VAMPIRE 05

3.8K 163 8
                                    

"Gosh! His here again kirsten! Kinikilig ako! OMG!....."






Napairap ako "Pwede ba pakainin mo muna ako rina! Kanina pa kumakalam 'tong sikmura ko, oh!"






Napaismid ito "Sungit. Kasalanan ko ba kung super pogi ni Darwin" Maktol nito.





Napairap ulit ako "Oo na pogi na sya! Pero pwede bang mag-order ka muna...Parang awa muna, Gutom na Gutom na talaga ako, eh."   Kanina pa kami nandito pero magtatime na't lahat wala pa rin akong nakakain. Ayaw kasing mag-order nitong bruha hanggat wala pa ang kinababaliwang bampira.





"Oo na po kamahalan. Tatayo na po ako't mag-oorder ng makakain nyo." Ngingiti ngiting sabi nito.






Napailing nalang ako. Habang tumatagal ay unti unti nang nawawala ang pag-aalinlangan ko sa pakikipag-kaibigan sakanya. Naisip ko na kahit papano ay makokontrol ko ang sarili ko dito dahil sa mga amulet. Hindi na rin dumadalas ang pagkauhaw ko sa dugo tulad noon.





Napatingin ako sa mga bampira't taong nandito. May kanya-kanyang ginagawa ang mga ito pero kapansin-pansin pa rin ang pag-iingat nila na wag makagawa ng kahit anong ingay.





Lahat sila takot sakanya. Lahat sila nilalayuan sya. Nakakatakot naman kasi ang aura nito at napakalamig nya pa kung tumitig.




Tiningnan ko ang pwesto ng bampirang halos araw araw nang tumatambay sa isip ko. Tulad noong una ko syang makita, mag-isa na naman ito sa isang sulok at walang emosyong nakatingin sa labas ng bintana malapit sa kinauupuan nya.





Hindi ko makalimutan ang unang araw na nakita ko sya. Napakamisteryoso kasi nito at napakalalim kung makipagtitigan sakin. Ang magaganda nyang mga mata ang una kong napansin sakanya. Matangos ang ilong nya at manipis ang labi. Parang gusto ko tuloy tikman ang mapula pula nitong labi. Damn! Dumudumi na naman ang isip ko.






Isipin ko palang na hinahalikan nya 'ko ay diko maiwasang mapamulahan ng mukha. Sh*t Oo! Pinagnanasahan ko sya! Napaka-perpekto ba naman kasi ng mukha at hubog ng katawan nya. Sino ba naman ang hindi hahanga sakanya. Hindi ba?






"Baka matunaw girl..." Muntik na 'kong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat. Leche naman oh!






"Bat ka ba nanggugulat rina!" Inis na sighal ko rito.





Tinawanan lang ako nito "Kung makatitig ka naman kasi kay dark ay parang kakainin mo ito." Natatawang sabi nito.





Namula ako sa sinabi nya at nag iwas ng tingin. Totoo naman kasi eh, pinagnanasahan ko talaga ang bampirang 'yun. Pumasok pasok pa kasi sa nananahimik kong isip eh!.





"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Patay malisyang sabi nito.






"Denying much?" Tumawa ito "Huling huli ka na nga, nagpapalusot kapa." Natatawang dagdag nito.






Napailing nalang ako at kinain ang mga pagkaing binili nya. Kahit naman kasi magpaliwanag pa ako, hindi rin naman maniniwala ang babaeng 'to.






"Alam mo kirsten naiintindihan naman kita. eh,"






Nagtatakang nag- angat ako ng tingin "Ha?"







Napaayos ako ng upo ng biglang sumeryoso ang mukha nito "Anu ba 'yun rina? Kinakabahan ako sayo. Eh,"





Totoong kinakabahan ako. Hindi ko pa kasi nakikitang magseryoso si rina. Ngayon lang. Mula kasi ng makilala ko sya ay puros Happy-go-lucky na ang personality na pinapakita nya sakin.




Huminga muna ito ng malalim "Naiintindihan naman kita kung magkakagusto ka kay dark pero sana hanggang paghanga lang 'yang nararamdaman mo. Hindi mo sya pwedeng mahalin kirsten. Masasaktan ka lang."






Natikom ko ang bibig ko dahil sa mga sinabi nya. Masasaktan lang ako? Pakiramdam ko sumisikip ang dibdib ko. Parang gusto kong sagutin si rina at sabihing 'Huli na ang babala mo dahil unti unti na 'kong nahuhulog sa bampirang 'yon'






"Mauna na 'ko sa room," Yun lang ang nasabi ko bago ako tumayo at iniwan syang nakatulala doon.






Kanina gutom na gutom ako pero ngayun pakiramdam ko namanhid na ang buong katawan ko pati utak ko naapektuhan na rin ata.






Sana pala di na 'ko lumingon ng utusan ako ni rina na tumingin sa likod ko. Hindi ko sana sya nakita at hindi sana sya nakapasok sa utak ko. Ang tanga-tanga ko naman kasi eh, Hindi sana ako nagpakain sa koryosidad at hinayaan ko nalang sana na kalimutan sya tulad ng mga lalaking naging malapit saakin noon.







Sa sobrang lalim ng pag-iisip ko'y diko na namalayang nasa harap na pala ako ng room namin. Nakasarado ang pintuan pero rinig ko pa rin ang ingay mula sa loob. Pakiwari ko'y may nag-aaway sa loob.






Pinigilan ko ang sarili kong wag pihitin ang siradora pero di ko na talaga kontrolado ang utak ko at parang may sariling isip ang kamay ko nang buksan ang pinto.






"A-Anung?....." Nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ko ang kabuuan ng room.







Para itong dinaanan ng gyera. Sira sira na rin ang upuan maski ang teacher table. May mga dugo ring nagkalat sa sahig at pader. Anung ginawa nila? Dumako ang tingin ko sa tatlong kalalakihang bampirang sigurado akong gumawa nito.







Namumula pa ang mga mata nila at nakalabas ang mga pangil na naging kulay pula na dahil sa dugo.







"Anung ginawa ninyo?" Gulat na pa ring tanong ko.







Namumukhaan ko silang tatlo. Mga kaklase ko rin sila at kilala sila bilang mga gag* rito. Ngunit kahit ganun ay diko naisip na magagawa nila ito.






"Dugo. Gusto namin ng dugo," Sabay sabay na sabi nila na parang mga robot lang.








Napailing ako "Hindi dapat kayo pumapatay ng tao." Di makapaniwalang sabi ko sakanila.







Akala ko ba kontrolado nila ang mga bampira sa skwelahang 'to? Akala ko ba hindi nananakit ang mga bampira rito? Sh*t! bakit naging ganito? Parang sinasapian ang tatlong 'to.








"Dugo. Gusto namin ng dugo," Ulit ng mga ito.








"T-Tulong!" Bumaling ako ng tingin sa dulo ng room.







Hindi ko alam kung anong klase ng mura ang nasabi ko nang makita ko ang dalawang katawan ng mga babae doon. Duguan silang pareho pero isa lang ang gising at diko alam kung buhay pa ba ang isa.








"Dugo. Gusto namin ng dugo,"









Nagngingitngit sa galit na binalik ko ulit ang tingin ko sa tatlong lalaki. Nanginginig ang buong katawan ko at gustong gusto ko na silang patayin pero tila may isang pwersang pumipigil sakin.







Sa lahat ng ayaw ko ay 'yong may mga taong nasasaktan. Wala na 'kong pakialam kahit mapahamak ako, Ang mahalaga ay mapatay ko lang sila.







Handa na sana akong sumugod sakanila nang may dalawang kamay ang humawak sa magkabilaan kong braso at mabilis akong pinihit paharap dito.







Nanlalaki ang mga matang sinalubong ko ang malalalim nyang mga mata. Sa pangalawang pagkakataon natitigan ko ulit sya. Mas nakita ko ang kagwapuhan at ang pagiging misteryoso nya ng malapitan.







Pakiramdam ko kinakalma ako ng mga titig nya. Para akong nasa duyan na ineele sa paraan ng pagkakahawak nya sa magkabilaan kong braso.







Napapikit ako nang marinig ko ang boses nya sa unang pagkakataon. Napakalamig nito at napakaseryoso pero nababakas pa rin doon ang pagiging kalmado nya.









"Hindi makakatulong kung paiiralin mo ang galit mo."

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now