VAMPIRE 09

3.2K 150 8
                                    

"May sunog daw sa kabilang building!"

Nagtatakang sinundan ko ng tingin ang mga bampira't taong tumatakbo patungo sa sinasabi nilang building na nasusunog.


Hindi ko kasama si rina ngayun dahil nakikipagdate ang bruha kay darwin. Buti pa 'yung dalawa mukhang nagkakamabutihan na.


Napabuntong hininga ako nang maalala ko na naman si dark. Tatlong linggo na rin ang nakakalipas mula nang huli ko syang makita. Sa totoo lang ay nag aalala na 'ko sakanya. May nangyari kayang masama sakanya?


"Tingin mo kagagawan ng mga taga-dilim ang sunog sa kabilang building?" Taga-dilim? Pasimple akong nakinig sa usapan ng mga babae sa likod ko. Bigla akong nacurious sa impormasyong alam nila.



"I'm sure kagagawan nila 'yun. Palibhasa kasi alam nilang wala si prince dark dito kaya kinukuha nila ang aportunidad na 'to para makapang-gulo,"



Anung ibig nilang sabihin? Sino ang mga taga-dilim? Bakit naggugulo ang mga ito? AT NASAN SI DARK? Kailangan sya ng mga nasasakupan nya ngayun.



"Nasan na nga ba kasi si prince dark?"


Napahinto ako sa paglalakad ng marinig kong may magtanong ng tungkol kay dark. Kahit ako, hinahanap din sya. Alam kaya ng mga ito kung nasan sya?



"Ang alam ko nagsasanay daw sya ngayun sa palasyo,"


Palasyo? Bakit sya nagsasanay doon? Para saan? Anung klaseng pagsasanay ang ginagawa nya? Bat hindi pa sya bumabalik? Marami akong tanong na hindi na ata magkakaroon pa ng sagot.




"MISS!!!" Naputol ang pag iisip ko dahil sa malakas na pagsigaw.



Nag-angat ako nang tingin at hinanap ang pinanggagalingan ng boses na 'yun. Inilibot ko ang buong paningin ko. Nakarating na pala ako sa soccer field ng diko man lang namamalayan.




"MISS!!" Lumipad ang tingin ko sa gitna ng field.



Nandun nakatayo ang isang lalaking nakasuot ng soccer uniform. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang tumatawag sakin kanina.





"AKO?!!" Sigaw ko pabalik sabay duro sa sarili ko.



Tumango-tango naman ito sabay turo sa may paanan ko "PWEDENG PASIPA YUNG SOCCER BALL PABALIK DITO?!"



Otomatikong bumaba naman ang paningin ko. Nasa paanan ko nga ang puting bola at naghihintay nalang na sipain ko.



Sinulyapan ko muna ang lalaking naghihintay sa gagawin ko bago ako muling bumaling sa bola.



Bumuga muna ako ng malakas na hangin bago ako pumwesto. Soccer ang pinaka paborito kong laro. Alam ko kung paano maglaro nito dahil dati na rin akong napasali sa soccer team. Hindi nga lang ako pinalad na magtagal dahil kahit tao palang ako noon ay may kakaibang lakas na ang dumadaloy sa dugo ko.


Minsan na akong muntik makapatay dahil lang sa lakas ng pagkakasipa ko sa bola. Mula nun, nangako na 'kong di na ko maglalaro ulit pero ito ako ngayun sinusubukan ulit sumipa. Wala na rin naman akong dapat katakutan pa dahil nandito na 'ko sa totoong mundo ko. Ang mundo ng mga bampira.




"WOAH!"

Tumuwid na 'ko ng tayo pagkasipa ko ng bola. Oo nasipa ko na at sigurado akong malakas yun pero mas mabilis ang kilos ng lalaking 'yun at nagawa nyang salubungin ang bola.



KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ