Chapter 34

76.9K 2.5K 113
                                    


Chapter 34:

Sheep's clothing

NAALIMPUNGATAN si Patricia dahil sa iyak ng anak. Kahit antok na antok ay pinilit niyang bumangon. But before she got up, tumigil na sa pag-iyak ang sanggol. Kinusot niya ang mga mata at napangiti nang makitang kalong na agad ni Sandro ang anak.

Napatahan agad nito si Noah sa maingat nitong pag-ugoy. Napangiti siya. Hindi niya kahit kailan na inakalang makikita si Sandro na ganito. Since she gave birth to Noah, Sandro has been the perfect father.

"Ang bilis niyang tumahan kapag ikaw..." mahina niyang sambit.

Napalingon sa kanya ang asawa. The sun ray effects added handsomeness to the proud father. Umangat ang gilid ng labi nito. "Nagising ka pa rin pala."

Humiga siyang muli—patagilid, at tinitigan ang mag-ama. The sight is ever picture-perfect. And every day, she would wake up to this. Tuwing umaga, lagi nang kalong ni Sandro si Noah. Sabik siya sa anak pero lalo na ang asawa. Nagkamali si Patricia nang inakusahan niya si Sandro na hindi ito magiging mabuting ama.

"Matulog ka pa," ani Sandro. "Sigurado akong puyat ka kagabi para mapatulog si Noah."

And how caring husband he is? Ibang-iba na talaga si Sandro. It's been three months since Noah came to their life. At lalong gumanda ang buhay nilang mag-asawa.

Tahimik. Payapa.

The people that against them are surprisingly quiet.

Si Nicola, si Kuya Bari... nagpadala lang ng mensahe ang mga ito tungkol sa successful delivery niya. Hindi na nagbanggit pa ng kahit ano.

Kontento si Patricia. Ito ang pinagdadasal niya. Mula nang nagtiwala ulit siya sa Diyos, tunay ngang umayos ang buhay niya. Even though, hindi pa rin niya mapilit magsimba si Sandro. But she won't stop inviting him.

"Sandali lang naman nagligalig si Noah. Hinahanap ka," aniya at saka tuluyan na ngang bumangon. "Saan ka pala galling kagabi? Anong oras ka na nakauwi?"

Maingat na nitong binalik ang natutulog na sanggol sa loob ng crib. Hinaplos ni Sandro ang bumbunan ng anak at masuyong hinalikan iyon. "Around three AM? May mga tinapos lang akong trabaho sa opisina. I'm with my team."

Isang buwan nang may pinaplanong bagong project ang investment company nito. Hindi niya masisisi ang asawa, ang daming nagtitiwala sa kompanya nito. Naungusan na nitong tunay ang iba't ibang investment companies na mas matanda pa. Iniisip niya na ngang kausapin si Mr. Guadalupe at hayaang i-merge na lang ang PAL sa YDS.

Dahil maraming trabaho, hindi niya na nahihintay ang pag-uwi ng asawa. Kadalasan, sa umaga na lang sila nagkikita bago ito pumasok ng opisina.

Lumapit siya rito at niyakap ito sa baywang. She sweetly kissed his right cheek. "I miss you, Alessandro," she whispered.

Inakbayan siya nito at kinintilan siya ng halik sa sentido. "Susubukan kong makapag-leave minsan sa trabaho. So we can spend more time together."

"Malapit ko nang matapos ang paghahanda sa binyag ni Noah. Maybe, you can file a leave during the week? Pagkatapos ng binyag, let's go for a family trip."

Parang nag-isip ito sandali at pagkuwa'y tumango. "Sounds fun. We'll do that."

May kumatok sa pinto. Si Dorothy. Handa na daw ang agahan.

Deliverance (DS #1)Where stories live. Discover now