VAMPIRE 13

3K 105 3
                                    

"Kirsten....."

Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko na naman ang munting tinig na 'yon saaking isipan. Ilang araw na rin ako nitong sinusunduan, kahit nasan ako ay nandun din sya. Parati ko itong nararamdaman na nasa paligid ko lang ngunit hindi ko matunton ang kanyang kinaroroonan.

Inilibot ko ang buong paningin ko sa kabuuan ng aking silid. Impossibleng makapasok ito rito.

Dumako naman ang tingin ko sa kinahihigaan ni dark at muntik nang sumabog ang puso ko sa tuwa ng makita ko itong kumilos.

"Dark!" Gumagalaw ang ulo nito at tila nanaginip ng masama base sa lakas ng ungol nito.

"Kasalanan ko...kasalanan ko ang lahat....patawarin mo ako...." Paulit ulit nyang sinasabi.

Kumunuot ang noo ko. Anung klaseng panaginip ang meron sya ngayun?

"Dark gising." Niyugyog ko ang balikat nya at pilit syang ginigising. Sana sa pagkakataong ito ay magkamalay na sya.

"Dark..." halos pabulong ko nang sabi nang kumalma na ito at unti unti nang nagmulat ng mga mata.

"Kirsten," Usal nito ng makita ako.

Napangiti ako at sa sobrang tuwa ko ay diko na napigilan ang sarili kong yakapin sya. Sobra ko sya namiss. Gusto kong maiyak na ewan, akala ko ay matatagalan pa ang paggising nya. Sobra akong nag alala sakanya.

"Salamat sa diyos at nagising ka na dark..." bulong ko habang nakayakap rito ng mahigpit.

"Kirsten..." Nasa himig nito ang pagtataka. Marahil ay di nya alam kung paano sya nakapunta rito.

"Sobra sobra akong nag alala sayo dark." Parang batang sabi ko.

Hindi na ito kumibo pero naramdaman kong gumanti na rin ito ng yakap saakin. Mas mahigpit pa nga ang yakap nya kesa sakin.

"Wag ka nang mawawala ulit dark," bulong ko rito.

IKINWENTO ko lahat ng nangyari sa kanya. Mula sa paglabas ko nang veranda at makita syang hinang hina hanggang sa ngayung gumising na sya.

Nung una ay hindi pa sya makapaniwala. Kahit naman ako ay nagtataka rin. Bakit sya saakin pumunta at hindi sa palasyo? Naguguluhan din ako sa mga nangyari pero mas pinili ko nalang ang manahimik.

"Anu bang nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang nawala dark?" Diko mapigilang tanong rito.

Magkatabi kaming nakaupo sa kama ko. Magkahawak ang kamay at parehong nakikinig sa sinasabi ng bawat isa.

"Wag mo nang alamin ang bagay na 'yun kirsten," Malamig nyang sagot.

Napabuntong hininga na lamang ako "Naguguluhan ako dark," Tiningnan ko ito na matamang nakatingin sa pinagsiklop naming mga kamay "Noong huli nating pagkikita ay di mo nilinaw saakin ang lahat." Tumingin na rin ako sa kamay naming dalawa "Totoo bang--" diko na natapos ang sasabihin ko. Wala akong lakas na loob para pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Siguro nga nagkamali lang sya. Siguro nga dapat ko na iyong kalimutan, pero paano ko yun makakalimutan kung nararamdamam ko ang sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko.

"May mga bagay na dapat na muna nating ibaon sa limot kirsten," Bumalik ang tingin ko rito ng bitawan na nya ang kamay ko at dali daling tumayo.

Anu ang ibig nyang sabihin? Anu ang mga bagay na dapat munang ibaon sa limot? Kasama ba roon ang naging pag uusap namin noong huling araw na pagkikita namin bago sya nawala? Sa isiping 'yun ay diko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Gusto kong isigaw paulit ulit na mahal ko sya pero paano ko yun magagawa kung sya na mismo ang umiiwas.

"Tahan na," Lumuhod ito sa harapan ko para makapantay ako.

Umiwas ako nang tangkain nyang punasan ang mga luha sa pisngi ko "Wag dark...." Baka lalo lang akong mahirapan.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito saka muling tumayo "Marami akong gustong sabihin at linawin sayo. Ngunit, natatakot ako." Yumuko lang ako at hinintay ang susunod nya pang sasabihin "Natatakot ako na baka kamuhian mo ako kapag may mga malalaman ka pa."

KAKASIKAT palang ng araw ay mulat na mulat na ang mga mata ko. Mula kasi ng umalis si dark kagabi ay dina ako nakatulog muli. Hindi mawaglit sa isipan ko ang mga sinabi nya. Pakiramdam ko ay may isang bagay na humuhukay sa kailalim laliman ng utak ko.

Lumabas ako nang bahay at mag isang tinahak ang daan patungo sa parke na ilang kilometro lang ang layo mula sa bahay namin. Matagal ko nang gustong puntahan ang parkeng 'yun ngunit pinipigilan lang ako nila mama at kuya, lubha raw kasing delikado para saakin. Mabuti nalang at mukhang tulog pa ang mga 'yun pag alis ko.

Napangiti ako nang makarating na 'ko saaking destinasyon. Mula nang matuklasan kong may dugo akong bampira ay di na ako muling nakatapak sa ganitong lugar. Ngayun lang.

Umupo ako sa isang upuang kahoy at pinagmasdan ang mga batang naglalaro di kalayuan sa kinaroroonan ko. They look happy and contented. Mabuti pa sila, mararanasan nila ang mabuhay bilang tao. Yun kasi ang bagay na pinagkait saakin.

Bumuntong hininga ako. Gusto ko pa nga bang maging tao? Mula kasi nang makilala ko si dark ay nakalimutan ko na ang hangarin kong 'yun.

Napatigil ako sa pag iisip nang mapako ang tingin ko sa isang batang lalaki. Hindi ako maaaring magkamali. Nakita ko kung paano naging kulay pula ang mga mata niya. Wala man lang kamalay malay ang mga batang kalaro nya sa unti unting pagbabago ng anyo ng bata.

Napatayo ako at pinalibot ang tingin sa paligid. Nararamdaman ko na naman ang taong 'yun na parating nagmamasid saakin pero sa ngayun ay inignora ko muna 'yun. Kailangan kong lapitan ang bata.

Pasimple akong naglakad palapit sa kumpulan ng mga batang 'yun. Medyo marami ang taong nandito pero di man lang nila napapansin ang batang 'yun. Nasan ba ang bantay ng mga batang 'to?

Binilisan ko pa ang paglalakad ko. Nang malapit na ako sa kinaroroonan nang batang 'yun ay bigla akong napahinto nang may nauna nang lumapit dito. Nagulat ako nang mamukhaan ko kung sino 'yun.

"Carl!!" Kumunot ang noo ko nang kunin nito ang bata at pilit pinakalma. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ng bumigkas ito ng isang dasal dahilan para mawalan ng malay ang bata. Isang witch.

"Pasensya na." Paghingi nito ng tawad sa mga magulang na kasama ng bata.

"Ayos lang rina," sagot ng isang nanay saka na nito hinila palayo ang anak. Sumunod naman ang iba na may pansimpatyang tingin na nakatingin sa batang natutulog sa mga bisig ni rina.

Nanatili lang akong nakamasid kay rina. Halata sa mukha nito ang sobrang pag aalala. Pero, Naguguluhan ako. Hindi ko alam na isa siyang mangkukulam.

Paano nangyari 'yun? Sinabi na saakin ni kuya noon na wala nang natitirang lahi ng mga mangkukulam dahil naubos na lahat ng ito sa dumaang digmaan. May nakaligtas ba na hindi sinabi saakin ni kuya?

Naguguluhan man ay nagawa ko pa ring lapitan si rina na hindi man lang ako napansin dahil napako lang sa bata ang buong atensyon nya.



******
Hi everyone!

Sorry kung sobrang bagal kong mag update. Sobrang busy kasi sa school eh. Sana magustuhan nyo itong update ko ngayun. Thanks for reading guys. Mwa :*

Dream_Secretly :)
MAHAL KO KAYO!

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now