Chapter 4

122K 3.6K 362
                                    

Chapter 4:

First date

PATRICIA was having a hard time. Hindi siya kahit kailan namorblema sa susuotin buong buhay niya kundi ngayon lang!

Simpleng shirt at pants lang ang pinapasuot para sa charity event. But how can she look impressive and beautiful by just wearing simple clothes? Don't get her wrong. She wears simple clothes.

But this time it's different. Magkikita sila ni Alessandro at iko-consider niya iyong first date nila!

Halos mahalungkat na ni Patricia ang buong walk-in closet niya para lang makahanap ng magandang susuotin. Ngayon lang siya nagkaganito.

She used to go on dates. Noong nasa college yata siya ang huli. Nireto lang sa kanya ng ina ang mga nakaka-date. Napilitan lang siyang siputin lahat. Hindi siya namomorblema nang ganito! Dahil kahit ano lang ang isuot niya noon ay wala siyang pakialam dahil hindi siya nagpapa-impress.

Huminga siya nang malalim at napapikit. Sandro, what are you doing to me? She's so into that guy. Na kahit mabilis ang lahat ay payag naman siya!

Hindi niya pa makuwento kay Nicola ang nangyayari dahil siguradong hindi matutuwa ang kaibigan.

"I think this will do," bulong niya sa sarili nang nakasuot na siya ng isang plain black v-neck shirt at skinny jeans. Simpleng black walking shoes ang pinansapin niya rin sa paa.

Kapag nakita kaya siya ni Sandro ay magugustuhan nito? Just thinking of him made her heart beat fast. Ano kayang mangyayari sa buong araw na iyon sa charity event? What side of Sandro is she going to see now? That can prove everyone wrong?

Nginitian niya ang repleksyon sa salamin pagkatapos niyang maglagay ng manipis na make-up. Itinali niya rin pataas ang buhok. Kinulot niya iyon sa bandang dulo para kahit paano ay may korte at buhay.

When she was satisfied with her look, lumabas na kaagad siya ng kuwarto. Madilim pa sa labas dahil alas-singko pa lang ng madaling araw. The whole mansion was quiet. Maingat ang mga naging hakbang niya at tahimik lang hanggang sa paglabas ng bahay.

Nang nasa opisina niya na siya ay hindi siya mapakali. Everything is settled already. Mula sa pagkain, damit, laruan, at perang ido-donate niya. Wala na siyang dapat ipag-alala.

Ang pagsundo na lang talaga ni Sandro sa kanya ngayon.

"Patricia, relax. There's nothing to be nervous of," kausap niya sa sarili. "Just be yourself. Have fun."

Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon. Sandro's calling!

"H-Hello?" sagot niya sa kabilang linya.

"I'm here, Patricia."

Kasasabi niya lang sa sarili na kumalma ngunit isang banggit lang nito sa pangalan niya ay nagwala na naman ang puso niya.

Napalunok siya. "O-Okay. Lalabas na ko ng opisina. S-Sandali lang."

Mabilis niyang kinuha ang shoulder bag at ang denim jacket na dala. Paglabas niya ay nandoon na sa labas at nakaparada sa tapat ang isang Lamborghini.

Habang papalapit siya ay lumabas si Sandro mula sa driver's seat. Napakurap siya nang makita ang suot nito. Black V-neck shirt din!

Bahagyang siyang natawa. Wala pa man ay couple shirt na sila! Jeez! "I believe we have the same taste?" she said, her nervousness disappearing.

Napatingin din ito sa suot nito at suot niya. He smirked and opened the car door for her.

"Thank you," aniya nang pasakay na siya. Ngunit bago iyon ay maingat na nakawit ni Sandro ang kamay nito sa kanyang baywang.

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now