Chapter 32

84.1K 3.3K 382
                                    




           

Chapter 32:

Mrs. Patricia Aurora Leona delos Santos


NATANGGAL na ang lahat ng bala sa katawan ni Sandro. It was a total of ten gun shots. Luckily, he wasn't fired near his head and his heart. Ngunit may mga bubog ng bintana mula sa bumangga nitong kotse ang tumusok sa iba't ibang parte ng katawan nito.

            Sandro didn't hit his head. But indeed having ten gun shots all over his body made him lose a lot of blood. He is in a critical condition. Dahil kung hindi agad masasalinan ng dugo ay mahihirapan ang puso nitong maglabas pa niyon. There's no proper circulation around his body. Marami pang pinaliwanag ang doktor na hindi niya gaano naintindihan.

Mahina siyang napadaing nang bahagyang kumirot ang tiyan. Agad na umalalay si Nicola na kanina niya pa kasama.

"Oh, no. Huwag kang manganganak ngayon, Pat!"

Sometimes, she just wanted to laugh crazily for all the misfortunes happening to her. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagpaparusa sa kanya ng Diyos?

Pinaupo siya ni Nicola.

"First, it was Daddy. Then, my mom. Now, Alessandro's critical," hirap na hirap niyang wika habang tutop ang tiyan. "Sa tingin mo, sino ang susunod? God never favoured me."

"Hindi iyan totoo," Nicola disagreed. "Look, Pat, just stay calm. I called Ibarra. Kapatid naman siya ni Sandro, hindi ba? Makakatulong siya sa'tin."

As if what Nicola said was a cue for Kuya Bari to enter the scene. He was calmly walking closer to her.

"What happened?" he asked.

Hindi siya sumagot dahil naagaw ng pansin niya ang babae na nasa likuran nito. Balingkinitan, maganda, at maputi. Nagtama ang tingin nila ng babae. Ngumiti ito at kinawayan pa siya. Who is she?

"I don't know what exactly happened to your brother but he needs five bags of blood now. Type O siya kaya hindi masalinan agad ng dugo. The hospital is still checking their blood bank pero kung may kamag-anak naman daw na magiging donor, that will be more helpful."

Ngumiwi ang babae sa likod ni Kuya Bari. "Kuya Sandro totally fucked up this time."

Nilingon ito ng kinakapatid niya. The woman just shrugged.

"I see. May kayang magbigay ng dugo sa kanya ngayon. Type O, you said?" pagkumpirma pa ni Bari.

"Who will be the blood donor?" Patricia asked.

"Me," said the beautiful, fair-skinned lady.

"She's Blair," Kuya Bari introduced.

Napakurap si Patricia. "B-Blair?" So that means...

"Yes!" she affirmed. "I am the 'always-missing-in-action' sister to avoid family dramas."

Ito pa ang isang kapatid nina Kuya Bari at Sandro. Another sibling from a different mother.

"Nice meeting you, Patricia," anito at naglahad ng kamay. They shook hands.

            Tinignan niya nang mabuti ang mukha nito. She can't tell if Blair is a nice girl or a bitch. Maybe she can be both.Her facial features were simple yet beautiful. Her eyes though. Parehas ito at si Sandro ng mga mata. It spells danger.

            "Kami nang bahala dito," seryosong saad ni Kuya Bari. "You can go home. I'll assure you, Sandro won't die."

            "Yeah," segunda pa ni Blair. "Hindi madaling mamatay ang masamang damo."

Deliverance (DS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon