VAMPIRE 17

2.6K 94 12
                                    

UNEASINESS. 'Yan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko kasi'y may nakamasid sa akin.

Pasimple kong inilibot ang buong paningin ko sa bawat sulok ng classroom na inuukupa namin. Wala naman akong nakikitang kakaiba, Lahat ng mga studyanteng kasama ko ay abala sa kanya kanya nilang mundo.

Napabuntong hininga na lamang ako. Kung sino man ang nagmamasid sa akin ngayun ay nasisigurado kong malakas ito at makapangyarihan. Nararamdaman ko ang lakas ng enerhiya nito dahilan para magtaasan ang mga balahibo ko.

"Are you ok kirsten?" Napaigtad ako sa gulat nang maramdamang kong may humawak sa napakalamig kong mga kamay "You look pale."

Tiningnan ko ito "I-I'm ok,"

"Hindi ka mukhang ok kirsten," Nag-aalalang sabi nito.

Napalunok na lamang ako saka nag iwas ng tingin sa kanya "I-I'm ok," Ulit ko.

Ako lang ba ang nakakaramdam na parang sumisikip ang paligid. Parang may isang enerhiyang pumipigil sa akin na huminga.

"Kirsten...."

Muli akong napatingin kay rina. Nababakas sa mga mata nito ang labis na pag aalala sa 'kin.

Sunod sunod na paghinga ang ginawa ko. Anu ba itong nararamdaman ko? Bakit parang may kumokontrol sa paghinga ko? Sinubukan kong patatagain ang loob ko. Hindi ako pwedeng kontrolin ng kahit na sino. Malakas ako at hindi ako pangkaraniwang bampira.

"Kirsten....Anung nangyayari sayo?"

"R-Rina....." Napakapit ako sa braso nya.

Muli kong inilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Baka sakaling makita ko kung sino man ang lapastangang may gawa nito, ngunit. Nabigo ako. Wala akong napansing kakaiba.

"What happened to her?" Rinig kong tanong ng isa sa mga kasama namin ni rina sa silid. Mukhang napansin na ng mga ito ang nangyayari sakin.

Sh*t! Bakit ngayun pa kung kailan wala si kuya?! Bakit ngayun pa ito nangyari sa akin kung kailan wala kaming prof. Na maaaring gumabay sa 'kin.

"K-Kirsten dadalhin k-kita sa clinic....." Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ni rina nang alalayan ako nitong tumayo  "Kailangan natin ng tulong,"

Hindi na ako nakasagot. Si dark, gusto ko syang makita. Gusto kong nandito sya sa tabi ko.

"KAMUSTA na ang lagay mo?" Tanong ni bea nang mahimasmasan na ako.

Tipid akong ngumiti rito "Ayos na ako. Salamat sayo,"

"Walang anuman kirsten. Maliit lang na bagay 'yun kumpara sa pagligtas mo sa buhay ko."

Naalala ko nang araw na iligtas ko ito.  Mula noon ay hindi ko na ulit ito nakita. Hindi ko nga alam kong iniiwasan ako nito O sadyang nagkataon lang na wala ito sa tuwing dadalawin ko si uncle marlon rito sa clinic.

"Salamat pa rin." Ngumiti ako "Ano nga pala ang nangyari sa akin kanina?" Di ko napigilang tanong.

Bumuntong hininga ito "Pasensya na kirsten pero hindi ko alam eh. Si mar-doctor lang ang nakakaalam ng kalagayan mo. Tao lang kasi ang kaya kong gamotin." Malungkot na sabi nito.

Kumirot naman ang puso ko nang banggitin nya ang "Tao". Hay....hindi na nga siguro ako tao. Isa na akong halimaw ngayon. Nagiging bampira na rin ako na kailanman ay hindi ko pinangarap.

"Bea...." Tinitigan ko ito "Gusto kong makausap si uncle," Pakiusap ko rito.

"Kausap nya ngayun sila darwin, rina at dark." Sabi nito "Pero sige sasabihin ko nalang sakanya na gusto mo syang makausap." Nakangiting sabi nito.

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Where stories live. Discover now