CHAPTER 36

1.3K 43 1
                                    

Ang tagal ko na namang di nakapag-Ud guys. Sorry po sa mga nag-antay.

NANG makabalik ako sa kwarto ko galing sa kwarto ni carlo ay alam ko nang may nag-aantay sa'kin. Dati ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi siya nararamdaman ng mga bampirang nandito sa palasyo, ngayon ay alam ko na kung bakit.

Inilabas ko ang pangil ko at pinatulis ang aking mga kuko. Tila nagulat naman siya nang bigla ko siyang sugurin at sakalin. "Muntik mo na akong mapaniwala sa mga ka-sinungalingan mong demonyo ka! Ikaw! Ikaw ang nag-bigay ng ideya sa prinsepe na pakawalan ang demonyo mong ama para makapag-hari kayong dalawa!" Singhal ko sa kaniya sa nanginginig na boses. "Tinuring kitang kaibigan kahit masama ang tingin ng lahat sa'yo! Akala ko iba ka sa ama mo! Traydor ka rin pala! Napakasama mo!"

Naalala ko na noong mga bata pa kami ay parati ko siyang pinupuntahan sa gubat dahil doon siya nakatira, sa dulo ng kagubatan. Galit sa kaniya ang lahat dahil siya ang nag-iisang anak ng hari ng dilim kaya ipinatapon siya sa gubat.

Akala ko iba siya sa ama niya. Akala ko mabuti ang budhi niya pero hindi. Isa siyang traydor katulad ng ama niya! Nilason niya ang utak ni dark at pinaniwala itong tutulungan ako ng hari ng dilim para maging isang bampira.

Silang mag-ama.....napakasama nila.

"Totoo nga ang sinabi ng mangkukulam.....nakakaalala ka na.." Malungkot niyang wika.

"Oo jiro. At tandang tanda ko pa ang mga kasalanan mo sa'kin! Sinira niyo ng ama mo ang balanse sa mundo ng mga bampira!"

Nagtagis ang bagang ko at hinagis ito sa pader. Nanlilisik ang mga mata ko. Ang mga kuko...gusto nang bumaon sa puso niya. Gusto ko na siyang patayin sa galit!

"P-Patawarin mo 'ko..." Aniya atsaka tumayo. "H-Hindi ko g-ginustong mangyari ang lahat ng 'to.."

"Sinungaling!" Mabilis akong sumugod sa kaniya pero sinasalag niya lang ang mga atake ko. "Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita! Pinagtatanggol pa kita sa iba kasi akala ko iba ka sa ama mo!" Singhal ko habang patuloy sa pag-sugod sa kaniya.

"Biktima rin ako kirsten!" Sabi niya atsaka sinubukang huliin ang kamay ko. Nagtagis lang lalo ang bagang ko atsaka siya marahas na sinipa sa tiyan dahilan para mapasuka siya ng dugo.

Tiningnan ko siyang sapo sapo ang parte na sinipa ko. Nagmamakaawa ang mga matang tiningnan niya ako. "Pakinggan mo muna ako. Kaya kong sabihin ang lahat sa'yo."

Napailing ako. "Hindi na ako maniniwala sa'yo! Hindi ba't sinusubukan mong lasunin ang isip ko?! Sinusubukan mo kung mako-control mo 'ko para magamit niyo ako ng ama mo laban sa prinsepe!" Singhal ko pa sa kaniya.

"Naging biktima niya rin ako! Pinaniwala niya akong magbabago na siya para sa'kin kaya ko iyon nagawa!" Tumayo siya atsaka lumapit sa'kin. "Hindi ko nilalason ang utak mo...gusto lang kitang iligtas sa plano niyang patayin ka. Kapag sumama ka sa'kin hindi ka niya gagalawin kirsten. Hindi ka niya sasaktan."

Pagak akong natawa. Napatiim bagang ako atsaka napatingala sa taas ng mangilid ang mga luha ko. "Ang kapal ng mukha mo...." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Kaya kitang ipagtanggol kirsten! Kaya kong gawin ang mga hindi nagagawa ng prinsepeng 'yon! Hindi ka niya kayang iligtas kay ama pero ako kaya ko! Kaya sumama kana sa'kin kirsten." Sabi niya pa.

Nanlilisik ang mga matang ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Umalis kana rito bago pa tuluyang mandilim ang mga mata ko at makalimutan kong naging kaibigan kita." Nanggigigil sa galit kong wika.

"Kirsten...." Akmang lalapitan niya ako nang  itulak ko siya sa dibdid gamit ang isang palad ko. Malakas ang pwersang binigay ko sa pagtulak sa kaniya kaya hindi na ako nagulat niyang tumilapon siya palabas sa terrace. Nabasag ang salaming pinto kaya alam kong napuruhan siya kahit papano.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now