Epilogue

143K 3.9K 648
                                    


EPILOGUE

"JIMMA, listen-"

Unang putok ng baril at agad na tumama sa balikat ni Patricia. Napasinghap siya at agad na dumapa nang magsunod-sunod iyon. She screamed. "Help! Help!"

Sumigaw si Jimma at tinutok pababa sa kanya sa baril. Napapikit si Patricia at mabilis na pinagdasal ang anak na hindi na madamay ito. At si Sandro... if this will be her end, she hopes that someone will continue leading Sandro to God.

"Napakasama nang asawa mo!" sigaw ni Jimma, nanggagalaiti. "Napakasama niya! Buong buhay naming mag-asawa, pinagsilbihan namin siya! Pero anong nakuha ng asawa ko? Pinatay niya nang walang kalaban-laban!"

"I-I'm sorry, Jimma... I'm s-sorry..." Nakaramdam na agad siya nang pagkahilo nang maamoy ang dugong umagos mula sa balikat niya. It was like the time when she got shot years ago... noong pumayag siyang i-set up upang mahuli si Sandro... noong iniwanan niya ito...

May sinabi pa ito at pinutok ang baril. Napapikit si Patricia. But she didn't hear anything. Malakas na bumukas ang pintuan. Pagkadilat niya ay humagulgol na si Jimma. Hawak na ito ng dalawang guard at ang isa ay kinuha ang baril dito.

"Sana mabulok sa bilangguan ang asawa mo! Napakahalang ng kaluluwa ni Sandro!" Humagulgol si Jimma habang kinakaladkad ito ng mga guard palabas. Narinig niyang nagtawag na ang isa ng pulis.

"Ma'am Pat..." Lumuhod ang isang guard at inalalayan siya paupo sa sofa.

"Ma'am Patricia!"

"Dorothy..." nakita niya itong mabilis na bumaba habang may cellphone sa tainga. "Tumawag na po ako ng pulis. Nako, Ma'am! Kailangan ko na ring magtawag ng ambulansiya!"

Unti-unti na siyang napapikit. "S-Si Noah..."

"Hindi po nagising ang bata, Ma'am. Ako po ang bahala sa kanya. Ma'am Pat! Huwag po kayong matutulog, jusko!"

Patricia was conscious when she heard a siren. Hindi niya alam kung sa pulis o sa ambulansya. Nawawalan-walan siya ng malay.

Ang huling naaalala niya ay tinatanggal na ang bala sa balikat niya. Pagkagising niya, nakatunghay sa kanya si Nicola.

"Thank God!" bulalas nito at hinaplos ang buhok niya. "Pat, how are you feeling?"

Naka-armcast siya. Nang sinubukan niyang igalaw ay napangiwi siya. Siguro nabalian din siya nang basta siyang dumapa para makaiwas sa mga sumunod na bala.

"I-I'm okay..." nakangiwing sabi niya. Iyon lang naman ang masakit sa kanya at wala nang iba. "W-Where's Noah?" hanap niya agad sa anak.

"Kinuha muna siya ni Tita Ysabella. Nakakulong na ngayon ang nagtangka sa'yo. All you have to do is file a case against-"

"No." aniya.

"What?"

Umiling siya at sinubukan nang tumayo. She successfully did. "Hindi na 'ko magsasampa kay Jimma. She's hurt. Pinatay ang asawa niya. I... I'll forgive her. I understand her. Kailangan niya lang sigurong mapunta sa isang drug rehab. She's under drugs."

Napabuntong-hininga si Nicola. "I don't know if I'll be proud of you because you're doing what Jesus would probably do in this situation or be irritated because it's stupid not to put that woman in jail. Oh, well." Nagkibit-balikat ito. "Love like Jesus, indeed."

Napangiti na siya. "Bayad na ba ang bill? Puwede na 'kong umalis siguro?"

"Yeah. Ibarra already took care of it. Hinintay lang talaga kitang magising."

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon