CHAPTER 38

1.3K 37 1
                                    

AU: @LastRoyalBlood thank you sa'yo at sa mga kaklase mo. Na-touch ako sa message mo 😂 Enjoy reading!

NAGISING ako sa maliwanag na silid. Wala akong makitang ni isang gamit o tao, basta maliwanag lang at puro puti ang mga nakikita ko.

Napalunok ako at napahawak sa sarili. Sinubukan kong tumayo at maglakad lakad. Impossibleng walang pinto dito palabas. Makakalabas ako.

"Kirsten...." Napatigil ako at napasinghal sa isang malamyos at mala-anghel na boses. Hinanap ko kung saan iyon nanggaling pero talagang wala akong makita.

"S-Sino ka?!" Matapang kong tanong. Patuloy siyang hinahanap ng aking mga mata.

"Ako ang nagdala sa'yo rito." Malumanay niyang wika.

"Bakit hindi ka magpakita sa'kin?!" Singhal ko. "Magpakita ka! Sabihin mo kung ano ang kailangan mo!"

Nasan ba ako? At bakit wala akong makitang maliban sa kulay puti na paligid.

Anong ginagawa ko dito? Anong kailangan niya sa'kin?

"Ako si sierrafina kirsten. Kailangan mo ang tulong ko at kailangan ko rin ang tulong mo." Sabi niya pa. "Kailangan natin ang isa't isa kirsten...."

"Kung ganon? Bakit hindi ka magpakita sa'kin?" Tanong ko. Luminga linga akong muli sa paligid ko. "Harapin mo ako upang magkaintindihan tayong dalawa...." sabi ko pa.

Hindi ito sumagot. Akala ko ay wala na siya pero laking gulat ko nang may mga paro-parong nagsiriparan sa harapan ko. Namangha ako. Lalo pa akong namangha ng  makita ko ang isang napakagandang dalaga na humahakbang palapit sa'kin.

Ngumiti ito samantalang laglag naman ang panga ko habang tinititigan siyang mabuti. Hindi sapat ang salitang 'napakaganda niya' sa taglay niyang kagandahan.

She's a goddess.....

"Ikinagagalak kitang makilala kirsten," Hinawakan nito ang maganda at mahabang saya bago yumukod. "Ako si sierrafina, ang prinsesa ng buong elemental world." Pagpapakilala niya.

Umawang ang labi ko. I can't digest everything....it was in shock! Bakit ako dinala ng isang prinsesa rito? At anong kailangan niya sa'kin?

"Taglay ko ang apat na elemento. The water," nilahad niya ang palad at mula roon ay may lumitaw na tubig na nasa anyong bola. "The fire," Napalitan naman ng apoy ang bolang tubig kanina. "The earth," Nagulat ako ng bahagyang lumindol kasabay ng paglitaw ng isang  bolang gawa sa buhangin! Is tis really possible? "And the air." Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malakas na hangin.

"Ano bang kailangan mo sa'kin? Ikaw ba ang dahilan kung bakit ako nakaramdam init sa buong katawan?" Tanong ko nang muling bumalik sa normal na kulay puti ang buong paligid.

"Kailangan ko ang tulong mo." Huminga siya ng malalim atsaka lalong lumapit sa'kin. "Ako ang may gawa noon at ako rin ang dahilan kung bakit ka nawalan ng malay. 'Yon lang kasi ang naiisip kong paraan upang makausap ka." Sabi niya.

"Kung ano mang klase ng tulong ang kailangan mo sa'kin ay hindi ko maibibigay sa'yo." Malungkot akong umiling. "Marami akong problemang kailangang harapin ngayon at hindi ako pwedeng magtagal rito."

Inabot niya ang kamay ko atsaka ito hinawakan. "Maliit na tulong lang naman ang kailangan ko kirsten." Ngumiti siya. "Kung tutulungan mo ako, pangako, tutulungan din kita. Marami akong kayang gawin kirsten, kahit ang sumpa sa inyong magkapatid ay kaya kong alisin basta't tulungan mo lang ako." Seryosong aniya.

Nakuha ng huli niyang sinabi ang atensiyon ko. "K-Kaya mong bawiin ang sumpang ginawa ni dark sa'min? M-Magagawa mo iyon?" Naguguluhan kong tanong. Ang alam ko ay si dark lamang ang makakapagtanggal non?

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now