VAMPIRE 25

2.1K 65 5
                                    


PASENSIYA NA PO ULIT AT PINAG-HINTAY KO KAYO :) INATAKE PO KASI AKO NANG LAGNAT KAYA HINDI PO AKO NAKAPAG-UPDATE.  NAG-WORK DIN PO AKO KAYA NAWALAN NA PO TALAGA AKO NANG TIME.

SALAMAT AT SORRY PO SA MGA NAGHINTAY.

MAHAL KO KAYO! ---DREAM_SECRETLY :)

"HINDI kita maintindihan!" Sigaw ko. Naiinis ako. Naiinis ako dahil sa kabila nang mga sinasabi niya sa 'kin ay hindi ko magawang magalit sa kanya.

"Kasalanan ko ang lahat. Ako ang may puno't dulo nang lahat kirsten. Ako." Umawang ang labi ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko, "A-Ako ang may kasalanan. Patawarin mo 'ko." Natulala ako sa ginawa niya. Ni sa hinuha hindi ko naisip na luluhod siya sa harapan ko.

"D-Dark..." Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko akalain na kaya niya palang magpakababaw para sa 'kin.

Nag-angat siya nang tingin sa 'kin. Ngumiti ako saka ko siya hinawakan sa magkabilaan niyang pisngi. "Ginawa mo lang naman 'yon para sa 'kin di ba? Oo, malaki ang nawala sa 'kin nang ginawa mo pero ayoko pa ring magalit sa 'yo," Bumuntong hininga ako, "kaya tumayo ka na diyan. At baka magbago pa ang isip ko." Biro ko.

Dali dali naman siyang tumayo saka ako kinulong sa mga bisig niya. Napapikit na lamang ako at dinama ang init nang yakap niya.

Kaya pala iba ang tibok nang puso ko nang una ko siyang makita, matagal na pala akong umiibig sa kanya. Oo nga't nakalimot ang isip ko pero hindi ang puso ko. Dahil sa tagal na panahon naming naghiwalay ay nananatili pa rin itong tumitibok para sa kanya.

"Mahal na Mahal kita kirsten, mula noon hanggang ngayon." Bulong niya dahilan para lalong lumakas ang kabog nang puso ko.

Humiwalay ako nang kaunti sa pagkakayakap niya saka ko nakangiting sinalubong ang malamlam niyang mga mata. "Mahal din kita." Sobrang mahal na kahit hindi ko pa naaalala ang noon, ay ramdam na ramdam ko ang higit na pagtibok nang puso ko ngayon.

"KAMUSTA  naman ang pakiramdam mo?" Tanong sa 'kin ng mama ni dark. Ang reyna nang mga bampira.

Ngumiti ako rito. "Maayos na po ako." Dalawang araw na kaming nandito sa palasyo. Ramdam na ramdam kong tanggap ang pamilya ko rito, Gusto kong maging masaya pero sa tuwing naiisip ko si kuya'y di ko maiwasan ang hindi malungkot. Kamusta na kaya siya?

"Iniisip mo ba ang kuya mo?" Tanong nito sa malungkot na tono.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Bumuntong hininga ako saka tinutok ang mga mata ko sa mga nag-ga-ganda-hang mga bulaklak sa hardin ng palasyo. "Hindi ko po maiwasan ang hindi mag-alala sa kanya, lalo na't nag-iisa lang siya ngayon." Ani ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit hindi siya sumama sa 'min dito. Anu ba ang dahilan niya? Bakit mas pinili niya ang mag-isa kesa sumama sa 'min rito?

"Kahit ako man ay nag-aalala din sa kanya." Rinig kong sabi nito. Kinwento niya na sa 'kin na minsan na niyang naalagaan ang kuya ko, Maski ako daw ay naalagaan niya rin. Nakaka-lungkot nga lang dahil wala akong maalala. "Hindi ko rin naman siya masisisi," Bumuntong hininga siya. "Sa laki ba naman ng atraso ko sa pamilya ninyo. Baka hindi na niya ako ma-patawad, at baka..." Bumalik ang tingin ko sa kanya. Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Kasama ba ito sa mga alaalang nakalimutan ko. "...baka pati ikaw ay kamuhian rin ako sa oras na..." Napahinto siya saka bahagyang niyuko ang ulo. Tila ba nahihirapan siyang magsalita at salubunging muli ang mga mata ko.

"A-Anu pong i-ibig ninyong sabihin?" Naguguluhan ako. Meron pa ba akong hindi alam? Meron pa bang hindi nasasabi sa 'kin si dark? May nililihim pa ba siya?

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now