VAMPIRE 19

2.4K 88 9
                                    

Ito na naman sya. Ginugulo na naman nya ako. Hindi nya na talaga ako titigilan hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nya.

"Isa kang halimaw kirsten..."

Naririnig ko na naman sya. Ang halimaw na pilit kumakawala sa katawan ko. Gusto na nitong lumabas at tuluyan akong sakupin pero hindi! Ayokong maging halimaw.

"Akin ka lang kirsten. Akin lang ang katawan mo, ang kapangyarihan mo at lahat ng nasayo ay pagmamay ari ko." Sabi pa nito saka tumawa ng malakas.

"Hindi...."

Naramdaman ko na naman ang paninigas ng buong katawan ko. Hindi ako makakilos, kinokontrol na naman nya ako. Gusto kong lumaban pero sa bawat ginagawa ko 'yun parang mas lalo lang syang lumalakas.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Pinipilit kong gumalaw pero hindi ko kaya. Masyado syang malakas.

"Kirsten!"

Naramdaman kong may yumuyugyog sakin. Gusto kong gumising, Gusto kong magmulat ng mga mata pero kusa na namang tumigil ang pagpupumiglas kong kumawala ng marinig ko muli ang mga sumunod nya pang sinabi.

"Kapag dumating na ang takdang oras kirsten. Ikaw at ang sarili mong mga kamay ang kikitil sayong mga minamahal,"  Hindi! Hindi yun mangyayari! Paglaban ng utak ko. Kahit ilang ulit akong magpumiglas alam kong mangyayari at mangyayari pa rin ang nakatakda.

"Hindi....."  Nanghihinang naibulalas ko nalang.

Narinig ko ang paghalakhak nito "Isipin mo ang pakiramdam kirsten!" Sabi nito "Isipin mo ang pakiramdam na ikaw mismo ang kikitil sa buhay nila!"

Nanginig ang buong katawan ko. Hindi ako makapaniwalang narinig ko na naman ang mga katagang 'yun. Ang mga katagang paulit-ulit tumutusok sa puso ko sa tuwing sinasabi nya 'yun sakin. Hindi ko magagawa 'yun. Diko kayang patayin ang mga taong mahal ko.

"F ck kirsten! Wake up!"

Hinihingal akong napabalikwas ng bangon. Pakiramdam ko, hinang hina ako.

"Shhh.....hush baby," Naramdaman ko ang mga kamay nitong humahaplos sa pisngi kong basang basa na sa pinag-halong luha at pawis.

"D-Dark...." Pagod na tiningnan ko ito. Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Lalo akong natakot sa mga possibleng mangyari. Kaya ko ba talagang saktan ang mga mahal ko? Magagawa ko ba talaga 'yun?

"Shhhh....It's ok," Pag-aalo nito sa 'kin.

Hindi. Hindi magiging ok ang lahat. Hindi magiging ok ang lahat para sa akin. Ang sakit. Wala pa man pero ramdam na ramdam ko na ang hapdi sa puso ko dulot ng mga possible kong gawin sa hinaharap.

"Matulog ka na ulit." Sabi nito saka ako inalalayang humiga muli.

Pinigilan ko ang mapahagulhol sa harapan nya. Ayokong makita nyang mahina ako. Kahit sobrang takot ang nararamdaman ko ay pinilit ko ang sarili kong kumalma. Nandito lang sya sa tabi ko at wala akong dapat ikatakot.....sa ngayon.

"W-Wag mo akong iiwan," Mahinang sabi ko pero tama lang para marinig nya.

Lalong lumambot ang expression ng mukha nito saka hinaplos nang marahan ang buhok ko. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko may alam sya sa mga nangyayari sa akin "Dito lang ako. Hinding hindi kita iiwan." Seryosong sabi nya.

Suminghot ako saka dahan dahang pumikit. Sa ngayon, wala muna akong dapat ikatakot. Alam kong hindi nya ako iiwan. Hindi ako pababayaan ni dark, 'yun ang nararamdaman ko.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon