Chapter 5

102K 3.2K 348
                                    


Hi! Sorry for a month without updates. College is really tough! But I'm tougher! Haha! Bawi ako this month! Thank you for patiently waiting. If you want to get more announcements, news, and updates, you can go to my Facebook profile or join my FB group. But I'm more active on Twitter these days. Links are on my profile. Thank you so much, guys! God bless!

~~~


Chapter 5:

Warning

NAHIHIYANG pumasok si Patricia sa loob ng isang five-star hotel. Sanay siyang tumutungo sa mga ganoong lugar kasama ang mga magulang kapag may mga okasyon. At minsan kapag gusto nilang kumain ni Nicola. Nahihiya lang siya ngayon dahil sa tingin niya ay napakadungis niya nang tignan sa suot. Kaninang madaling-araw pa ang huling ligo niya at pinagpawisan din siya nang matindi sa charity event kanina.

Napatingin siya kay Sandro nang hilahin siya nito papasok sa loob. May mga nag-welcome sa kanilang waiters. Ngunit hindi masyado narinig ni Patricia dahil pigil ang mga ngiti niya habang nakatingin sa magkahawak na kamay nila ng binata.

"Do you have a reservation, Sir?" the maitre d' asked.

Seryosong tumango si Sandro."Delos Santos."

"This way, Sir." Mabilis silang iginiya ng maitre d' sa isang private room.

Napakurap si Patricia nang makitang may naka-set up doon na table for two. May bungkos ng mga puting rosas at mahabang kandila sa gitna ng lamesa. It was also set up for a fine dining. Napangiti siya nang mapagtanto na nagpahanda si Sandro ng isang private candlelit dinner!

"Wow," namamanghang sambit niya. Napalingon siya rito. "Lalong hindi bagay ang suot ko sa hinanda mo."

Nagkibit-balikat lang ito. "Hindi naman ang suot mo ang importante rito. Kundi, ikaw mismo."

Patricia was very much flattered. Napangiti na lang siya at itinago ang pamumula ng pisngi. Pinaghila siya nito ng upuan. Umupo siya roon at nagpasalamat.

Umupo naman ito sa tapat niya at parang hudyat iyon para pumasok ang ilang waiters at hinanda ang kakainin nila.

Nang silang dalawa na lang ulit ang nandoon ay hindi na mapigilan na purihin ito. "I never thought that there's a romantic bone in you. I never imagined you this way, Sandro."

Hawak nito ang isang kopita ng white wine. Sumimsim ito roon habang nakatitig sa kanya. "How do you imagine me, then?" he asked after.

Itinutok ni Patricia ang paningin sa hinihiwang steak. "You're mysterious, Sandro. O ako lang ang nag-iisip niyon?"

"Mysterious?" marahang sambit nito habang umaangat ang isang gilid ng labi. "Misteryoso lang naman ang isang tao kapag hindi mo kilala."

"It's like you have a lot of secrets with you, Alessandro..." matapat niya nang sabi.

"I don't have secrets. You just have to ask me and I'll answer you."

"Really?" Bumangon ang kakaibang damdamin sa dibdib ni Patricia. Napakarami niyang gustong malaman kay Sandro. "You will answer everything I ask...?"

Ikiniling nito ang ulo at ibinaba ang hawak na kopita. Diretso siya nitong tinignan at mapaglarong ngumisi. "What do you want to know, Patricia?

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now