VAMPIRE 12

3K 129 13
                                    

KEIJI POV


Palihim na sinundan ng mga mata ko si kirsten. Akala nya siguro'y hindi ko mahahalatang nagsisinungaling lang sya.Anu kaya ang itinatago nya? Sana walang kinalaman rito ang hangal na prinsepe na 'yun.

"Kamusta na ang antidote anak?" Tanong ni mama pagkaraan ng ilang minuto.

Alam kong nagdududa na rin sya, Hindi nya lang sinasabi. Sino ba naman kasi ang hindi magdududa kay kirsten? Isang bampira sasama ang pakiramdam? Nagpapatawa ba ang babaeng 'yun? Gagawa nalang nga ng kasinungalin 'yun pang mahahalata namin.

TSK! Kirsten will always be kirsten......

Napailing nalang ako at muling itinutok ang atensyon sa experementong ginagawa namin.

"Hindi pa po natin nakukuha ang tamang formula mama. Nagpaparamdam na rin po ang matandang mangkukulam," Ang matandang mangkukulam na binabanggit ko ay ang pinuno ng mga mangkukulam. Isa din itong tagasilip ng hinaharap. Maari itong maging kakampi O kaaway. May pagkatuso din ito kaya't hindi ako masyadong nagtitiwala dito.

"At anu na naman ang sinasabi ng matandang 'yun?"

Napabuntong hininga ako saka ko sya tiningnan ng seryoso "Mamamatay ang itinakdang babaeng bampira kapag nagkamali pa ng pasya ang mga nakapaligid sakanya,"

Napasinghap sya "Binabalaan nya ba tayo?"

"Yun din ang pagkakaintindi ko mama,"

NAGTATAKANG tinitigan ko sila Auncle john at Auntie janine. Bigla nalang kasi silang nagpuntahan rito sa bahay ng wala man lang pasabi.

"Uminom muna kayo ng sariwang dugo ng hayop janine," Napatingin ako kay mama ng bumalik ito dala dala ang tatlong basong dugo ng hayop.

Kahit ito ay nabigla rin sa biglaang pagdating ng mag asawa. Usually kasi ay nagpapasabi muna ang mga ito kapag nais nilang bumisita rito.

"Salamat karen," Nakangiting sabi ni Auntie janine kay mama.

Pabalik na ngumiti naman ang mama saka umupo sa tabi nya "Walang anuman janine," Simulyap muna si mama sa pwesto ko bago muling hinarap ang mag asawa "Bakit nga pala biglaan ang pagdating nyo rito?" Tanong nito.

"Hindi po ba't may pinagkakaabalahan kayo," Sabat ko naman. Ang alam ko ay abala silang dalawa sa Paggawa ng iba't ibang sandatang gagamitin sa oras na kailangan. Hindi biro ang magsayang sila ng oras na pumunta rito kung hindi naman kailangan.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot si uncle john "Nagkaroon ng vision si janine," Masuyong tiningnan nito ang asawa saka hinawakan ang isang kamay "Tungkol sa mangyayari sa hinaharap."

Hinaharap? Tungkol ba ito sa labang magaganap? "Anung tungkol sa hinaharap?" Si mama na ang nagtanong.

Tila napipi ako saaking kinauupuan. Possibleng tungkol kay kirsten ang nakita nya. Possible kayang mangyari ang sinabi ng matandang mangkukulam saakin? Napapikit na lamang ako at hinintay ang susunod pa nilang sasabihin.

"Kanina," narinig kong nagsalita si Auntie janine "Kanina karen habang hinahanda ko ang mga sandatang malapit na naming matapos ay bigla akong binalot ng kadiliman." Pumiyok ang boses nito "T-Tapos..."

Nagmulat ako nang mga mata nang marinig ko ang hikbi nito. Lalo akong nakaramdam ng kaba. Anu ang nakita nya?

"Tapos ano janine?" Di na mapakaling tanong ni mama.

Mataman naman syang tinitigan ni Auntie "Tapos nakita ko si k-kirsten, Nakahandusay sya at duguan." Nanginginig pang wika nito.

Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Nakita ko rin ang paglandas ng mga luha sa pisngi ni mama nang yakapin ito ni Auntie janine na kasalukuyan ring umiiyak.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now