VAMPIRE 32

1.4K 36 5
                                    

NAGISING AKO nang maramdaman kong may nakatitig sa akin habang natutulog. Alam kong siya iyon kaya hindi na ako nagulat nang makita ko siya sa aking harapan.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong tanong. Inangat ko ang katawan ko para maka-upo.

Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita at aminin ko man o hindi ay alam kong nangulila rin ako sa kaniya....pero, hindi sapat ang pangungulila kong iyon upang mawala sa isipan ko ang pagdududa at tampo sa kaniya.

"Kamusta ka na? Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong niya.

Nag-iwas lang ako nang tingin. Ano bang inaasahan niya, na pagkalipas nang ilang araw ay ayos na kami ulit? Hindi naman ganon kadali ang lahat, eh. Nahihirapan din naman ako dahil bukod sa wala akong maalala ay nakakaramdam ako nang galit sa kaniya. Galit na ayokong maramdaman. Ayokong magalit kay dark pero anong magagawa ko kung pakiramdam ko ay pinagmu-mukha niya lang akong tanga?

"Patawarin mo ako, mahal ko..." Mababa ang boses niyang sabi.

Napasinghap ako at pinigilan ang wag maiyak. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nang aking mga mata. Ayokong umiyak sa harapan niya, pwede bang kapag mag-isa na lang ako? Mamaya ka na tumulo luha kapag ako na lang ang nasa silid na ito. "U-Umalis ka na d-dark..." Nanginig ang boses mo.

"Mahal ko..."

"U-Umalis ka na...."

Bumuntong hininga siya atsaka tumayo. Hindi ko pa rin siya tinitingnan dahil baka tuluyan na akong maiyak kapag nakita ko ang malulungkot niyang mga mata. "Gusto mong malaman ang lahat diba? Sige, sasabihin ko na sa iyo." Sabi niya.

Natigilan ako. Sasabihin na niya? "A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko nang hindi pa rin makatingin sa kaniya.

"Ibabalik ko na ang mga alaala mo kahit na alam kong kakamuhian at hindi mo na talaga ako mapapatawad. Handa na akong isantabi ang pagiging makasarili ko para sa 'yo mahal ko....." Sabi niya sa malungkot at seryosong tinig.

Napatingin na ako sa kaniya pero siya naman ngayon ang nag-iwas nang tingin sa 'kin. Nangilid na ang mga luha ko sa kagalakan. Maaalala ko na ang lahat! "Salamat dark....." Bakas ang saya sa boses ko.

Tumango lang ito at tumalikod na sa akin. "Magkita tayo mamayang gabi sa parke. Hihintayin kita." Aniya sa malungkot na tinig.

Nawala ang ngiti sa labi ko. "S-Sige..." bakit parang pinipiga ang puso ko? Bakit ang sakit makitang nasasaktan siya? Ito ba talaga ang gusto ko?

Huminga ako nang malalim at napapikit na lang. Isang bagay na nalaman ko para maiwasan ang paglabas nang demonyo sa loob ko ay ang pagiging kalmado.

HUMINTO ako sa paglalakad nang makasalubong ko si darwin. Diretso lang ang tingin ko sa aking harapan at ganon din siya, na para bang ayaw naming tumingin pareho sa mata nang isa't isa.

"Masaya ka ba kirsten? Masaya ka bang sa wakas ay maaalala mo na ang lahat?" Tanong niya.

Napakurap ako sa tanong niya. Masaya nga ba ako? "H-Hindi ko alam...." halos pabulong ko nang sabi. Ilang beses ko na rin itong tinatanong sa sarili ko. Oo gusto ko 'to, sigurado ako doon. Pero masaya nga ba ako? Iyon ang hindi ko alam.

"Sana wag kang magalit sa kaniya kirsten. Ginagawa niya lang noon ang alam niyang gusto mo." Sabi niya pa.

Napayuko ako. "Ano nga bang gusto ko noon darwin?" Ano nga ba ako noon? Sino nga ba ako noon?

Bumuntong hininga siya. "Sa totoo lang ay hindi naman mangyayari ang lahat nang iyon kung nagpakatotoo ka lang sa kaniya. Kung sinabi mo lang kung ano talaga ang nararamdaman mo."

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now