kasi akala ko iniwan mo kami dahil hindi mo na kami mahal. Patawarin mo ako papa. Hindi ko alam.

"Ang sakit mama. Ang sakit sakit...."


KAREN POV

NAAAWA AKO sa anak ko. Kanina pa siya tulala pagkatapos niyang umiyak. Hindi ko na rin siya masyadong makausap, hindi ko tuloy alam kung ano talaga ang problema niya.

"Kirsten? Ano ba talagang problema?" Pang-sampong tanong ko na ata ito sa kaniya.

Umiling lang siya at tumagilid ng higa patalikod sa 'kin. Napabuntong hininga nalang ako at hinaplos ang buhok niya. Nang silipin ko siya ay wala na namang tigil sa pagtula ang mga luha niya.

"Ano bang nangyayari sa 'yo anak?" Alalang tanong ko.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito pagkatapos ng ilang katok. Ngumiti ako ng pumasok si rhian kasama ang anak niya, ang aking apo na hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki.

"Ma, kamusta na po siya?" Tanong ni rhian sabay sulyap kay kirsten na wala pa rin sa sarili.

Makahulugang umiling na lamang ako. Sinenyasan ko si carlo na lumapit sa 'kin atsaka ko siya kinandong at niyakap.

"Bat po malungkot si auntie lola?" Inosenteng tanong niya.

"Masama lang ang pakiramdam niya, apo."  Sabi ko nalang.

"Wawa naman pala si Auntie ko." Sabi niya. Hindi ko na siya pinigilan ng umalis siya pagkaka-kandong ko at lumapit kay kirsten. "I love you auntie. Wag kana sad. Sad din kasi si carlo 'tsaka sila mommy at lola." Malungkot na sabi ng bata.

Nangilid na lamang ang mga luha sa mata ko. Namumugto naman ang mga matang hinarap siya ni kirsten. Hindi niya natiis ang pamangkin.

"Yakapin mo nga si auntie para hindi na siya ma-sad...." Napahikbi ako nang muli ko siyang marinig magsalita. Ano bang problema mo anak? Bakit hindi kana nagsasabi sa 'kin?

Napatingin nalang ako kay rhian nang pumunta ito sa tabi ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at inalalayang tumayo. "Labas muna tayo, ma? Hayaan muna natin siya." Sabi niya. Tumango naman ako.

Sumulyap muna ako kay kirsten na nakapikit na ngayon habang nakakulong sa kaniyang bisig si carlo. Hinalikan ko muna sila sa noo bago ako lumabas kasama si rhian.

"Gusto po pala kayong makausap ni keiji, ma. Nag aalala kasi 'yon kay kirsten." Sabi ni rhian nang makalayo na kami sa kwarto ni kirsten.

"Sabay na tayong pumunta sa kaniya," Pagod akong ngumiti. Kung sana naging bampira nalang rin ako, siguro kahit papano ay may naitulong ako sa pamilya ko. "Ang mama mo pala?" Tanong ko pa.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now