Chapter 35

75.8K 2.5K 146
                                    

Chapter 35:

The pretend

"YOU'RE going out?"

Natigil sa pagsusuklay si Patricia at napalingon sa asawa. "Ahm, yes. Makikipagkita lang ako sa mga high school friends ko."

Napatingin ito sa relos. "This early?" tanong pa nito.

Iniwas niya ang tingin rito. She doesn't want to lie to Sandro but... "Yes. Morning lang kasi ang time na available kaming lahat." Nagpatuloy siya sa pagsusuklay ng buhok.

Sandro's going to work, too. Tumabi ito sa kanya sa dresser at bahagyang inayos rin ang buhok gamit ang kamay. "Gusto mo bang ihatid kita?"

"N-no need," iling niya. "Out of way. Baka mahuli ka pa sa trabaho."

"Are you bringing Noah?"

Napatingin siya sa crib. Gising na anak ang kanina pa, kasabay nila. "Iiwan ko muna kay Dorothy. H-Hindi naman ako masyado magtatagal."

Bumaling siya sa repleksyon nila sa salamin. Sandro's eyeing her intently. She tried to smiled. "Why?"

"Sigurado kang hindi mo gustong ihatid kita?"

"Hindi na. I'm fine. Umuwi ka na lang nang maaga mamaya. I will cook dinner."

Sandro nodded. Pagkatapos nitong makapag-ayos ay binuhat nito si Noah. Pinanggilan na naman nito ng halik ang sanggol hanggang sa umiyak iyon.

"Alessandro..." natatawa niyang saway sa asawa at saka kinuha rito ang anak.

Nangingiti rin ito sa habit nitong halatang kinaiinisan ng baby nila. Hinawakan nito ang kamay ng anak at nilaro-laro iyon. Finally, Noah smiled. His little arms extending back to Sandro. Binuhat ulit ito ng asawa at marahang inugoy sa mga bisig.

"I think you're going to spoil him a lot."

Hindi sumagot si Sandro pero halata ang kislap sa mga mata. Tila pinatotohanan niyon ang hula niya.

Tinitigan niya ang mag-ama. Lalo na si Sandro. Parang ibang tao talaga ito kapag kasama ang anak nila. Malayong-malayo sa galit at mapaghiganting Sandro. He's just... a loving father. So evident that indeed, he could change.

Pero bakit makikipagkita siya ngayon kay Yvette? Why is she having doubts about her own husband? Anong gusto niyang malaman sa babae? The woman wanted to destroy her trust. Ngunit imbes na umiwas at huwag na lang pansinin, bakit gusto niyang malaman pa?

Hindi pa rin ba siya nagtitiwala ng buo kay Sandro?

"Are you alright, mahal?"

Napakurap si Patricia. "I'm o-okay. Sorry. May iniisip lang." Tumikhim siya at kinuha na ang shoulder bag. "I should go. Ikaw ba? Hindi pa papasok?"

Napatingin ito sa relos at pagkatapos ay sa anak. "Ten minutes more, I think." Pagkatapos ay parang may sarili na namang mundo si Sandro kasama ang anak.

Hinalikan niya ang mga ito bago siya umalis. She used her own car. Habang nagmamaneho ay paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili. Tama ba ang gagawin niya?

Nakagat niya ang ibabang labi. She prayed inside her head. Sana kahit anong malaman niya mula kay Yvette, mangibabaw ang pagmamahal niya kay Sandro. Ipapakita niya sa babae na hindi siya bastang maniniwala sa kung ano mang sasabihin nito.

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon