VAMPIRE 04

3.7K 167 6
                                    

Tulala lang ako buong klase. Hindi kasi mawaglit sa isip ko ang lalaking 'yon. Kahapon lang 'yon nangyari pero parang kanina lang. Sariwang sariwa pa sa isipan ko ang napakaamo nyang mukha.






Napahawak ako sa dibdib ko nang bumibilis na naman ang tibok nito. Kinikilig ba 'ko? Langya!






"Ms. Ortega!"





Jusko! Anu ba 'tong nararamdaman ko? Ginugulo ng lalaking 'yun ang isip ko. Syemay!





"Ms. Ortega!"






Anu ba kasing meron sakanya? Bakit ngayun ko pa 'to nararamdaman. Napapikit ako ng maalala ko ang nangyari kahapon. Sh*t nakakahiya! Kung hindi ako tinawag ni rina marahil ay tuluyan na 'kong naglaway sa harap ng lalaking 'yun.






"MS. ORTEGA!!!"






"Ay! Unggoy ka!!" Napapitlag ako at dali daling napatayo sa sobrang gulat.








"Anung sinabi mo?" Natakpan ko ang bibig ko nang samaan ako ng tingin ng prof.





Napailing nalang ako. Kainis! Pahamak talaga ang lalaking 'yun! Argh!





"You're not listening. Huh," Napalunok ako. Totoo naman eh, di naman talaga ako nakikinig kahapon pa huhuhu.





"I'm sorry ma'am" hinging paumanhin ko.






Lalong tumalim ang tingin nito "Pagkatapos mo akong tawaging unggoy ganyan lang ang sasabihin mo! GO TO DETENTION ROOM NOW!" Nanggagaliiti nitong sigaw.






Mukhang ginalit ko nga talaga sya huhu kasalanan ko ba kung di mawaglit sa isip ko ang lalaking 'yon.





"I'm sorry ma'am." Hinging paumanhin ko sabay tingin sa mga kaklase kong nagpipigil ng tawa. Tiningnan ko si rina na nag-thumbs up lang sakin.




"GO OUT MS. ORTEGA! NOW." Napapitlag ako sa muling pagsigaw nito. Galit na nga talaga ang tigre.






Nanlulumo akong dali daling lumabas ng room. Kainis talaga! Never in my life na naka-encounter ako ng ganito bagay. Err never akong na-detention dahil lang sa pag iisip sa isang lalaki. Ngayun lang. Sh*te!






TAHIMIK ang buong paligid habang tinatahak ko ang daan patungong detention room. Alam ko na ang papunta roon dahil sa pagtu-tour ni rina kahapon. Mabuti nalang talaga at sinipag akong kabisaduhin ang mga parte ng school na dinadaanan namin kahapon.






"Tulong!"





Napahinto ako sa paglalakad. Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Boses ng babae 'yun ah?





Luminga linga ako sa paligid. Wala namang kahina-hinala. Tahimik pa rin naman at payapa ang paligid.





"T-Tulong! Tulungan n-nyo po ako!" Tinalasan ko ang mga pandama ko. Alam kung may nangyayaring di maganda.






"Tulong-Ahhhhhhhh....." Mabilis akong napalingon sa kanan ko. Nagee-echo sa pandinig ko ang boses na nagmumula roon.






Napatingin muna ako sa paligid bago ako tumakbo ng mabilis papunta sa lugar kung saan ko narinig ang ingay. Ginamit ko ang speed ko at habang papalapit ako sa lugar na 'yon ay nagsisimula ko nang maramdaman ang kakaibang presensya ng isang bampira. Kung di ako nagkakamali ay ito rin ang uri ng bampira ang umatake saamin.





"Ahhh tulong! P-Parang awa nyo na!" Napahinto ako sa isang gubat. Napakalaki nga talaga ng lugar na 'to.





"Tulong!! L-Lumayo ka sakin p-please...." Dumako ang tingin ko sa kanan.





I gritted my teeth. Mabilis akong lumapit sa bampirang nakatalikod sakin na handa na sanang kagatin ang kawawang babae sa leeg nang bigla ko itong hinawakan sa braso at marahas na hinila palayo sa babae.




"Argggg....." Napaungol ito sa galit. Naamoy ko ang labis labis na pagkauhaw nya sa dugo.






"Hindi ko palalampasin ang ginawa mong ito." Seryosong saad ko.






Naramdaman ko ang pamumula ng mga mata ko nang magsimula na itong mamilipit sa sakit. May kakayahan akong wakasan ang buhay ng isang tao o bampira sa isang tingin lang. I can control all things even LIFE.







Itinaas ko ang kamay ko na parang may sinasakal. Nagsilabasan ang ugat ko sa kamay nang umangat sa ere ang lapastangang bampira.






Napangisi ako. Unti unti na itong nangingitim, Ibig sabihin nun ay malapit na itong mamatay at maging abo.






"Die...." As if a cue. Tuluyan nang naging abo ang lalaki nang walang kahirap hirap.





He deserve that kind of death. He deserve it.





"S-Sino ka?" Nagising ang diwa ko nang makarinig ako ng boses ng babae mula sa likod.






Pumikit ako at pinakalma ang sarili bago ako humarap dito ng nakangiti. Pinasadahan ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa, Gusot gusot ang suot nitong unipormeng pang-nurse. Madumi na rin ito at may mga gasgas ngunit gayunpaman ay di maitatago ang taglay nitong kagandahan.







"Anong ginagawa mo sa ganitong lugar ng nag-iisa? Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo kung gaano kapanganib para sa taong katulad mo ang mag isa sa ganitong lugar." Seryosong sabi ko rito.





Napayuko ito saka napahawak sa dulo ng kanyang damit. Hanggang ngayun ay nararamdaman ko pa rin ang pagkatakot nya sa nangyari kani-kanina lang.





"Salamat sa pagtulong sakin." Nakayukong sabi nito.






"Walang anuman." Nag-angat ito ng tingin para tingnan ako "Umalis na tayo rito. Hindi natin alam kung may kasama ba ang lalaking 'yun o wala"






Tumango ito at bahagyang ngumiti "Ako nga pala si Bea..." Nagaalangang sabi nito.





"Ako naman si kirsten.." Nakangiting pagpapakilala ko.






"Nice meeting you kirsten....salamat ulit." Sincere na sabi nito.








Tumango nalang ako saka ko sya inalalayang makaalis sa lugar na 'yon. Mabuti nalang at pinakinggan ko ang pandinig ko kanina dahil kung hindi marahil ay napatay na ito ng halimaw na 'yon.







NAGHIWALAY kami ng daan dahil sa magkaibang direksyon ng lugar na pupuntahan namin. Sya sa kaliwa patungong clinic, Ako naman ay sa kanan kung na saan ang detention room.







"Bakit ngayun ka lang? Kanina pa tumawag ang prof. Mo ah!" Sita agad sakin ng taong nagaasist sa mga studyanteng napaparusahan.









"Naligaw po kasi ako...pasensya na" Pagsisinungaling ko.









Napairap naman ito "Nagpapalusot ka pa! Osya sige! Pumasok kana at baka ako pa ang mapagalitan" Inis na sabi nito.







Nginitian ko muna ito bago pumasok sa loob. Hay...bakit kaya ang susungit ng mga nilalang dito.








Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng detention room. Napanguso naman ako nang mapagtanto kong ako lang ang nandito sa loob. Wala man lang akong makausap dito, paniguradong mapapanis ang laway ko nito.








*****

Vote and comment po para sipagin akong mag-update :))

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now