VAMPIRE 26

1.8K 45 6
                                    

RINA POV

NAWALA ang ngiti sa mga labi ko nang maabutan ko siyang nakahiga sa malambot naming sofa, Nakatutok ang mga mata niya sa telebisyon habang umiiyak. Hagulgol na ang ginagawa niya kaya pati ang inosenteng batang nakahawak sa kamay ko ay di mapigilan ang hindi lumapit sa kanya.

"Mommy...." Ani ni carlo saka siya niyakap.

Natahimik naman siya saka sinuklian ang yakap nang anak. Sa nakikita ko ay mukhang hindi naging maganda ang naging lakad niya. "Why are you crying mommy?" Tumingala si carlo sa kanya habang nakakunot ang noo.

Umiling lang siya saka ako tinapunan ng tingin, "Wala lang baby. Nakakaiyak kasi ang palabas ngayon?" Sagot niya sa bata saka hinaplos ang buhok nito.

Lalo namang kumunot ang noo ni carlo. Maski ako ay napakunot noo na rin. Di niya ba naisip na matalino ang anak niya? Bakit ba hindi ito magaling sa pagdadahilan? Napapailing nalang ako saka inilayo si carlo sa kanya.

"Puntahan mo na muna si lola sa kwarto niya carlo." Nakangiting sabi ko sa bata.

Tumango naman ito saka kami ginawaran ng halik sa pisngi bago tumakbo papunta sa kwarto ni mama.

Binalingan ko ulit siya ng tingin na nakaupo na ngayon at tulala. "Anong nangyari?" Pukaw ko sa atensiyon niya.

Narinig ko ang plastic niyang tawa kaya nasapak ko siya. Ang tanga eh. Mukhang balak pa akong gaguhin. "Wag mong idadahilan sa 'kin na nakakaiyak iyang pinapanuod mo, dahil sa pagkakaalam ko ay comedy si mr. Bean hindi drama!" Nakaka-high blood talaga ang isang ito. "Atsaka pwede ba ate minsan gumamit ka ng excuse na kapani-paniwala kay carlo. Nakaka-tanga 'yang mga dahilan mo sa totoo lang."

Napasimangot siya saka muling nangilid ang mga luha sa magkabila niyang mga mata. Napahagulgol ulit ito. Walanghiya! Baka ako pa masisisi sa pag iyak nito. "A-Ang sakit talaga r-rina..." Iyak nito.

Napakamot ako nang batok. "Ang tanga mo kasi eh. Bat mo pa kasi pinuntahan? Edi ikaw ang umiiyak ngayon!" Sermon ko sa kanya.

Lalo namang lumakas ang hagulgol niya kaya napangiwi na ako. "Lintek! Tumahimik ka nga diyan. Nakakahiya ka, tumutulo pa sipon mo."

"B-Bakit ba imbes na pagaanin mo ang loob ko, lalong bumibigat ang dibdib ko?" Inis na baling nito sa 'kin.

"Aba! Bat ka nagagalit sa 'kin? Kasalanan ko ba kung gag* iyang napangasawa mo? Iniwan ka na nga, nagbigay pa nang memorya." Tukoy ko kay carlo.

Natahimik naman ito. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya saka ako tinignan ng seryoso. "G-Gusto ko lang humingi nang tulong sa kanya rina. Kailangan siya ni carlo, at Kailangang malaman ni keiji ang tungkol sa anak namin."

Bumuntong hininga ako, "Ate, iniwan ka na niya at pinagtabuyan. Gusto mo pa bang ipamukha niya sa 'yo na hindi ka na niya mahal para lang tumigil ka?" God! Ganito ba 'yong feeling ng nagbibigay ng advice? Parang gusto kong sakalin si kuya keiji. Kung alam ko lang talaga'ng si kuya keiji ang sinasabi ni ate na nang iwan sa kaniya ay baka sinakal ko na 'yon sa harapan ni kirsten noong nagkita kami. Walanghiya! Na-admire pa naman ako sa ka-pogi-an nun! Nagsisi tuloy ako! Leche.

"Iniisip ko lang ang anak namin rina." Giit nito.

"Ate, kung ayaw niya tayong tulungan mas mabuti pa kung kay kirsten nalang tayo humingi ng tulong." Alam kong matutulungan kami ni kirsten. Gusto ko nang tumigil sa pagtatago namin, We deserve to be free.

"Matutulungan ba tayo ng babaeng 'yun?"

Napangiti ako. "May isang salita ang babaeng iyon ate."

KIRSTEN POV

NAKA-AYOS na ako at handa nang pumunta sa taong magsasabi sa akin sa propesiya nang biglang pumasok si mama at auntie janice sa aking kwarto.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now