Chapter 31

82.7K 3K 191
                                    

Chapter 31:

Critical

NAPAKURAP si Patricia at muntik nang matulala sa pagkamangha. Hindi si Sandro ang klase ng tao na gagawa ng ganito...

"Come in." His smile was small but his eyes were twinkling. "What do you think?"

Patricia suddenly felt emotional. The whole room was painted in different shades of blue. The white crib has smooth and soft pillows and smooth blankets in it. Then there's a little bed beside the crib. It's not just a small bed, but it was a bed shaped like a car.

May mga maliliit na laruang eroplano ang nakasabit sa kisame. May mga glow in the dark stars din ang nakadikit doon. At the other side of the room, animal stuffed toys were crowding. May iba pang baby toys na naka-box pa at hindi pa nabubuksan.

"When I learned that our baby is going to be a boy, I contacted an interior designer for this room," ani Sandro nang mapansin ang pagkamangha niya.

Lumapit si Patricia sa dresser at nakita ang iba't ibang kagamitan na para sa baby. There were baby towels that come in blue colors only, baby powder, milk bath, shampoo... Sa baba ng dresser ay may malaking sky blue basket na puno ng mga feeding bottles, bottle cleaner, breast pumper, baby formula, and other necessities. Hindi pa naisip ni Patricia na mamili ng mga gamit para sa anak, pero heto si Sandro at nakahanda na!

Napalingon siya rito. "You don't have to do this..."

Tumaas ang isang kilay nito at namulsa. "It's for my son, our son. I should do this. I'm entitled to and I want to." Lumapit ito s akanya at hinaplos siya sabaywang. "Don't you like it?"

Ginala niya pa ulit ang tingin sa buong kuwarto. Her son will be living like a prince! "I think it's too much." Aabutin ng ilang taon bago malaro ng anak nila ang lahat ng laruan na nandoon.

"Really?" ani Sandro. "Ngunit sa tingin ko ay kulang pa. Hindi pa 'ko nakakabili ng mga lampin at damit."

Napatingin siya rito. "I-Ikaw ang bumibili ng mga gamit?" Akala niya ay pinag-uutos lang nito ang pamimili...

Tumango ito. "There's a mall nearby the office. After work, I go there to shop. It's relaxing. I can't help but think that my son would love all of these."

Napangiti na siya dahil sa ningning ng mga mata nito. Sandro got more excited each passing day. "Isama mo'ko sa pagbili ng mga lampin at damit."

"Of course." Inakbayan siya nito at inaya na siyang bumaba para kumain.

Sumama siya sa bahay ni Sandro dahil may ipapakita daw ito sa kanya. At labis nga siyang nasorpresa at natuwa sa baby room na matagal na pala nitong napaayos. Bago bumaba ay napadaan sila sa library office nito. May kaunting kirot na naramdaman si Patricia nang maalalang doon nangyari ang unang beses na pinilit siya ni Sandro na makipag... Napailing na lang siya.

Napatawad niya na si Sandro. Tama na iyon. Hindi niya na aalalahanin ang mga ginawa nito para makaganti. Nasaktan niya ito noon kaya naiintindihan niya dapat. Revenge, is after all, a normal response from an angry heart.

Napatingala siya rito. Maniniwala siyang kaya nitong magbago. Para sa anak nila.

"Alessandro."

Binalingan siya nito. "Yes?"

"B-Binitawan mo na ba ang mga ilegal na negosyo mo?" matapang niyang tanong. She's dying to ask that since they became official lovers again.

"Sa tingin mo ba ay hawak ko pa?"

"Please, just a yes or a no."

He playfully smirked and led her to the dining table. "Since I cut-off the engagement, nagalit sa'kin ang mga anak ni Uncle Herald. Sila na mismo ang nagtanggal sa'kin sa trabahong iyon."

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now