VAMPIRE 06

3.7K 178 11
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring 'yun sa room ay agad na pinauwi lahat ng studyante. Hindi daw kasi pwedeng kumalat ang isyung 'yun dahil mas lalo lang daw lalala ang lahat. Hanggang ngayun ay di pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Ilang beses na 'kong nakakita ng ganung klase ng nilalang pero diko akalain na pati dito ay makakapasok sila. Buong akala ko'y nasa proteksyon ang skwelahang 'to.






"Di nakakarelax ang pag-iisip insan."





Naputol ang pag-iisip ko nang may magsalita sa tabi ko. Ito pa ang isang bagay na diko mapani-paniwalaan. Kani-kanina lang ay pinakilala sakin ni uncle marlon si darwin na kinababaliwan ni rina bilang pinsan ko. Anak daw ito nila uncle john at auntie janice.







"Di rin nakatulong ang dimo pagpapakilala sakin ng maaga," Pagtataray ko.







Natawa sya "Syempre para suspence."







Napailing nalang ako. Maya maya pa'y nagbukas na ang pintuan ng office at iniluwa nun si uncle marlon.






"Umuwi na tayo?" Yaya nito saamin.






"How's the meeting uncle?" Seryosong tanong ni darwin.






"Tulad ng inaasahan. Maski ang council ay nagulat sa nangyari,"






Narinig ko ang pagbuntong hininga ni darwin "Paano kaya nakapasok ang mga nilalang na 'yun?"






"Hindi ko rin alam darwin." Tila hinila na ng malalim na pag-iisip si uncle tungkol sa nangyari kanina.






Maski ako ay di mapigilan ang di isipin ang nangyari kanina. Kani-kanina lang ay nasaksihan ko kung paano kumilos ng mabilis si dark. Sa sobrang bilis nya'y hindi ko na napansin kung paano nya nagawang patayin ang tatlong bampira sa isang kisapmata.






Talaga ngang may iba sa bampirang 'yun kaya pati ang puso ko'y humahanga na rin sakanya. I know I need to stop this pero diko alam kung paano! This the first time I felt this feeling......Sa bampirang 'yun pa.







BUMUNTONG HININGA muna ako bago ako tuluyang pumasok ng canteen. Tulad ng dati, Tahimik na naman at walang sinoman ang nagtatangkang gumawa ng ingay. Alam ko, Sigurado akong nandito din sya.





Hindi ko kasama si rina ngayun dahil kailangan nyang pumunta ng library. Mabuti na rin 'yun dahil gusto kong makausap si dark tungkol sa nangyari kagabi. Sana nga lang pansinin nya 'ko.



Inilibot ko ang buong paningin ko sa canteen. Mabuti nalang at konti lang ang nandito atlis konti lang din makakakita kung sakali mang mapahiya ako.





Huminto ang mga mata ko sa dati nyang pwesto. Nandun pa rin sya nakaupo at walang emosyong nakatingin sa labas ng bintana malapit sa kinaoopuan nya. Anu kayang iniisip nya sa mga oras na 'yun? Ang hirap naman kasi nyang basahin. Ni hindi ko man lang sya nakitang ngumiti.






Bumuntong hininga muna ulit ako bago ako naglakad palapit sakanya. Alam kong napapatingin sakin lahat ng nandito sa loob ng canteen. Nagtataka siguro sila kung bakit ako naglalakad papunta sa mesa ni dark.






Sana lang talaga pansinin nya 'ko dahil kung iisnobin nya lang ako tiyak na mapapahiya ako sa lahat ng nandito.






Huminto ako sa harapan nya. Ilang beses na rin akong lumunok para malabanan ang kaba ko. Kaya ko 'to! I need to talk to him.






Tumikhim ako para kunin ang atensyon nya pero laking dismaya ko ng di man lang nya 'ko tinapunan ng tingin.





Napanguso ako. Mukhang mahihirapan ako sa masungit na 'to. Damn! Bat ba ang pogi nya pa rin sa paningin ko. Napailing ako sa naisip.







I sighed "Please talk to me. Pag-usapan naman natin lahat ng nangyari kagabi.....dark," Pagsusumamo ko.






"Forget it." Malamig na saad nito ng di manlang ako sinusulyapan.






Pangit ba 'ko para di nya tingnan! Totoo nga ang sinabi ni rina, nakakasakit ito ng damdamin kahit wala man syang ginagawa.






"Why are you like that?! Why are you so cold and heartless! Gusto lang naman kitang makausap tungkol sa nangyari kagabi."







Nakita ko ang ibang emosyon sa mga mata nya nang titigan nya 'ko kagabi. Nakita ko ang pag aalala at takot dun. Naalala ko rin kung paano nya 'ko pinakalma kagabi at sigurado akong alam na nya kung sino talaga ako.





"I-I just want to thank you for c-calming me down...." Halos pabulong kong sabi dahilan para bumaling na ito ng tingin sakin.






Natitigan ko naman ang mga mata nya. Naramdaman ko na naman kung gaano kalalim ang mga titig nya. I felt my heart beat fast....Hindi na naman normal ang tibok ng puso ko. Am I inlove already?







"Why?" Tila nahihirapan nitong sabi.






Kumunot ang noo ko pero agad din namang nawala 'yun nang mapansin ko ang paghihirap sa mga mata nya. Kumabog na naman ng mabilis ang puso. Maswerte ba 'ko dahil nakikita ko ang iba't ibang emosyon sa mga mata nya.





"Look dark....Hindi ko gustong umupo rito at magsumamo na sana kausapin mo 'ko. Ito ang gusto ng puso ko--"





"Why? Why are doing this to me?!"





Napaigtad ako ng tumaas ang boses nya. Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga bampira't tao na kanina pa nakikinig samin. Akala siguro nila'y galit na si dark pero ako, Iba ang nakikita ko. Nakikita kong may gusto syang sabihin sakin at 'yun ang nagpapahirap sakanya.






Napatayo rin ako ng tumayo sya at walang sabi sabing tumalikod at mabilis na lumabas ng canteen.






Ilang beses akong natulala at nanatiling nakatayo dun hanggang sa matauhan na 'ko at walang sabi sabing sumunod sakanya. I need to talk to him. I felt the need to be with him.







Dinala ako ng mga paa ko sa isang gubat. Ito yung lugar kung san ko narinig ang sigaw ni bea at dito rin ako nakapatay ng halimaw.







Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan maraming iba't ibang bulaklak. Namangha ako sa paligid. May ganito palang lugar dito. Parang isang paraiso.








Napangiti ako nang may mga paro-parong lumipad patungo sakin. Buti pa ang mga ito malaya at walang pinoproblema.







Nawala lang ang ngiti ko nang aksidenteng dumako ang tingin ko sa parte ng lugar kung saan may isang punong nakatanim.








Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko nang makita ko sya. He was crying for pete's sake! Nakayakap sya sa dalawang tuhod habang nakapatong doon ang ulo nya.






I feel his hurt. Naramdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko. Seeing him in that state...is f*cking torture.






Nasasaktan ako dahil nasasaktan sya. Umiiyak ako dahil umiiyak sya.Malungkot ako dahil malungkot sya. Nararamdaman ko ang paghihirap ng puso nya.Walang duda mahal ko na sya.







Hindi ko na namalayang nasa harapan na naman pala nya 'ko. I looked at him with my eyes full of tears. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko syang umiiyak ngayun.






Naramdaman ko ang panlalambot ng dalawang tuhod ko nang mag-angat ito ng tingin. His eyes are full of emotion and tears. Ni sa hinuha hindi ko naimagine na may ganito syang side.








"I'm f*cking tired of this sh*t kirsten! I'm tired of watching and loving you from afar!"



KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now