VAMPIRE 20

2.4K 85 3
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko si auntie janice na naka-upo sa gilid ng kama ko at matamang nakatitig sa 'kin.

"Auntie? Anung ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

Ngumiti ito "Nagulat ba kita? Pasensya ka na ha? Gusto ko lang kamustahin ang kalagayan mo." Malambing na sabi nito.

"Ayos lang naman ako auntie," Nag-iwas ako nang tingin. Diko kayang salubungin ang mga titig nya. Nandun pa rin kasi sa sistema ko ang pagtatampo sa kanya.

"Galit ka pa rin ba?" Tanong pa nito.

"Hindi ko po alam auntie," Bumuntong hininga ako saka yumuko "Gulong-Gulo na po ako. Marami akong tanong na hindi mabigyan ng kasagutan." Malungkot ang mga matang tiningnan ko ito "Pakiramdam ko rin ay pinag-li-lihiman ninyo ako. Wala po ba akong karapatang malaman ang nangyayari sa akin?"

"Kirsten," Inabot nito ang pisngi ko saka marahang hinaplos "Ang lahat ng ginagawa namin ay para lang sa kabutihan mo, at kung pakiramdam mo ay naglilihim O nagsisinungaling kami sayo. 'Yun ay para rin sayo. "

"Para sa akin?" Napailing ako "Hindi ko po nararamdaman na para sa 'kin lahat ng ginagawa ninyo."

"Kirs---" Pinutol ko na ang anumang ka-sinungalingang sasabihin nya pa.

"---Auntie please..." Ayoko nang makarinig pa nang kahit ano mula sa kanila "Pagod na po akong mag isip, kaya kung wala naman po kayong balak sabihin sa akin ang totoo, Lumabas na lang po kayo ng kwarto ko." Kahit papano'y naka-ramdam ako ng guilt sa pagtrato ko sa kanya, pero pilit ko 'yong nilabanan at pinag-patuloy ang pagma-matigas ko.

Matagal ako nitong tinitigan na tila ba binabasa ang nasa isip ko, hanggang sa ito na rin mismo ang sumuko. Nagbaba nalang ito ng tingin saka nagpakawala ng isang buntong hininga.

"I'm sorry kirsten." Rinig kong sabi nya bago tumayo at tinungo ang pintuan.

Hindi na ako kumibo at hinintay nalang syang makalabas ng kwarto ko. Masama ba ang ginawa ko? Masyado na ba akong nawalan ng galang?

BUONG ARAW ay nasa kwarto lang ako. Naka-tambay sa veranda at pinakiki-ramdaman ang sariwang hangin. Nakapwesto lang ako sa sulok kung saan hindi masyadong nasisinagan ng araw, Nasunog kasi ang balat ko nang magtagal akong nakababad sa init na nagmu-mula sa araw.

Naiinis ako lalo na sa nangyayari ngayun. Dati rati ay ayos lang kahit gaano ako ka-tagal magbabad sa araw! Pero ngayun ay hindi na ako makatagal. Gusto kong mag-wala pero anung magagawa nun? Baka lumala pa lalo ang lahat.

"Dinalhan kita nang maka-kain," Tinig iyon ni mama.

Napabuntong hininga ako. Ilang beses na syang pabalik balik dito pero hindi ko sya hinaharap. Siguro nga tuluyan na akong naging bastos. Gustohin ko man kasing kausapin sya ay tila sarado pa sa ngayun ang utak ko para intindihin sya. Sila.

"Sweetie pakiusap, kumain ka na baka mamaya magkasakit ka nyan sa ginagawa mo." Pagsusumamo nito.

Napayuko ako at tiningnan ang ilang sugat na natamo ko kanina dahil sa sinag ng araw. Kung hindi lang siguro ito dahil sa araw marahil ay kanina pa ito naghilom.

"Kirsten," Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si mama. Kung hindi lang siguro ito lumuhod para makapantay ako ay hindi ko mapapansin.

Hinawakan nito ang kamay ko kung na saan ang mga sugat na natamo ko. Nakita ko ang panginginig ng mga kamay nito nang subukan nyang haplosin ang mga sugat ko.

"A-Anung nangyari sayo?" Garalgal ang boses na tanong nya.

Matamlay na tiningnan ko ito saka iniiwas ang mga sugat ko "W-Wala lang po i-ito." Matamlay na sagot ko.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now