Chapter 26

82.8K 3.3K 358
                                    


Chapter 26:

I'm sorry


TAHIMIK ang buong hapag. Kasabay maghapunan ni Patricia ang mga magulang. Hindi niya matignan ng diretso ang ina. All she can do is to be quiet. Lalo lang itong magagalit kapag nagpilit siyang magpaliwanag kung bakit siya nabuntis ni Sandro.

"Hija," her father broke the silence. "Since the company is going well, I guess it's better if Donato can take over my position."

Donato is Mr. Guadalupe. "N-Nandito naman ako, Daddy..."

He weakly smiled. "Mas makakabuti sa'yo kung aalis sa stress ng trabaho lalo na at magkaka-baby ka. You can go back to Sweden if you like. We can all go to Sweden."

Napalunok si Patricia. "Ang finishing school po ni Mommy..." pag-aalala niya at saka napasulyap sa ina.

Her father reached her hand. "Don't worry. Napag-usapan na namin 'to ng Mommy mo. She'll retire as the school's directress. May napipisil na rin siya para pumalit sa kanya."

Nakagat niya ang ibabang labi. Now a clearer choice was given to her. Hindi niya kailangang magpakasal kay Sandro... Malalayo niya ang magiging anak sa gulo ng buhay nila dito sa Pilipinas.

"Don't report on office starting tomorrow. Asikasuhin na lang natin ang pag-alis," her father kindly said.

"Y-Yes, Daddy..." What she had learned from what happened in the past was to obey her parents always.

Saka lang niya napagtanto na dapat nakinig siya sa ina noong pinapalayo siya nito kay Sandro. If she just did, she could have been living a better life now. She could have loved Storge the way he loves her.

Kinagabihan, tumawag si Storge sa kanya.

"Have you received the chocolate syrup?" tila nakangiting tanong nito.

Bahagya siyang napangiti nang maalala ang napakalaking bote ng chocolate syrup na pinadala nito kanina. "I did. Napakalaki niyon, Storge. Saan mo nabili?"

"Sikreto! Huwag mong laklakin, ha? You can't have diabetes at this moment," he joked.

Napapikit siya at nahiga na sa kama. "Hindi ko nga alam kung madadala ko iyon sa Sweden. O kung mauubos ko iyon bago kami umalis."

Storge became quiet on the other line. "A-Aalis kayo?"

"A-Alam na nina Daddy at Mommy, Storge." She didn't elaborate how. Ayaw niya nang maalala kung paanong naisahan na naman siya ni Sandro. Kahit itanggi pa nito. Naniniwala siyang ito ang may pakana niyon. "They want us to go to Sweden. It's much peaceful there, anyway. I'm sorry, Storge..." nabasag ang tinig niya.

Going to Sweden means not choosing Storge as well.

"Storge, s-sana maging magkaibigan pa rin tayo."

"Hey, don't cry," masuyong sabi nito. "Huwag mo rin akong basted-in agad. Puwede naman akong pumunta sa Sweden lalo na at nandoon din naman si Nicola. Kapag na-inlove ka sa'kin at nagpakasal tayo, doon na rin ako titira."

"S-Storge..."

"Nakakalungkot lang na hindi na naman kita makikita araw-araw. Pero may video calls naman. Kung iyan talaga ang desisyon mo at mas pinapaburan ng mga magulang mo, sino ba 'ko para magprotesta? Kung iyan ang tingin niyong mas makakabuti sa baby ay ganoon na rin ang magiging tingin ko," he sincerely said.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon