EPILOGUE

1.9K 44 0
                                    

Dream_Secretly: Nagpapa-salamat po ako sa mga nakaabot rito at mahahaba ang pasensiya. Ikinagagalak ko pong makita na may mga napamahal na sa aking storya.

Kung may mga tanong po kayo, i-comment niyo lang po rito 😃 maraming salamat po ulit! God bless 😇

"Nagawa mo ito dahil sa galit?!" Sigaw niya.

Napapikit ako at umiling. May mas malalim pa akong dahilan. Sa lahat naman ng aking desisyon ay may mga malalalim na dahilan. At lahat ng dahilan ko ay para lamang sa ikabubuti ng lahat.

"Hindi na ako galit," Malungkot akong ngumiti dahilan para tumigil siya sa pagwawala. "Kaibigan mo na ako ulit." Tinitigan ko siya. Nangilid ang mga luha ko at naninikip ang dibdib, naalala ko ang mga panahong naging mabuti siya sa akin.

"Kaibigan mo na ako ulit? Pero bakit mo ito ginagawa sa 'kin?! Ipinapatapon mo ako!" Sigaw niya.

Napailing ako. "Hindi kita ipinapatapon! Ginagawa ko lang ang makakabuti sa iyo!" Humagulgol ako. "Totoong kaibigan ka jiro. Sa kabila ng lahat ng nangyari, alam kong totoong kaibigan kita." Umupo ako para makapantay ang mukha niya. "Nangako siya. Nangako siya na tutulungan ka niya. Hindi mo na kailangang makulong rito. Magiging malaya ka sa puder niya." Paliwanag ko.

Napatitig siya sa akin. "Paano kung hindi ako sumama sa kaniya?" Malungkot niyang tanong.

Bumagsak ang balikat ko at napayuko na lamang. Mahirap din naman ito sa akin. Hindi rin naging maganda ang naging usapan namin noong huli kaming mag-usap. Muntik ko pa siyang mapatay dahil lamang sa maling paniniwala. Pinagsisisihan ko ang araw na iyon, kung sana may alam na ako nang mangyari baka hindi ko na siya nasaktan.

"Maraming mamamatay."

Gulat akong napatingin sa likuran nang marinig ko ang pamilyar na boses. Umawang ang labi ko nang muli ko siyang makita sa aking harapan.

"Prinsesa...." Bahagya akong yumukod bilang paggalang.

"Natutuwa akong marunong kang tumupad sa usapan kirsten..." Sabi niya.

Lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo. "Isa ka na ring prinsesa ngayon. Nararapat lamang na sabay tayong yumukod sa isa't isa." Sabi niya pa.

Tumango ako at tumitig sa maamo niyang mukha. "Kukunin mo na ba siya?" Malungkot kong tanong.

Hinaplos niya ang aking buhok at ngumiti. "Oo, ngunit nais ko munang ipabatid sa kaniya ang mga bagay bagay na kailangan niyang pagtuunan ng pansin." Ngumisi siya at naglakad palapit kay jiro, na ngayon ay kunot noong nakatitig sa kaniya habang pilit nagpupumiglas sa mga kadena.

"Anong kailangan mo sa akin?!" Singhal ni jiro.

"May malaking responsibilidad ang nakapatong sa balikat mo. Marahil ay hindi mo pa ito alam ngunit hayaan mong ipaalam ko sa iyo ang iyong tadhana." Sabi ng prinsesa.

"Ano bang sinasabi mo!" Inis na wika ni jiro. Nagliliyab na rin ang mga mata niya sa galit.

"Sumama ka sa akin at nang maintindihan mo ang lahat." Seryosong wika ng prinsesa.

Matalim naman siyang tiningnan ni jiro. "Paano kung ayaw ko?" Matapang niyang tanong dahilan para mapasinghap ako.

Ngumisi lamang ang prinsesa aa paghahamon niya. "Maraming mamamatay." Kinilabutan ako sa kaseryosohan ng boses niya. "Kasama na roon ang iyong kaibigan...." Halos pabulong niyang wika.

Nag-aalala namang napatingin sa akin si jiro. Malungkot lang akong ngumiti at yumuko. Sumama kana jiro. Nakikiusap ako, maging malaya kana.

"NAKA-ALIS na sila...." Sabi ko habang nakatanaw sa dragong lumilipad papalayo sa amin. Sumama na nang tuluyan si jiro, at lubos akong natutuwa sa desisyon niya. Kapag kasi hindi siya umalis ay maaari siyang patawan ng parusang kamatayan.

Sa mga nangyari at nagawa niya ay lalo lang nagalit ang mga bampira sa kaniya. Lalo siyang hindi matatanggap rito kaya mas mabuti nang lumayo na lamang siya.

"Tingin mo tama ang desisyon ko?" Tanong ko sa kaniya.

Hinarap niya ako sa kaniya at masuyong hinagkan sa noo. Napapikit ako dahil doon. "Walang mali sa desisyon mo, mahal ko..." Sabi niya na ikinangiti ko.

"Salamat sa lahat dark." Sabi ko.

"Kahit kailan ay bukal sa puso ko ang ibigin ka, mahal ko. Kahit noong magkalayo tayong dalawa, minamahal pa rin kita." Sabi niya na lalong nagpalambot sa puso ko.

Tiningala ko siya. Alam ko naman kung gaano kalakas ng pagmamahal niya sa akin. Napatunayan niya iyon, noong parati siyang nasa likod ko kahit hindi ko siya maalala. "Naalala ko noong prom namin sa highschool," Tinitigan ko siya. "Nandon ka, hindi ba? Pinapanuod mo ako at binabantayan." Ngumisi ako nang bigla siyang mag-iwas ng tingin. Guilty siya. "Naalala ko pa na may lalaking naka-maskara doon na nananakot sa mga gustong magsayaw sa akin. Ikaw iyon 'di ba?" Hindi ko lang masyadong napagtuunan iyon ng pansin noon dahil sa mga kaibigan ko, pero pansin ko talaga iyong hinaharang niya ang mga nagtatangkang lapitan ako.

Ang ending tuloy, wala nang nagsayaw sa akin. And it's really boring!

"S-Sorry..." Lalong namutla ang maputla niya nang mukha. Hindi na rin siya makatingin sa akin.

"Bakit mo ba kasi iyon ginawa? At paano ka nakatakas rito? Huh? Mahal na prinsepe?" Ngisi ko.

Lalo namang naglumikot ang mga mata niya. Natawa ako. "Nahihiya ka ba sa ginawa mo?" Tukso ko sa kaniya.

Napayuko naman siya at bahagyang tumango. "A-Ayoko lang namang may humawak sa 'yong iba..." sabi niya.

Napanguso ako. Inabot ko ang pisngi niya at marahan siyang pinaharap sa akin. "Ayoko rin namang may humawak sa aking iba bukod sa'yo." Sabi ko. Pumikit ako at inabot ang nakaawang niyang mga labi. "Mahal na mahal kita dark cane..." Bulong ko sa kaniya.

Napangiti naman siya at mas lalo akong hinapit palapit sa kaniya. Sinunggaban niya ang mga labi ko at hinalikan ako na para bang uhaw uhaw siya sa pakiramdam ng mga labi ko. Ipinulupot ko na lamang ang aking mga braso sa leeg niya. Wala na akong mahihiling pa. Si dark lang sapat na.

"ANG kapayapaan ay tuluyan na nating makakamtan!" Anunsiyo ng hari sa lahat.

Napangiti ako ng magsihiyawan ang lahat. Napatingin ako kay dark na nakaupo sa aking tabi. Hindi talaga siya pumayag na hindi ako maupo sa tabi niya bilang kaniyang prinsesa. Hindi na niya maantay ang darating naming kasal.

"Kapayapaan mahal ko." Sabi niya.

Tumango ako at masayang tumango. "Kapayapaan para sa ating lahat..." Inabot ko ang kamay niya atsaka ito mahigpit na hinawakan. Ang maupo sa kaniyang tabi bilang kaniyang prinsesa ay lubos nang nagpapaligaya sa akin.

Sabay naming pinagmasdan ang mga dumalo sa pagpupulong. Bakas sa mga mukha nila ang kagalakan at kasiyahan sa katahimikang nagsisimula nang bumalot sa buong kaharian. Ito lang naman ang gusto nila, ang mabuhay ng tahimik at payapa kasama ang mga mahal nila sa buhay. Iyon rin ang gusto namin kaya kami lumaban para sa kapayapaan.

Bumaling ako kay darwin at rina na may sariling mundo na naman sa gilid. Natutuwa akong maayos na sila at bumalik sa tamang pag-iisip si darwin. Balak ko na sana siyang komprontahin para kausapin tungkol sa kanilang dalawa ni rina kaya lang ay nakita ko nalang na ayos na sila ni rina. Napapangiti nalang ako.

Lumingon naman ako kay kuya at ate rhian na kapwa abala sa anak. Masaya na silang pareho at nawala na rin ang takot na nararamdaman nila. Kampante na sila pareho na wala nang makapag-hihiwalay sa kanila. Masaya rin akong makita na pareho silang nakabantay kay carlo na siyang napili ng banal na aklat.

Sinulyapan ko naman si papa at mama na kapwa magkatabi at bakas sa mukha ang tuwa. Bumabawi rin kasi sila sa mga sandaling nawala'y sila sa isa't isa. Masaya akong buo na muli ang aking pamilya. Masaya akong masaya si mama at kasama namin si papa.

Noon, iniisip ko kung paano nangyaring nanatiling tao si mama. Hindi ko rin noon mawari kung paano niya nakakayang magdala ng mga bampirang sanggol sa sinapupunan niya. Ngayong araw ko lamang nalaman ang mga kasagutan sa lahat, dahil isa siyang espesyal na babae na minsan nang tinukoy ng banal na libro. Isinilang siya bilang tao para kay papa at mananatiling tao hanggang sa lagutan siya ng hininga. Ang mama ko ay nilalang upang makasama ni papa sa pagbuo ng bagong lahi ng mga bampira.

At ako.......isinilang para sa prinsepe ng mga bampira. Ang aking dark cane.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯On viuen les histories. Descobreix ara