VAMPIRE 27

1.7K 45 1
                                    

WALA siyang kahit anong expression sa mga mata kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa mga oras na ito. Nang magising ako pagkatapos kong mawalan nang malay ay siya lang ang tanging nabungaran ko. Dalawa lang kaming nasa kwarto ko at kanina pa kami tahimik.

Huminga ako nang malalim atsaka nakipaglaban ng titigan sa kaniya. Kung hindi ako magsa-salita ay walang mangyayari, baka manatili lang kaming tahimik rito at nagpapakiramdaman.

"Gusto kong bumalik ang mga nawala kong alaala dark."

Nakita ko ang pagpula ng mga mata niya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung sa galit ba iyon O pagtutol sa gusto kong mangyari. Pansin ko rin ang pagkuyom ng mga kamao niya nang mag iwas siya nang tingin sa 'kin.

"Sino ang nagpunta rito?" Matigas at tiim bagang niyang tanong.

"You don't have to know, dark. Walang siyang kinalaman sa gusto kong mangyari." Nag-iwas ako nang tingin. Ayokong makita ang galit sa namumula niyang mga mata. Pakiramdam ko ay isang kasalanan itong gusto kong mangyari. "Magagawan mo naman ng paraan ang gusto ko diba? Matutulungan mo naman akong bumalik ang mga alaala kong nawala diba?" Halos pabulong ko nang tanong nang hindi man lang makatingin sa kaniya. Natatakot akong malaman sa mga mata niya ang sagot. Ramdam ko pa rin ang galit sa aura niya hindi ko lang alam kung saakin ba siya galit o sa gusto kong mangyari.

"Anong sinabi niya sa 'yo para magkaganyan ka? Kung meron man, nagsisinungaling lang siya kirsten." Malamig niyang aniya.

Napabuntong hininga ako. Ayaw niya bang bumalik ang mga alaala ko? May tinatago ba siya sa 'kin? Kasama ba doon si jiro? "Kung magsalita ka parang alam mo na kung sino ang nagpunta rito. Kasama rin ba siya sa mga alaalang nawala sa 'kin?"

Marahas siyang tumayo kaya kagad akong napatingin sa kaniya. Nakita ko ang matinding galit sa mga mata niya nang harapin niya ako. Ngayon ko lang nakita ganito, 'yong halos umapoy na siya sa sobrang galit. Ngunit imbes na takot ang naramdaman ko ay nakaramdam ako ng pagtataka, Bakit siya nagagalit ng ganito? May masama ba sa gusto ko?

"Stop this kirsten! Damn!Kung ano man ang sinabi niya sa 'yo ay kalimutan mo na lang! Nagsisinungaling lang siya...And please stay away from him!" Galit niyang sigaw na nagpaigtad sa 'kin.

Napakapit ako sa kumot na tumatakip sa aking mga hita. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Lalo lang akong naguguluhan sa kaniya, bakit ba siya nagkaka-ganito? "Wala nga siyang kinalaman sa gusto kong mangyari Dark! Ako ang may gustong makaalala....Gusto kong maalala ang mga alaalang nawala sa 'kin! At bakit ka ba nagagalit?! May itinatago ka pa ba sa 'kin dark?!" Nangilid ang mga luha ko nang hindi niya ako matingnan sa mata. Sa ginawa niya ay parang inaamin niya na ring totoo nga ang hinala kong may tinatago pa siya sa 'kin. Pero ano? "Akala ko ba wala nang lihiman Dark? Bakit ganito ka ngayon? Mahirap bang gawin ang gusto ko? Alaala lang iyon Dark! Alaala ko 'yon! Gusto ko lang ibalik iyon sa puso't utak ko! Pakiramdam ko kasi andami kong hindi alam! Masama bang hilingin ko sa 'yong ibalik na sa 'kin ang mga alaalang kinuha mo?" Napahikbi ako.

Kaagad na lumambot ang expression ng mukha niya nang makita akong umiiyak. Humakbang siya palapit sa 'kin at muling umupo sa gilid ng kama ko. "I'm sorry...." Kinuha niya ang kamay ko atsaka iyon hinawakan ng mahigpit. Mapait siyang ngumiti sa 'kin. Hindi na rin pula ang mga mata niya pero nababalutan na iyon ngayon ng lungkot. "Pero pwede bang hingin ko sa 'yo ang tiwala mo? Sa 'kin ka lang magtiwala at maniwala kirsten. Alam kong marami ang gumugulo sa isip mo ngayon at wala akong magagawa para maalis 'yon, ang tanging magagawa ko lang ay ang mahalin ka at iparamdam sa 'yo na mapagkakatiwalaan mo ako." Nagtitiwala naman ako sa kaniya, eh. Hindi ko lang talaga siya maintindihan ngayon. "Wag mong isipin na ayokong makaalala ka, kirsten. Hindi lang ako handang maalala mo ang lahat ngayon hanggat hindi ko pa natatama ang mga pagkakamali ko noon." Malungkot niyang aniya.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz