VAMPIRE 21

2.2K 73 5
                                    

KAREN POV

MABA-BALIW na ata ako. Ang gulo gulo na nang buhay namin. Nakaka-awa na rin ang mga anak ko dahil sa nakikita kong paghihirap nila. Hindi ko na ata kayang harapin lahat ng ito. Sana kasi nandito pa si kiro, ang asawa ko at ama nila kirsten, siguro kung nandito lang sya baka-sakaling naiwasan na namin itong mga problema.

"Karen...." Tinig ni janice.

Napatingin ako sa kanya ng tabihan ako nito ng upo sa sofa.
Nung isang araw pa sila pabalik balik rito sa bahay para subaybayan sila keiji at kirsten. Lalo na si keiji na nasa kwarto nito ngayon at nagpapahinga pagkatapos ng pagwawala kanina. Bumuntong hininga ako. Lumalala na ang kalagayan ni keiji, dapat na itong maagapan sa lalong madaling panahon. Ayokong pati sya ay kunin sa 'kin.

"Kailangan na natin ng tulong karen." Seryosong sabi nya.

Bumaba ang tingin ko. Anu bang gagawin ko? "Hindi ko alam kung handa na ba akong harapin sila." Pagkatapos ng mga nangyari, diko alam kung kaya ko na silang kausapin.

Narinig ko syang bumuntong hininga "Kailangan natin sila karen. Ngayon pa lang ay mag-isip ka na, tumatakbo ang oras." Hinawakan nito ang kamay ko "Uunahin mo pa ba 'yang galit mo kesa sa mga anak mo? Alam nating pareho kung sino ang makakatulong sa atin." Sabi pa niya.

Kaya ko na ba? Na sa tuwing naiisip ko ang mga ginawa nila at ng kanilang anak ay nakakaramdam ako ng matinding galit sa kanila.

"Pag-iisipan ko janice...."Sabi ko nalang.

Naramdaman ko ang pagtayo nito "Hihintayin ko ang magiging pasya mo," Sabi nya. Nanatili lang akong nakayuko at nag-iisip. "Sana bilisan mo lang bago mahuli ang lahat."

Bago mahuli ang lahat? Anung ibig nyang sabihin dun.

Nag-angat ako nang tingin nang makalayo na sya. Minsa hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'yun. Oo nga't bestfriend ko sya, pero sa simula't sapul ay may mga bagay na talaga akong hindi naiintindihan sa kanya.

KIRSTEN POV

NAGISING akong wala na ang mga sugat ko. Maayos na rin ang pakiramdam ko. Anu bang nangyari?

"Gising ka na pala."

Napa-igtad ako sa gulat nang may magsalita sa bandang kanan ko. Nang tingnan ko naman ito ay si uncle marlon lang pala.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito.

Nanatili lang sa kanya ang tingin ko "Ayos na ako uncle. Anu bang nangyari?" Tanong ko nang hindi ina-alis ang tingin sa kanya.

"Mabuti naman kung ganon," Sabi lang nya saka nag-iwas ng tingin.

Dahan dahan akong bumangon saka ako umupo sa gilid ng kama, paharap sa kanya. Gusto ko syang tanungin. Kailangan ko nang sagot.

"Uncle," Tawag pansin ko sa rito.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya saka ako hinarap muli na parang alam nyang magtatanong ako.

"'Yung narinig ko b-bago ako nawalan ng malay? 'Si kuya iyon diba?Anung---"

"---it was nothing." Pagputol nito sa sinasabi ko.

Napailing ako "but---"

"---I said it was nothing!" Halos pasigaw na sabi nya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

Natikom ko ang bibig ko. Ayaw nyang sabihin ang totoo. Ganito naman parati.

"I'm sorry..." Lumambot ang expression ng mukha nya nang makita nya ang gulat at sakit sa mga mata ko.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon