Chapter 16

96.9K 2.9K 301
                                    

Chapter 16: Caged

MADALING araw na nang nakauwi si Patricia. Buti na lang at nagising siya kanina pagkatapos siyang patulugin ni Sandro. Hindi niya na ginising ang nobyo nang umalis siya. Nag-iwan na lang siya ng note na tatawagan niya ito mamayang umaga.

Matagumpay na nakapasok si Patricia ng bahay nila. Nakaabot siya sa kuwarto niya nang walang nagigising. She showered and slept with a smile on her lips.

At kahit kulang ang natulog ay nagising pa rin siya para pumasok sa trabaho.

"Anong oras ka na nakauwi kagabi, Patricia Aurora?" tanong ng Mommy niya habang nag-aagahan sila.

"Around two AM, Mommy. I'm sorry. Napasarap ang pagkukuwentuhan namin ng mga kaibigan ko," pagsisinungaling niya habang nakatutok ang mata sa pagkain. "I-I missed them. Mula kasi nang maka-graduate kami, kahapon na lang kami ulit nagkita."

Tumaas lang ang kilay ng ina. Napansin iyon ng Daddy niya kaya sinalo siya nito.

"Hayaan mo na, Paulina. At least our daughter got home safely."

She wanted to thank her dad although she felt guilty. Pinagtanggol nga siya nito pero nagsinungaling naman siya.

"Nag-aalala lang ako na baka nakipagkita siya sa nobyo niya," sarkastiko nitong sabi.

Lihim na napalunok si Patricia.

"Don't start now, Paulina," saway pa rin ng Daddy niya. "Bigyan natin ng oras si Patricia para makipaghiwalay kay Alessandro."

Huminga siya nang malalim. Her parents have presumed that she'll break up with Sandro after they have told her about her mother's past. Pero kung mabait siyang anak ay ganoon naman talaga ang kailangan niyang gawin, hindi ba?

But no. She won't be a good daughter this time. Hindi ang nakaraan ang sisira sa kanila ni Alessandro

Hindi na lang umimik si Patricia hanggang sa matapos ang agahan. Umalis na siya at nagpaalam na papasok na sa trabaho.

She called her secretary while she's driving. "Kapag tumawag si Mommy, sabihin mong dumating ako sa opisina pero marami akong meetings sa labas ngayon."

"Yes, Ma'am. Kapag po nagtanong siya kung sino ang mga ka-meeting niyo..?"

"Just give her names. Ikaw nang bahala, alright? May iba akong aasikasuhin ngayon."

"Okay, Ma'am Patricia," masunuring sagot ng sekretarya niya.

Niliko niya ang sasakyan papunta sa exclusive village kung saan nakatira si Sandro.

Napangiti siya nang makitang nandoon pa ang sasakyan nito. Agad siyang nakapasok ng bahay nito at naabutan itong nagkakape.

Halatang nagulat ito nang makita siya ngunit napangisi rin nang magtama ang mga mata nila.

"Good morning, mahal!" she happily greeted and hurriedly hugged him.

"Iisipin kong iniwan mo 'ko kanina kundi ko nakita ang note mo." Hinila siya nito paupo sa kandungan nito.

"Sorry. Nakalimutan kong hindi pala overnight ang paalam ko kanina Mommy." Malambing na yumapos siya sa leeg nito.

Binaon nito ang mukha sa leeg niya. "Are you going to work?" he asked.

"Wala akong balak." She wanted to be with Sandro all day long. Magaan at masaya ang pakiramdam kapag silang dalawa lang.

Humaplos ang kamay nito sa baywang niya. "Wala rin akong balak..." nakakiliting bulong nito sa tainga niya.

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now