VAMPIRE 23

2.1K 68 13
                                    

DARWIN POV

"Bakit mukhang hindi ka naman masaya? Makakasama mo na siya. Hindi ba 'yun naman ang gusto mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Paano ako magiging masaya kung alam kong masasaktan ko rin siya? Malalaman niya na lahat nang ginawa ko darwin at kapag nangyari 'yun, possibleng kamuhian niya ako."

Lumapit ako sa kinatatayuan niya saka rin tumingala sa mga bituin. Nandito kami ngayon sa terrace nang kwarto niya, Dito agad ako dumiretso pagkatapos nang pag uusap namin ni kuya keiji.

"Akala ko ba handa kana sa magiging reaksiyon niya?" Tanong ko nang hindi na siya sinusulyapan.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya "Akala ko rin darwin...."

Mapakla akong natawa "You waited for this dark. Ang tagal mong nagtiis na mag-isa para maghanda sa muling pagbabalik niya. Wag mo namang hayaang mawala pa siya sayo, Lalo na ngayon."

"Wala naman akong balak na hayaang mawala ulit siya sa 'kin. Ang kinatatakot ko lang ay baka siya pa mismo ang magtaboy sa akin palayo."

Tumuwid ako nang tayo saka ko siya muling tinignan "Hindi niya 'yun gagawin dark. Kilala natin siya, alam kong maiintindihan niya rin ang lahat."

Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya nang tingnan niya ako. Pati ang pamilyar na lungkot sa mga mata niya ay nakita ko na naman. Bata pa lang kami, Hindi na kami lumalayo sa isa't isa. Kilalang kilala na niya ako at ganun din ako sa kanya. Alam na alam ko kapag nalulungkot siya at nasasaktan, Tulad nalang ngayon. "Sana nga darwin...." Bumuntong hininga ulit siya "Sana nga....."

Hindi na ako kumibo. Alam kong hindi makaka-tulong kung magsasalita pa ako, Sa sitwasyon ngayon ni dark ay isa lang ang iniisip niya at 'yun ay si.....Kirsten.

KEIJI POV

"Masaya akong makita kang muli keiji." Nakangiting sabi ni Reyna Elena, ang ina ni dark.

Nanatili lang na blangko ang mga mata ko. Ayokong pahabain pa ang usapang ito. Hindi pa ako handang buksan muli ang usapin nang nakaraan at alam kong kapag nagtagal pa ako rito ay baka mangyari nga 'yon.

"Isa lang naman ang gusto kong mangyari kamahalan," Seryosong sabi ko nang hindi pina-pansin ang kabutihang pina-pakita nang reyna. "Sana ay pagbigyan ninyo ako." Bumaling ako sa hari'ng Eron na tahimik lang akong pinagmamasdan "Hindi na ako maghahangad pa nang iba kamahalan. Ang tanging nais ko lang ay ang masigurado ang kaligtasan nang buong pamilya ko."

Tumahimik ang buong silid pagkatapos kong magsalita. Buong tapang ko namang sinalubong ang seryosong mga mata nang hari. Samantalang, Iniiwas ko naman ang buong atensyon ko sa reyna. Ramdam ko ang kalungkutan nito at ayoko 'yun. Naging ina din ito sa akin noon kaya't kahit papano ay mahalaga pa rin sa 'kin ang nararamdaman nito.

Binasag nang hari ang katahimikan "Inaasahan na namin 'yang hihilingin mo keiji. Alam naming nasa panganib ang buhay nang buong pamilya mo." Seryosong sabi nito saka masuyong tiningnan ang asawa sa kanyang tabi "At kung hihilingin mo naman ang kaligtasan nila ay maaari kong siguraduhin 'yun sayo, lalo na't iyon rin ang gusto nang mahal ko." Ngumiti muna ito sa asawa bago muling ibinalik sa 'kin ang seryosong mga mata nito. "Maaari ka rin naming tulungan."

"Gusto kong makita ulit si kirsten." Bumaling ang atensyon ko sa reyna nang marinig ko ang masiglang boses nito. Nag-ni-ningning ang mga mata nito at nababakas doon ang labis na kasiyahan.

Napa-buntong hininga ako "Makikita niyo rin siya kamahalan." Bumaling muli ako sa hari "Sila lang ang nais kong tulungan ninyo. Ako na ang bahala sa sarili ko." Kaya ko namang mag-isa. Ayokong umasa sa kanila, baka lalo lang lumala ang lahat.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon