VAMPIRE 28

1.5K 41 7
                                    

TULALA AKO habang tinitingnan si kuya na tahimik na nakayuko lamang sa gilid nang silid kung saan namin siya kinulong. Gawa sa salaming may mahika ang pinto kaya nakikita namin siya sa loob at ganon din naman siya sa 'min. Nasa totoong aniyo siya ngayon pero kailangan pa rin namin itong gawin para hindi siya makapang-gulo. Sa mga nakakita naman sa nangyari kanina sa Unviersity ay tinanggal na ni Dark ang mga alaala ng mga ito tungkol sa nasaksihang pagpapalit aniyo ni kuya. Si jiro naman ay bigla na lamang naglaho nang dumating si Dark.

Huminga ako nang malalim atsaka unti unting humakbang palapit sa salaming pinto. "Kuya..."

Dahan dahan naman siyang nag angat ng tingin sa 'kin atsaka ako ginawaran ng isang malungkot na ngiti. "Kirsten..." Lumunok ito atsaka muling yumuko. "Patawarin mo 'ko kung tinangka man kitang saktan. Naging demonyo na talaga ako." Aniya.

Umiling iling ako. "Naiintindihan ko kuya...." Nangilid ang mga luha ko. "Atsaka alam ko namang hindi mo ako sasaktan kung nasa matino kang pag-iisip, eh." Kilala ko si kuya, mahal niya ako. Hindi niya magagawang saktan ako. "K-Kuya gagawa ako nang paraan, ibabalik din kita sa dati." Sabi ko.

Muli siyang nag-angat nang tingin sa 'kin. "Wag na. Tanggap ko naman nang magiging ganito ako. Ang mali ko lang ay hinayaan kong makita mo akong nasa ganoong anyo."

Tumulo na nang tuluyan ang luha ko. "Kuya wag ka namang sumuko. Nandito pa kami ni mama, ayaw naming mawala ka. Wala na si papa sa'min pati ba naman ikaw?" May hinanakit kong sabi.

Nag-iwas siya nang tingin. "Gustohin ko mang lumaban ay wala na akong magagawa kirsten. Kumalat na sa dugo ko ang sumpa." Aniya.

"Sumpa? Totoong sinumpa ka? Pati ba ako kuya? K-Kasi nangyayari din sa 'kin ang mga nangyayari sa 'yo ngayon."

Huminga siya nang malalim. "Isinumpa tayong dalawa kirsten..pati ang mga magiging anak natin."

Suminghap ako. Sinumpa kami? Bakit kami? Anong ginawa namin? "S-Sinong sumumpa sa'tin kuya?" Mahina kong tanong. Nanghina ako. Pakiramdam ko mas lalong naging magulo ang lahat. Wala akong maintindihan.

"Hindi mo pwedeng malaman." Iling niya.

Lumapit pa ako sa may mahikang pinto para mas makita siya. "Bakit? Bakit hindi ko pwedeng malaman kuya? Wala ba akong karapatan?! Gusto kong malaman kuya kung sino at kung ano ang dahilan niya para isumpa tayo...." Nanggigigil kong sabi sa kaniya.

"Galit. Galit ang nagpapabilis sa pagkalat ng sumpa sa dugo na'tin kirsten." Dahan dahan siyang tumayo at naglakad palapit sa 'kin. "Ayokong sabihin sa'yo dahil ayokong kainin ka nang galit mo. Ayokong matulad ka sa 'kin." Seryoso niyang aniya. "Wag mong hayaang mabalutan ng galit ang puso mo dahil kapag kumalat na ang sumpa sa dugo mo ay matutulad ka sa 'kin."

Naguguluhang nasapo ko na lamang ang ulo ko. "Ang gulo kuya! Ang gulo gulo! Nahihirapan akong intindihin lahat kasi inililihim niyo sa 'kin ang mga bagay na dapat ay alam ko rin. Hindi ko ito gusto kuya pero tulad nga ng sinabi mo ay isinumpa tayong dalawa! Ibig sabihin di magtatagal ay mangyayari din sa 'kin kung ano ang nangyayari sa'yo ngayon." Huminga ako ng malalim. Pagod akong tumingin sa kaniya. "Wag na nating patagalin pa kuya dahil sa huli ay magiging halimaw rin lang naman ako. Wala na akong pakialam kung kainin ako ng galit! Tang*na! Gusto ko nalang malaman kung sino ang sumumpa sa 'tin!" Frustrated kong sigaw.

"I'm sorry." Tumulo na rin ang mga luha niya. Mabilis siyang naghilamos ng mukha at tumalikod sa 'kin. "Pero ayokong matulad ka sa 'kin. Nangako sila na gagawa sila ng paraan para iligtas ka. Tutulungan ka ng prinsepe, tutulungan ka ni Dark. Hindi ka nila hahayaang maging halimaw. Aalisin nila ang sumpa sa 'yo kaya hindi mo na rin dapat malaman pa kung sino ang gumawa nito sa 'tin." Mahinahon niyang aniya.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯On viuen les histories. Descobreix ara